Chapter 17

1K 26 2
                                    

CHAPTER 17


Six months later. Ako na ang solong nagma-manage ng construction business namin after ng two months na training sa akin ni daddy. Medyo nasanay na ko sa proseso ng negosyo. Pinipilit kong magpaka-busy para kahit paano ay maalis sa isip ko si Angel.

Pero kahit ganun pa man, kapag sa gabi ay paulit ulit ko pa ring naaalala ang lahat ng pinagsamahan namin.

Sobrang miss na miss ko na siya...

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito...

"Kamusta na yung business expansion natin? Naiayos na ba lahat ng papers?" tanong sa akin ni daddy pagkadating ko sa bahay.

"Ok naman po lahat dad. Yung magiging office doon ay nirerenovate na and they currently looking for new employees para sa bubuksang branch natin doon. Since nandoon naman na si Uncle Jo ay siya na bahala mag-hire. Basta sinabi ko na highly qualified engineers ang kunin niya ganun din sa mga archi. We are known na  here in states kaya ayokong masira tayo dahil sa maling pagkuha ng mga tauhan." mahabang sabi ko kay daddy.

Ang Salvador Empire Builders Corp. ay kilala na dito sa buong America dahil sa magagandang designs at matitibay na buildings and houses na gawa dahil sa mga husay ng mga engineers at architects namin. Kaya hangga't maaari ay ayokong masisira kami dahil sa incompetent na tauhan.

Napagpasyahan kasi namin ni daddy na mag-expand sa pilipinas dahil marami na rin sa mga friends at malayong kamag-anakan namin na nag-request dahil gusto nila ang lahat ng mga gawa namin. Ang office na kinuha ko ay malapit lang din doon sa dati kong condo unit. Hindi ko binenta ang condo unit ko kahit marami ang interesado. Nais ko kasing sa pagbalik ko ay nandoon pa rin lahat ng mga bagay at gamit na magpapaalala kay Angel.

"Lucas nagpunta nga pala dito si Rachel at sabihin ko raw sa iyo na pumunta ka raw sa party niya mamya 8pm. Alam mo na raw kung saan iyon dahil nasabi na raw nya sa iyo last week." sabi ni mommy sa akin habang nag-aalis ako ng sapatos.

"Mom ayokong pumunta doon. Pagod ako. Sinabi ko naman na sa kaniya na hindi ako makakapunta." sabi ko kay mommy na naiinis.

Si Rachel kasi ay ang classmate namin dati ni Marie. Obvious na may gusto sa akin dati pa. Lagi niya sinasamantala na kapag wala si Marie ay tumatabi siya sa akin at makikipag-usap. Maganda at sexy si Rachel Wayne, half american at half filipino.

Mayaman din ang pamilya nila. Isa sila sa supplier namin ng mga pvc kaya kilalang kilala na rin ang pamilya nila ng pamilya ko.

"Pumunta ka na Lucas. H'wag kang magkulong lang sa kwarto mo. Tigilan mo na yang sobrang pag-iisip sa mag-ina mo dahil kahit anong gawin mo hindi na sila mabubuhay! Ayusin mo yang sarili mo  at siguradong nalulungkot lang sila kapag nakikita kang ganyan!"mahabang sabi sa akin ni mommy.

Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kaniya ang tungkol kay Angel. Sigurado rin naman kasing hindi siya maniniwala. Baka tuluyang ipadala lang nila ko sa mental hospital.

"Ok pupunta na ko pero that doesn't mean na pwedeng maging kami ni Rachel! Mom alam kong pilit ninyong nilalapit siya sa akin...pero mom ayoko kay Rachel dahil may iba akong gusto!"sabi ko kay mom na ikinagulat ko rin.

Holy Sh...Oops! Bawal nga pala akong magmura baka magalit si Angel.

"Ha? Really? So, in love na pala ulit ang anak ko? Who's that lucky girl Lucas? Ipakilala mo siya sa amin." sabi ni mommy na nakangiti abot hanggang mata.

Patay ako nito...paano ko ipapakilala si Angel? Bwisit naman kasing dila ito! Eh kung sabihin ko na lang na nawala na rin siya at nasa langit na? Naku! Ipagpipilitan niya pa lalo sa akin si Rachel. Eh kung sabihin kong naiwan ko sa Pinas? Pwede!

"Mom nasa Manila po siya..."sagot ko na lang baka sakali tumigil sa kakakulit si mommy.

"Talaga? Papuntahin mo siya dito! Tayo na kamo bahala mag-asikaso sa papers niya at pati na rin sa flight."sabi pa uli ni mommy na halatang sabik makilala yung babaeng sinasabi ko.

"Pero mom busy po siya masyado. Siguro pag ok na ang schedule niya ay susunod din siya dito." sagot ko na lang kay mommy.

Mukhang lumalala yung usapan namin ni mommy about sa babaeng sinabi ko. Gusto ko lang naman kasi siyang tumigil sa pangungulit niya sa akin para kay Rachel.

"Sayang naman. Anong pangalan niya Lucas?" tanong ni mommy kaya wala na kong magawa kundi ang sabihin sa kaniya.

"Angelica..."mahinang sabi ko habang nakapikit. Naalala ko na naman si Angel.

"Halata nga na mahal na mahal mo siya anak. Siya pala ang dahilan kaya ka nagkakaganyan. Ano bang surname ng bago kong magiging manugang?" tanong pa uli ni mommy kaya napadilat ako.

Ano isasagot ko kay mommy? Wala namang surname si Angelica dahil isa nga siyang anghel.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makaiwas sa mga tanong pa ni mommy.

"Teka nga pala mom may nagpapa-return call nga pala na client. Saglit lang po mom." sabi ko na lang sabay tayo at punta sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay ni-lock ko agad ang pinto para hindi na ko kulitin pa ni mommy. Ano na ba gagawin ko? Paano kung kulitin uli ako ni mommy about kay Angel? Anong gagawin ko? Eh kung bumalik na lang muna ako ng Pinas? Malamang noon susundan nila ko para makilala si Angel. Pero pwede ko pang paghandaan kung sakali. Pwede akong mag-hire ng babaeng pwedeng ipakilala sa kanila.

Tama! Ganun na nga lang ang gagawin ko...


My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon