CHAPTER 31
***Lucas POV
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil hinayaan ko si Angel na sumama kay Migs! Hindi na ba siya marunong magbasa ng isip?Gusto kong siya mismo ang tumanggi kay Migs pero hindi eh. Pumayag siyang sumama sa pesteng dinner date na iyan! Hindi ko masabi kay Migs na hindi ko pinsan si Angel dahil natatakot ako na masaktan ang kaibigan ko. Ilang buwan na lang ang ilalagi niya sa mundo at napatunayan ko iyon nang sinumpong siya ng sakit ng ulo at sinamahan ko siya sa labas para walang makaalam.
Nasaksihan ko ang paghihirap niya kanina. Nang nakainom na siya ng gamot ay saka lang naging maayos ang lagay niya.
Nasasaktan ako sa isiping magkasama sila ngayon ng Angel ko. Alas nuwebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Angel.
Mababaliw ako sa pag-aalala sa kaniya. Baka kung ano na ginagawa ni Migs sa kaniya...Baka...Holy Sh*! Gusto ko na talagang magmura pero pinipigilan ko lang. Nauubos na ang pisi ko.
Kinuha ko ang alak ko na nasa counter ng kitchen ko. Kailangan ko nang pamparelax. Kanina pa ko nagtitext kay Migs pero hindi siya nagrereply. Ilang beses ko ring tinangkang tawagan siya pero laging 'out of coverage'. Masasapak ko si Migs pagdating nila dito.
Nakakailang shot na ko pero hindi pa rin dumarating sila Angel.Nababaliw na ko sa selos!Saan bang lintek na lugar niya dinala si Angel???
Makalipas ang ilang minuto ay naalimpungatan ako sa biglang pagbukas ng pinto sa kwarto ko. Nakatulog pala ko nang hindi ko namamalayan dahil sa paghihintay kay...
"Angel??? Bakit ngayon ka lang?!"tanong ko nang nakita ko siya pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla at biglang tumakbo palabas. Bakit siya nagkaganoon? Anong nangyari kay Angel?
Bigla akong tumayo na muntik ko ring ikatumba dahil sa nakayakap na mga braso sa dibdib ko.
"Wtf?"Nagulat ako pagtingin ko sa nagmamay-ari ng braso na walang iba kundi si Rachel!
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito??? Sh*t!Mapapatay kita Rachel lumayas ka sa tabi ko!!!"sigaw ko sabay tayo upang puntahan si Angel. Hindi ko na naabutan pa si Angel sa labas ng unit ko kaya nagmamadali akong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Migs.
Ring!
"Hello! Kasama mo ba si Angel? Pakausap sa kaniya Migs!"sabi ko na sobrang kinakabahan. Baka kung ano ang isipin ni Angel sa nakita niya. Badtrip naman kasi! Bakit ba napunta ang malditang Rachel na iyon sa kwarto ko?
"Ayaw ni Angel pare. Umiiyak eh! Ano ba ginawa mo at nagkaganito siya? Paalis na ko nang nakita kong patakbo siyang bumabalik sa akin. Ano bang problema?"tanong ni Migs sa kabilang linya.
"Ibalik mo siya dito Migs. Kailangan naming mag-usap ni Angel...Please!"sabi ko na nakikiusap. Sobrang nadedepress ako sa nangyayari ngayon. Ayokong magalit si Angel sa akin dahil wala naman akong ginawang kasalanan sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang napunta sa kwarto ko si Rachel.
"Ayaw niya raw Lucas...Iyak ng iyak pare! Paano ko ba siya mapapatahan? Sige, kakausapin ko na muna siya. Tawagan na lang kita mamaya. Bye!"sabi pa uli ni Migs sabay baba ng phone.
Sh*t! Anong gagawin ko??? Bakit gumugulo nang ganito ang buhay ko? Simple lang naman ang gusto ko. Magkaroon muli ng sariling pamilya kasama ang pinakamamahal kong si Angel. Bakit biglang nagiging komplikado ang lahat?
Pagbalik ko sa unit ko ay nakita ko si Rachel na nakaupo sa sofa habang nakangiti sa akin. Mukhang plano talaga ni Rachel itong nangyari kanina. Sinamantala niya ang pagkalasing ko. Wala naman siya kanina dito sa unit ko dahil ang alam ko ay nagpunta siya sa bar kasama ang mga kung sino sinong hindi ko kilala.
"Lucas...Sorry!"sabi ni Rachel sa akin pero mukha namang hindi siya sincere sa sinabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin pero nagulat na lang ako sa pagtunog ng cellphone ko kaya agad kong sinagot sa pag-aakalang si Migs ang tumatawag para balitaan ako about kay Angel."Hello..."sagot ko na kinagulat ko dahil ang mommy ko pala ang tumatawag sa akin.
"What??? Ma? I can't marry her!She's not my girlfriend. Si Angel ang girlfriend ko at hindi ako makakapayag sa sinasabi niyo na pakasalan si Rachel....But mom!......Walang nangyari sa amin....Anong picture ba yang sinasabi niyo?.......Hindi totoo iyan mom. Kagagawan lang niya iyan dahil sinamantala niyang lasing ako....No mom! Ayoko!" Hinang-hina akong ini-off ang cellphone.
Hindi ako makakapayag na magpakasal kami ni Rachel dahil wala namang nangyari sa amin! Sh*t naman!!!
Sa makalawa daw ay uuwi dito sa pinas ang parents ko kasama ang daddy ni Rachel para daw maikasal kami?Sh*t! Bakit nagkakaganito ang buhay ko? Hindi ko kayang pakasalan si Rachel dahil si Angel ang mahal ko!
Nareceive daw nila ang mms na pinadala ni Rachel na magkatabi kami sa kama habang parehas nakahubad. Pinadalhan din niya ng mms ang daddy niya at ang matindi ay cellphone ko ang ginamit niya. Sobrang gusto ko siyang murahin mula ulo hanggang paa!
Napatingin muli ako kay Rachel at nakita ko siyang nagpatay-malisya sabay tayo para pumunta sa kwarto na gamit niya. Dapat talaga hindi ko na siya pinatuloy dito sa unit ko. Kung alam ko lang na may gagawing kagagahan itong babaeng ito...
Paano na kami ni Angel? Hindi ko mapapayagan na mawala na naman sa akin ang pinakamamahal kong anghel...
BINABASA MO ANG
My Sweet Naughty Angel
FantasiaAngelica is a wicked and naughty angel that has been cast out from heaven. She always makes her master mad at her. To teach her a lesson, her master sent her down to earth. She was commanded to help Lucas from his misery. Instead of helping him out...