Chapter 32

979 19 4
                                    

CHAPTER 32

***Angelica's POV

Ang sakit naman sa dibdib ng nakita ko! Hindi ko matanggap na niloko ako ni Lucas. Kaya pala ganun na lang niya ako ipamigay kay Migs...


Gusto ko na sanang mag-usap kami ng masinsinan kung bakit niya nagawang pasamahin ako kay Migs. Kung ano man ang dahilan niya ay tatanggapin ko dahil mahal ko siya. Pero masasaktan lang pala ako lalo sa makikita ko sa kwarto niya. Magkayakap sila ni Rachel habang nakahubad sa kama niya! Totoo nga ang sinabi ni master sa akin na magulo dito sa mundo. Komplikado ang buhay ng mga tao. Sobrang nasasaktan ako sa nakita ko. Hindi ko kayang makita muli si Lucas.


"Kamusta na ang pakiramdam mo Angel?"tanong ni Migs sa akin na halatang nag-aalala.

Paalis kasi kanina si Migs para magtungo sa ospital dahil mayroon lang daw siyang kakausapin na doctor kaya sumama ako. Narinig ko ang pinag-usapan nila tungkol sa sakit nito. Malala na pala ang cancer ni Migs! Naawa tuloy ako sa kaniya. Kung may powers lang uli ako gusto ko siyang
tulungan pero wala na.


"Medyo ok na ko. Pasensya na Migs ha..."sabi ko sa kaniya habang pasinghot-singhot. Hinaplos ko ang mukha ni Migs dahil sa awa sa kaniya.

Kung sana hindi ko na lang pinili ang maging tao, aalisin ko ang kanser mo Migs. Pero wala na kong magagawa dahil sinakripisyo ko na ang pagiging anghel ko para kay Lucas. Si Lucas na sasaktan lang pala ako...

"Nalaman mo tuloy ang tungkol sa sakit ko...Paano yan? Balik na tayo sa unit."sabi ni Migs sa akin kaya napatango na lang ako.


"Migs...doon na lang muna ako sa unit mo kung ok lang? Ayokong makita si Lucas eh..."sabi ko sa kaniya na nakikiusap. Baka kapag nakita ko lang si Lucas ay kumirot na naman ang puso ko.


"Sure ka? Ano ba kasi pinag-awayan ninyo ng pinsan mo?"tanong ni Migs sa akin. Gusto ko nang sabihin sa kaniya na hindi kami magpinsan ni Lucas pero hahayaan ko na lang si Lucas ang magsabi noon sa kaniya.

"Basta...Malalaman mo rin sa tamang panahon Migs.Ikaw naman? Kamusta naman pakiramdam mo? May sakit ka pala...sino mag-aalaga sa iyo dito eh mag-isa ka lang."sabi ko na lang sa kaniya at nakita ko si Migs na ngumiti sa akin.


"Baka sa susunod na araw nandito na rin parents ko.Sa ngayon kakayanin ko na munang alagaan ang sarili ko."sagot ni Migs sa akin sabay kuha sa kamay ko.

"Ganun ba? Sige ako na lang muna mag-aalaga sa iyo hangga't wala pa ang parents mo. Wala bang masakit sa iyo ngayon Migs?"tanong ko kay Migs na nag-aalala kaya hinaplos ko ang pisngi niya.

Dati sa simpleng haplos ko lang ay pwede nang gumaling ang mga may sakit. Binawi na ng tuluyan sa akin ang kakayahan kong magpagaling.


Nakarating kami ni Migs sa unit niya nang hindi ako tumitingin sa kabilang unit. Ayokong makita kahit man lang ang pinto ng unit ni Lucas. Hindi ko pa kayang makita ang kahit anong magpapaalala sa kaniya.

"Gamitin mo na lang yung kabilang kwarto Angel. Bukas ay ikukuha kita ng damit kay Lucas."sabi ni Migs kaya bigla akong napabaling sa kaniya.

"No! H'wag Migs...ayokong malaman niya na nandito ako. H'wag mong sasabihin sa kaniya na kasama mo ako. Siguradong babawiin niya lang ako sa iyo. Ayoko pa siyang makita. Please Migs!"pakiusap ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang braso niya.

"Ok sige kung iyan ang gusto mo Angel. Nakakahiya lang kay Lucas kasi pinayagan niya kong ilabas ka ngayon tapos itatago kita sa kaniya..."sabi ni Migs sa akin.


"Kapag ok na ko saka na ko babalik sa kaniya. Hayaan mo na lang muna ko dito Migs!Please..."sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na tumango siya sabay kabig sa akin para yakapin ako. Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang siya.


Narinig namin tumunog ang cellphone ni Migs kaya bigla siyang bumitiw sa akin sa pagkakayakap.

Lucas calling...

"Hello pare? Si Angel? Umalis eh..Hindi ko alam. Nagpunta kasi ako ng hospital habang kausap ko yung doctor sumalisi siya ng alis... Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pare....pasensiya na.Kapag nakita ko sasabihin ko sa iyo...Ok.Bye!"sabi ni Migs kausap si Lucas sa kabilang linya. Hindi ako kumikibo dahil ayokong marinig niya ako at malaman na nandito lang ako sa unit ni Migs.


My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon