CHAPTER 25
Isang linggo ang lumipas at hindi na nangungulit pa si Architect Van kay Angel kaya nakahinga ako ng maluwag. Alam na kasi niya ang mangyayari sa kanya kapag itinuloy nya ang pagporma sa Angel ko.
Si Angel naman ay sa condo unit ko na tumutuloy pero hindi alam sa office na magkasama kami sa iisang unit lang. Tanging si uncle Jo lang ang nakakaalam dahil nabanggit ko na sa kaniya ang tungkol sa nakaraan namin ni Angel pero hindi ko na sinabi ang pagiging anghel niya. Ang mga kapatid naman niya ay pinadalhan ko ng pera para hindi na kumontra sa pagtira ni Angel sa unit ko.
Kahit paano ay hindi na naiilang sa akin si Angel pero batid ko na wala pa rin siyang naalala tungkol sa nakaraan namin. Masaya naman na ako kahit nakalimutan niya ko dahil kahit paano ay nakakasama ko pa rin siya.
Ding-dong!
Nagulat ako sa doorbell kaya nabalik ako sa wisyo. Lumapit ako sa pinto para alamin kung sino ang bisita ko.
"Hi darling!"bati sa akin ni Rachel sabay halik sa labi ko na ikinagulat ko.
"What are you doin' here???" tanong ko na gulat na gulat kay Rachel. Inalis ko ang mga braso niya na nakapulupot sa leeg ko dahil natatakot akong makita ni Angel.
"I'm here for yah darlin'! Aren't yah happy? Your uncle Jo ordered pvc to my dad and he informed him that yah already came back here so I decided to follow yah that's why I'm here darling. I missed yah." sagot ni Rachel sabay halik uli sa labi ko. Nagulat kami nang nakarinig kami nang bumagsak sa flooring. Paglingon ko ay nakita ko si Angel na nakatingin sa amin habang nasa paanan ang nabasag na baso.
"A-angel..."bulong ko dahil nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. I want to cuss Rachel pero hindi pwede dahil nangako na ako kay Angel. Bakit ba kasi nandito ang babaeng ito? Obvious naman na sa kaniya na hindi ko siya gusto eversince! Bwiset na babae talaga...
"Oh! Is she your maid? So stupid!" sabi ni Rachel kaya tinignan ko siya ng masama pero hindi niya ko pinansin.
"Ako na ang bahalang maglinis dyan Angel. Hayaan mo na yan."mahinahong sabi ko nang napansin kong parang naluluha si Angel bago pumasok sa kwarto niya. Nagseselos kaya siya dahil sa nakita niya? Gusto kong sakalin si Rachel pero ayokong matakot si Angel kapag ginawa ko yun. Baka lalong lumayo lang siya sa akin.
"Hey darlin! You don't have to do that...she's your maid so it's her job to do the..."sabi pa uli ni Rachel kaya pinutol ko dahil kanina pa ko naiirita sa kaniya!
"Stop it Rachel! Angel is my girlfriend so stop telling that she's my maid. Now you know that I'm already here, then you may leave." sabi ko na lang sa kaniya sa sobrang inis. Alam ko nagiging ungentleman ako pagdating sa babaeng ito pero hindi ko talaga mapigilan ang inis ko sa kaniya.
"You're so brute! I was just arrived and yah askin' me already to leave? Nah! I already told your mum that I'll stay here with yah! You can call her..."sabi pa uli ng maldita sabay upo sa sofa.
Tinawagan ko nga ang mommy ko at nalaman ko na wala nga siyang nagawa dahil nagmakaawa si Rachel na alamin ang address ko dito sa manila. Sinabi sa akin ni mommy na pagbigyan ko na lang daw ito dahil nangako na dadalawin lang daw ako at aalis agad. Nabanggit na rin daw niya na may girlfriend na ako at tinanggap naman na daw nito kaya gusto niya daw akong i-congratulate ng personal kaya ako dinalaw dito. Wala naman akong magagawa kaya hinayaan ko na lang na tumuloy dito sa unit ko si Rachel.
"Ok. You can stay here for only one week. Please be good while you are here. Don't kiss me or do anything stupid. Angel might see us and she'll probably get hurt. I love Angel so please stop messing with her understood?" sabi ko kay Rachel at nakita kong medyo nasaktan siya sa sinabi ko. Mas mainam na alam na niya na wala talaga siyang aasahan sa akin kahit anong gawin niya.
Ngayon ko lang naalala kung saan ko siya patutulugin. Hindi siya pwede sa kwarto ko. Pero hindi naman sila pwedeng magsama ni Angel sa kabilang kwarto dahil baka may gawing hindi maganda itong si Rachel. Maya-maya ay lumabas si Angel sa kwarto na parang namumula ang mga mata kaya agad kong nilapitan.
"Angel why?" tanong ko sa kaniya na nag-aalala lalo tuloy nadagdagan ang inis ko kay Rachel.
"Uuwi na lang muna ko sa amin sir Lucas para may matulugan po si ma'am."sabi ni Angel kaya hinatak ko siya papunta sa kwarto ko para makausap ng masinsinan na kinagulat nito.
"No! Hindi ka aalis Angel. Saka stop calling me sir di ba sinabi ko na sa iyo yan? Call me Lucas ok?"sabi ko sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi niya.
"Pero baka po magalit yung girlfriend nyo..." sabi ni Angel kaya hindi ko napigilan ang mapangiti sa sinabi niya.
"Nagseselos ka ba Angel? Hindi ko siya girlfriend. Naging classmate ko lang siya dati sa states. Rachel's nothing to me kaya you don't have to worry about her. Actually, I already told her na ikaw ang girlfriend ko para layuan na niya ko..."paliwanag ko na ikinapula ng mukha ni Angel.
"Sinabi niyong girlfriend nyo ko? Bakit po? Saka hindi naman po ako nagseselos..."sabi ni Angel na nakayuko kaya hinawakan ko ang baba niya para matitigan.
"Really? Ok sabi mo eh.By the way please drop the "po" thing ok? Parang tumatanda ako masyado eh..."sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na tumango siya sa sinabi ko.
"Halika na sa labas Lucas baka kung ano isipin nung Rachel sa atin." hatak sa akin ni Angel para lumabas ng kwarto.
"Ok lang yun. Mas mainam nga na isipin niya na may ginagawa tayo dito sa loob ng kwarto dahil alam naman niya na girlfriend kita." sabi ko kay Angel at nakita kong namula ng todo ang pisngi niya. Paano kaya kung sabihin ko sa kaniya na maraming beses na may nangyari sa amin dati pero ayokong mapahiya siya lalo at wala pa siyang natatandaan tungkol sa nakaraan namin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Naughty Angel
FantasyAngelica is a wicked and naughty angel that has been cast out from heaven. She always makes her master mad at her. To teach her a lesson, her master sent her down to earth. She was commanded to help Lucas from his misery. Instead of helping him out...