Chapter 20

1K 23 3
                                    

CHAPTER 20


Pagpasok ko sa loob ng office ay agad tumayo ang mga empleyado sabay lapit sa akin ni uncle Jo. Alam na niyang papunta ko dito sa office dahil nagtext na ko sa kaniya.

"Lucas sabi ko sa iyo magpahinga ka muna dahil kagagaling mo lang sa biyahe." bating bungad sa akin ni uncle pagpasok ko sa office. Nilibot ko ng tingin ang opisina at maganda naman at maaliwalas tignan.
 
"Sasaglit lang naman ako dito." sagot ko kay uncle kaya inaya niya na lang ako papasok sa loob para ipakilala sa mga empleyado.

"Hello po sir Lucas! Welcome home po."sabi ng mga empleyado ng sabay-sabay. Napangiti naman ako dahil mukhang ok naman ang mga empleyadong nakuha ni uncle.

Pumasok kami sa magiging office ko at binigay sa akin ni uncle ang mga resume ng mga applicants na naka-schedule for interview bukas.

"Ibibigay ko na sa iyo 'yan para mapag-aralan mo kung qualified ba sila. May isa lang sana akong irereject diyan kaso naawa naman ako dahil nakikiusap at kailangan niya raw talaga ng trabaho ngayon." sabi ni uncle sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Pero uncle ayokong mag-hire ng hindi qualified sa position sana nireject niyo lang po. Makakahanap pa naman siguro yun ng iba." sabi ko na lang dahil maselan talaga ako sa mga magiging kasama ko sa trabaho.

"Sige kung iyan desisyon mo. Saglit, pakikuha nga dyan yung Angelica Sandejas nasa bandang ilalim ng mga resume na iyan." sabi ni uncle na kinabigla ko pagkarinig sa pangalan. Bigla kong kinuha ang resume na nasa ilalim at tinitigan ang nasa picture.

Si Angel nga...

Sandejas? Bakit may apelyido na siya? Bumalik siya?

"Lucas...akin na iyang resume para maisama doon sa itatapon ni Ms.Cruz."sabi ni uncle sabay kuha sa kamay ko ang resume ni Angelica kaya biglang napunit sa gitna.

"Uncle!!!" nasigawan ko ng di-oras si uncle dahil napunit ang resume ni Angel.

"Ha?Bakit Lucas? Galit ka ba? Akala ko ba ayaw mo mag-hire ng incompetent na tauhan?"sabi ni uncle na takang-taka sa reaksyon ko.

"Titignan ko po sa interview bukas kung ok siya saka baka nga kailangang kailangan niya talaga ng trabaho..."sabi ko na lang at nakita ko si uncle na takang-taka sa akin.

Muli kong binalik ang tingin ko sa resume kaya humanap agad ako ng scotch tape para magdikit ang napunit na papel. Binasa ko ang nakalagay sa resume kaya hindi ko namamalayan ang sobrang ngiti ko sa harap ni uncle. Namalayan ko na lang na lumabas na si uncle sa office ko.

Name: Angelica Sandejas

Age: 20 years old

Address: #01 Heaven St. Skyhigh Manila              

Education Attainment: College Undergraduate

Natatawa talaga ako sa mga nakalagay sa resume ni Angel. Hinanap ko ang contact number at nakita ko naman sa ilalim ng address niya. Agad kong di-nial dahil gustong-gusto ko nang marinig ang boses niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Ring!

"Hello?" sabi ng babae sa kabilang linya.

"Hello...Can I speak with Ms. Angelica Sandejas please? This is from Salvador Empire Builders Corporation."sabi ko sa kausap kong babae. Ibang babae yung nakasagot dahil kilala ko ang  boses ng Angel ko.

"Ay wait lang po..Angge!!! phone para sa iyo!" sigaw ng babae kay Angel na halos makatulig ng tenga ko. Bakit naman Angge ang tawag niya sa Angel ko?

"Hello po? Sino po sila?" sabi ni Angel sa kabilang linya na nagpakislot sa puso ko.

Oh my...sobrang namiss ko ang boses mo Angel! Gusto na kitang makita!

"This is Lucas Salvador of Salvador Empire Builders Corporation. Pwede ka ba for interview today kahit mamyang 4pm tutal 1pm pa lang naman." sabi ko dahil sobrang sabik na sabik na kong makita siya. Gusto ko rin marinig ang reaksyon niya sa pagbanggit ko sa pangalan ko.

"Po? Sige po pupunta po ako ngayon. Salamat po sir."sabi niya na ikinagulat ko.

Hindi niya ba natatandaan ang boses ko? Kahit man lang yung pangalan na sinabi ko wala man lang ba siyang reaksyon? Anong nangyari sa iyo Angel? Bakit parang pakiramdam ko ay hindi mo na ko kilala?

"Hello po sir? May sasabihin pa po ba kayo?" tanong ni Angel sa kabilang linya dahil matagal akong natahimik.

"Wala na. Sige hihintayin kita mamya ng 4pm."sabi ko pero hindi ko maibaba ang phone. Gusto ko pang marinig ang boses niya kahit saglit pero narinig ko na lang na nagpaalam na siya at binaba ang phone.

Sadyang hindi niya lang kaya talaga nakilala ang boses ko? Malalaman ko mamaya pagdating niya...kapag nagkita kami. Hindi ko na mahintay...gusto ko na siyang sunduin sa kanila pero hindi ko alam kung saan itong address niya saka baka magkasalisi lang kami...

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon