Chapter 15

1.3K 30 4
                                    


CHAPTER 15


Madaling araw


Magkatabi kami ni Angel ngayon dito sa kama ko. After kong sabihin sa kaniya ang feelings ko kanina ay inakala kong magagalit siya sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla akong halikan ni Angel at muli kaming nawala na naman sa aming mga sarili. Bago makatulog si Angel ay bumulong siya sa akin na mahal niya rin ako kahit na alam niyang maari siyang maparusahan ay hindi niya mapigilan ang damdamin niya sa akin.

Sobrang saya ko lang sa nalaman kong mahal niya rin ako...

Pero bigla ring napawi ng maalala ko na isang buwan na lang siya dito sa lupa at babalik na siya sa langit...

Tinitigan ko siya sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi.

Nagulat ako nang may narinig akong nabasag sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon para tignan kung ano yung nabasag. Paglabas ko ng pintuan ng kwarto ay biglang may  pumalo sa batok ko kaya nawalan ako ng malay.


Makalipas ang dalawang oras ay nagising ako. Napatingin ako sa paligid ko. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na kinaroroonan ko. Para siyang isang malaking warehouse na may mga nakaimbak na mga kahon na malalaki.

Shit! Nasaan ako? Ang pagkakatanda ko may pumalo sa batok ko kanina kaya nawalan ako ng malay! Si Angel? Nasaan siya baka sinaktan din nila...makakapatay ako ng tao pag may ginawa silang masama kay Angel!

Sinubukan kong tumayo pero nagulat ako at napansin kong nakatali ang mga paa ko ganun din ang aking mga kamay.

Sino naman kaya ang gumawa nito sa akin? Mukhang matindi ang galit ng taong yun!

Nagulat ako nang biglang bumukas ang malaking pinto ng warehouse. Pumasok ang mga maskuladong lalaki na sa palagay ko ay mga pito sila kasunod ang isang matangkad na lalaki na natatakpan ng malaking rayban ang mga mata. Lumapit sila sa akin at natitigan ko ang mukha nung lalaking naka-rayban. Si Marcus!

"Long time no see Lucas!" bati sa akin ni Marcus na nakangisi.

"F*ck! Why are you doing this Marcus? Anong kasalanan ko sa iyo?" tanong ko sa kaniya at nakita kong nagtagis ang bagang niya.

"Hindi mo alam??? Ok. Naaasar kasi ako sa iyo alam mo yun! Lagi kang bida sa mga mata ni uncle Nick!(daddy ni Marie) Sa halip na sa akin niya ipahawak yung buong business e sa'yo na manugang lang niya pinahawak? Akong tunay niyang pamangkin ay ginawa lang niyang tauhan sa kumpanya!" mahabang litanya ni Marcus sa akin.

Nagseselos pala siya sa akin. Solong anak lang kasi si Marie at sina Marcus at Micaela ay pinsang buo niya sa side ng daddy niya.

"Yung business lang ba? Willing kong ibigay sa iyo yun...pakawalan mo lang ako dito at kakausapin ko si daddy." sabi ko sa kaniya pero nakita ko siyang ngumisi lang sa akin.

"At ano pagkatapos? Ikaw na naman ang magmumukhang mabait sa harap ni uncle Nick? F*ck you Lucas!!! Alam na alam mo kung paano makuha ang simpatya ni uncle!" sabi ni Marcus sabay bigwas ng kamao niya sa mukha ko.

Maya-maya ay tinutok niya ang baril na kinuha nya mula sa isa sa mga lalaking kasama  niya. Tinutok niya ang hawak niyang baril sa sentido ko at kinasa.

Nakaramdam ako ng takot sa ginawa ni Marcus. Mukhang desidido na talaga siyang tapusin ako. Sa isip ko ay ok lang kung mamatay na ako para makita ko na ang mag-ina ko at makasama si Angel sa langit...kung sa langit ang punta ko dahil sa mga nagawa ko.


"Magdasal ka na Lucas! Tawagin mo na ang lahat ng santo at anghel sa langit para tulungan ka...dahil ngayon ay mamamatay ka na!" sabi ni Marcus sa akin at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa baril.

"Boss may nakapasok po dito sa warehouse..."sabi nung isang lalaking humahangos palapit mula sa labas ng warehouse.

"Shit! Gag* ka ba? Bakit hinayaan mo? Hindi mo ginagawa ang trabaho mo ng maayos. Hanapin mo kung sino mang tarantad*ng yun!"

"Pasensya na po boss. Sige po hahanapin ko po siya." sabi nung lalaking dumating kanina.

"Aba dapat lang gag*! Kayong dalawa samahan nyo ang gunggong na 'to sa paghahanap! Kapag nakita nyo patayin nyo agad!!!" sigaw ni Marcus sabay balik ang tingin sa akin. Limang tauhan na lang ni Marcus ang naiwan kaya humanap ako ng tiyempo para makahanap ng paraan para maalis ang tali ko.

Bago makaharap si Marcus sa akin ay sinipa ko siya sa kanyang harap na naging dahilan ng pagluhod niya.  Akmang babarilin ako ng isa sa mga tauhan niya ay agad akong nakaiwas at nagpagulong sa sahig para maagaw ang baril na nabitiwan ni Marcus.

"Put*ng ina nyo mga gag* bakit nakatanga lang kayo dyan??? Ang bobo nyo sugurin nyo ng sabay-sabay! Mga inutil!!!" sigaw ni Marcus sa mga tauhan niya na nagulat lang sa bilis ng pangyayari dahil sa mabilis kong pagkilos habang si Marcus ay namimilipit sa sakit ng pagkasipa ko sa iniingatan niya.

Hindi ba nila alam na black belter ako sa taekwondo? Tsss!

Hawak ko na ang baril na hawak kanina ni Marcus pero nagulat ako dahil sa sabay-sabay nilang pagsugod sa akin at pagpapaulan ng  bala kaya nakipagsabayan ako. Mabuti na ang mamatay ng lumalaban. Hihintayin ko na lang ang kamatayan ko. Nagulat na lang ako ng parang walang tumatama na bala sa akin. Nakapikit na kasi ako para hintayin ang mga bala na papunta sa akin. Hindi na kasi ako makapagpaulan ng bala dahil sa tama ko sa braso kanina.

"Shit! Who's that bitch???" sigaw ni Marcus kaya napadilat ako. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod mula sa akin habang nakalutang at nakaharang ang mga pakpak kaya hindi tumatama sa akin ang mga bala.

"Angel... "nasambit ko ang pangalan niya. Niligtas na naman ako ng guardian angel ko...

"Are you done? Bakit nyo ba sinasaktan si Lucas? Ano ba ang kasalanan niya sa inyo? Bakit pumapatay kayo ng kapwa niyo tao? Hindi niyo ba kayang magbigayan para walang gulo? Hindi niyo ba kayang pag-usapan ang di niyo pagkakaunawaan sa isang simple at tahimik na paraan? Paano kung ganiyan din ang gawin sa inyo o sa pamilya ninyo? Ano ang mararamdaman ninyo? Gaganti rin kayo? Walang katapusang gantihan? Kaya napakagulo ng mundo ninyong mga tao!" mahabang sabi ni Angel at nakita ko sina Marcus na mukhang takot na takot sa nakikita nilang anghel na nasa harapan nila.

Hindi makakilos sina Marcus at ang mga tauhan nito marahil dahil sa special powers ni Angel na himala at hindi na sablay.

Makalipas lang ng ilang segundo ay nakarinig na kami ng sirena ng mga pulis na parating. Lumingon sa akin si Angel at ngumiti sabay senyas ng peace sign! Ibang klase talaga itong anghel na ito. Napangiti lalo ako sa kaniya. Lalo tuloy akong naiinlove sa guardian angel ko.

Nag-alala ako ng maalala ko na baka makita ng mga pulis si Angel kaya hinatak ko siya para makaalis na kami sa lugar na iyon. Nagulat na lang ako ng nasa labas na kami ng warehouse ay yumakap siya sa akin at isinama niya ako sa kaniyang paglipad.

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon