Chapter 6

1.4K 46 4
                                    

CHAPTER 6


Nandito kami ngayon ni Angel sa bathroom. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagpapaligo ko sa kanya. Naglagay ako ng tubig sa bathtub at naglagay ng bubbles para hindi ko makita ang katawan niya. Naiilang kasi ako sa anghel ko.

"Ang ganda! Parang ulap din. Pwede na kong pumunta dyan?" tanong sa akin ni Angel na nasa likod ko.

"Wait lang paglabas ko saka ka maghubad ng damit mo." sabi ko sa kanya.

"Ha? Eh nakahubad na ko. E di ba sabi mo paliliguan mo ko? Hindi  ko alam maligo nang may ganyan. Hwag mo kong iwan dito." sabi ni Angel sa akin sabay punta sa harapan ko na ikinabigla ko dahil hinatak pa nya ako kaya parehas kaming natumba sa bathtub.

"Shit! I'm wet. Pilya ka talaga."sabi ko na namumula. Shit! Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ako makahinga. Naaakit ako sa guardian angel ko.

"Shhhh.." saway niya sa akin dahil nagmura na naman ako.


Kasi naman napakaganda niya...

Napakakinis...


Paano ko siya paliliguan? May nagwawala sa loob ng katawan ko! Shit naman!!!

"Bakit ba ang hilig mong magmura Lucas?" tanong ni Angel sa akin.

"Hwag mo na lang akong pansinin.Nabibigla lang naman kasi ako kaya ako napapamura."sabi ko sa kanya na hindi makatingin ng tuwid sa mga mata.

"Paliguan mo na ko. Yung pakpak ko basang basa na. Matutuyo ba agad ito?"tanong ni Angel sa akin sabay taas ng braso para ipakita ang pakpak sa likod na naging dahilan kaya lumitaw ang kaliwang dibdib nito.

Shit! Hindi ko na kakayanin pa ito. Baka may magawa lang akong hindi maganda kay Angel. Mabuti pang lumabas na ko.

"Lucas! Saan ka pupunta?"sigaw ni Angel sa akin ng makita niya akong palabas na ng banyo.

"Ganyan lang naman ang paliligo. Magbabad ka lang ng mga 15 minutes dyan tapos magbanlaw ka ng tubig sa shower. Ganun lang yun. Tawagin mo na lang ako sa kwarto ko kapag tapos ka na maligo ok?" sabi ko kay Angel na hindi lumilingon. Ayokong mabasa niya ang  nasa isip ko nang  oras na ito. Nakakahiya. Kailangan kong makalayo sa kanya.


Nagkulong ako sa kwarto ko. Naligo ako ng di oras tutal nabasa na rin ako kanina nang hatakin ako ni Angel. Kailangang alisin ang init ng katawan ko. Shit talaga! Hindi maaari ito. Guardian angel ko siya. Baka parehas lang kaming maparusahan kapag may magawa akong kalokohan sa kanya.


Natapos akong magshower at naisipan ko na ring lumabas nang banyo pagkalipas ng 10 minuto  at sa pagkagulat ko ay nakatayo si Angel sa gitna ng kwarto ko nang walang saplot! Shit! Anong ginagawa niya sa loob ng kwarto ko???


"Angel! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Nakatapis lang ako ng twalya sa gitna ng baywang ko at naiilang ako sa babaeng anghel na nakahubad na nasa kwarto ko.


"Tapos na kong maligo. Naligo ka rin pala sana sabay na tayo kanina. Ang tagal kasi matuyo ng pakpak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para matuyo ito." sabi ni Angel sa akin sabay lapit na lalo kong kinabigla.


"Shit! Hwag kang lumapit sa akin. Bumalik ka dun sa banyo na ginamit mo at magpunas ka ng twalya. Magsuot ka ng damit saka pakiusap lumabas ka na ng kwarto ko dahil magbibihis ako!" sabi kong malakas kay Angel na ikinabigla nito kaya nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.


Nakahinga naman ako nang maluwag pagkalabas ni Angel. Shit! Pinapahirapan ako ng guardian angel ko! Ano ba itong nararamdaman ko? I think kailangan ko na namang magpunta ng banyo...

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon