CHAPTER 34
***Lucas POV
Hindi ko na alam ang dapat isipin. Nawawala pa si Angel at hindi ko alam kung nasaan siya. Nagpunta na ko kina kuya Jay niya pero hindi rin nila alam kung nasaan siya. Saan ko siya hahanapin? Gusto kong umalis at magpakalayo-layo kasama si Angel pero hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin. Bukas ay nandito na ang parents ko at ang daddy ni Rachel. Ayoko silang harapin dahil ayokong pumayag magpakasal kay Rachel.
Nauunawaan ko kung bakit pumayag ang parents kong ipakasal ako kay Rachel dahil malaki ang pagkakautang ng company namin sa daddy niya. Ilang milyong dolyares din ang hindi pa namin nababayaran sa kanila at kapag hindi nabayaran agad ay maaring mawala ang lahat ng pinaghirapan ng daddy ko. Ginigipit kami ng daddy ni Rachel. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ng dapat gawin. Ayokong i-give-up si Angel dahil mahal na mahal ko siya. Siya lang ang nagbigay ng kulay sa mundo ko.
Mula pa kahapon ay hindi ko na pinapansin si Rachel. Bahala siya sa buhay niya. Gusto ko na siyang umbagin sa ginawa niyang pagsira sa amin ni Angel. Kailangan kong umalis muna dito sa unit ko dahil ayoko siyang makita.
Dingdong!Dingdong!
Please Migs open the door! Kailangan ko ng kausap...
Nagbukas ang pinto at nakita ko si Migs na medyo namumutla. Ako na ang nagsara ng pinto bago tuluyang pumasok sa loob ng unit.
"Kamusta na pare? Umiinom ka ba ng gamot mo?"bating tanong ko sa kaniya pero kanina ko pa gustong-gustong itanong kung may balita na siya kay Angel.
"Ayos lang naman ako pare. Magaling yung nag-aalaga sa akin eh!"sagot ni Migs na ikinabigla rin nito sa nasabi niya.Napansin kong bigla itong yumuko at hindi makatingin ng diretso sa akin. May tinatago ba siya sa akin?
"Really? Sino? Akala ko ba bukas pa dating nina uncle Jonas?"tanong ko sa kaniya at bigla na naman naging mailap ang mga mata nito.Mukhang may tinatago talaga sa akin ang mokong na ito eh... Hindi kaya si Angel ang nag-aalaga sa kaniya? Sila ang huling magkasama eh! Nandito kaya si Angel sa unit niya at tinatago niya lang sa akin?
"Uhmm...yes bukas sana pero hindi pa raw sila sure dahil may bagyong parating. Kaya baka daw ipa-cancel ang flight nila...Anyway, ano na balita kay Angel?"sabi ni Migs kaya napakunot ang noo ko.Nagpapanggap lang ba siya na hindi niya alam kung nasaan si Angel o talagang hindi niya alam?
"Wala pang balita sa kaniya eh... Mabuti naman at may nag-aalaga sa iyo.Sino naman siya?"tanong ko kay Migs kaya napansin kong biglang nanlaki ang mata nito.Sinasabi ko na nga ba mukhang tama ang kutob ko...
"Si..."sagot ni Migs na hindi natuloy dahil sa biglang paglabas ni Hannah mula sa kwarto nito.
"Hi! Kamusta? I'm Hannah friend ni Migs ako muna ang nag-aalaga sa kaniya hangga't wala pa ang parents niya."sabi nung babaeng maputi nakasuot ng malaking tshirt. Katulad siya ni Angel na napakakinis ng kutis.Napatingin ako kay Migs at nakita kong parang gulat na gulat ito.
Bakit kaya? Hindi kaya girlfriend niya itong Hannah na ito? So, it's negative...Wala dito si Angel sa unit niya.
"I'm Lucas, friend ni Migs. Kaya naman pala medyo mukhang ok na si pareng Migs dahil may magandang nag-aalaga sa kaniya...Sige pare alis na ko...Baka nakaistorbo lang ako sa inyo. Magpagaling ka...saka balitaan mo na lang ako kung may makuha kang informations about sa Angel ko."sabi ko sabay tapik sa balikat ni Migs. Lumabas ako ng unit at nagpasyang bumalik sa kwarto ko.
***Migs POV"Who are you??? Paano kang nakapasok dito sa unit ko?"tanong ko dun sa Hannah pagkalabas ng kaibigan kong si Lucas. Nagulat na lang ako sa bigla niyang pagsulpot kanina.
Saved by the bell ako kanina dahil sa kaniya pero hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang pagpasok dito sa unit ko. Hindi ko naman siya kilala pero bakit kilala niya ko?
"Sinabi ko na kanina ang pangalan ko di ba kaya hindi ko na uulitin. Bakit hindi ka na lang magpasalamat sa akin na kung di ako lumabas e di mabubuko ka niya na tinatago mo dito si Angel!"sagot nung Hannah habang nakapameywang pa.
Napakaganda niya pero kuba nga lang. Perfect beauty ang babaeng nasa harap ko. Mukha siyang isang anghel na bumaba dito sa lupa.
"E di thank you! Now you can go...Hindi na kita uusisain kung paano ka nakapasok dito sa loob ng unit ko. Patatawarin na kita basta umalis ka na lang."sabi ko pero sa totoo lang ayoko siyang paalisin. Hindi ko maialis ang pagtitig sa mga mata niya.
"Ang sungit mo naman! Ikaw na nga itong tinutulungan ko tapos ganiyan ka pa makitungo sa akin."sabi nung Hannah na parang naiiyak. Bigla tuloy akong nataranta nang makita kong pumatak ang luha niya kaya agad akong lumapit para yakapin siya.
Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
"Hannah? Bakit ka umiiyak? Migs anong ginawa mo sa bestfriend ko?"tanong ni Angel habang palapit sa amin galing sa kabilang kwarto. Binitawan ko ang pagkakayakap kay Hannah at humarap kay Angel.
"Ang sungit nitong mamang ito Angel! Siya na nga tinutulungan pinapalayas pa ko!"sabi ni Hannah sabay punas ng luha."Hindi naman sa ganon kaya lang hindi naman kasi..."sagot ko pero pinutol ni Angel.
"Ah Migs pasensya na. Si Hannah nga pala ang matalik kong kaibigan pinatuloy ko muna dito kagabi dahil pinalayas siya sa kanila. Hindi na ko nakapagpaalam sa iyo dahil mahimbing ang tulog mo. Sorry Migs."sabi ni Angel sa akin.
"Ok lang. Nagulat lang kasi ako kanina...Nagpunta kasi si Lucas tinatanong ka sa akin mabuti na lang at biglang lumabas ang kaibigan mo kaya hindi na siya naghinala na baka tinatago kita dito."sagot ko sa kaniya at nakita ko na nalungkot na naman si Angel sa pagbanggit ko sa pangalan ni Lucas.
"G-ganun ba? Pasensya na sa pang-iistorbo namin sa iyo Migs ha..."sabi ni Angel habang nakayuko. Alam kong nahihiya siya dahil sa pagtigil niya sa unit ko kasama pa ang kaibigan niya. Pero sa totoo lang ok lang sa akin kahit magtagal pa sila.Sana lang h'wag magalit sa akin si Lucas kapag nalaman niyang tinatago ko si Angel sa kaniya.
Sinulyapan ko si Hannah at nakita kong nakatitig siya sa akin. Nginitian ko siya at bigla siyang nag-blush. Bigla namang nagwala ang dibdib ko.
Ano ba itong nararamdaman ko sa kaibigan ni Angel? Para akong ma-ka-cardiac arrest sa nararamdaman ko.
F*ck! What's this? Bukod sa kanser sa utak, may sakit din ba ko sa puso?
BINABASA MO ANG
My Sweet Naughty Angel
FantasyAngelica is a wicked and naughty angel that has been cast out from heaven. She always makes her master mad at her. To teach her a lesson, her master sent her down to earth. She was commanded to help Lucas from his misery. Instead of helping him out...