Chapter 21

1.1K 26 2
                                    


 
CHAPTER 21


Kumain lang ako saglit kasabay ni uncle Jo. Nasabi ko lang sa kaniya na pamilyar at parang kilala ko yung Angelica na applicant kaya ngayon ko siya iinterview-hin.

Hindi ako mapakali habang naghihintay ng oras sa pagdating ni Angel sa office ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto ng office ko at pumasok si uncle Jo kasunod si Angel!

Napatayo akong bigla ng makita ko si Angel sa likuran ni uncle Jo. Si uncle naman ay lumabas agad para masimulan ko na ang interview.

Tinitigan ko si Angel mula ulo hanggang paa.

Ganun pa rin siya! Walang nabago kundi ang likod niya dahil wala na siyang pakpak! Simpleng pulang bestida lang ang suot niya pero litaw na litaw ang kagandahan ng Angel ko...

Napansin ko si Angel na inosenteng nakatingin lang din sa akin parang naghihintay ng sasabihin ko. Hindi niya nga talaga ata ako natatandaan...

"Please be seated Ms. Angelica Sandejas..." pagkasabi ko ay agad siyang naupo sa tapat ng table ko. Tinitigan ko siya ng matagal at naging dahilan para mailang siya sa akin.

"Hindi mo na ba ako natatandaan Angel?"hindi ko napigilang tanong sa kaniya. Alam kong siya pa rin ang Angel kong nakilala na galing sa langit dahil dama ko iyon sa kaibuturan ng puso ko.

Sa totoo lang ay kanina pa nagwawala ang puso ko na halos gusto nang lumabas mula sa dibdib ko pagkakita kay Angel.

"Sir? What do you mean po?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo. Napansin ko ang mga labi niya na natural nang mapula at kaya makintab ay may nilagay siyang lip gloss na katulad ng gamit ng dati kong asawa. Natutukso tuloy akong halikan ang mga labi niya.

"Tell me, anong nangyari sa iyo bakit parang wala ka nang natatandaan sa mga pinagsamahan natin? Saka bakit may apelyido ka na?" tanong ko sa kaniya na nagtataka.

"Naguguluhan po ako sa inyo sir...ano pong pinagsamahan natin dati? Ngayon lang naman po tayo nagkita. Saka may apelyido naman po talaga ako siyempre dahil po sa parents ko na sabi ni ate Jacklyn na namatay lang last month." sabi niya sa akin kaya nagtaka ako.

"So hindi mo alam na namatay ang parents mo last month?" tanong ko sa kaniya na naguguluhan.

"Kasi po sabi ni ate ay na-comatose daw ako ng matagal at naging dahilan para mawala yung mga alaala ko..."sabi ni Angel na lalong nagpapasidhi sa akin para alamin lalo ang nangyari sa kaniya.

Maaring siya nga talaga si Angel dahil bukod sa nararamdaman ko yun ay may mga dahilan din na makapagsasabi na siya nga talaga ang guardian angel ko. Kailangan nga lang makahanap ako ng katibayan para maibalik ang alaala niya. Pero sa ngayon ay hindi ko muna guguluhin ang isip niya dahil baka makasama sa kaniya.

"Ok. Sige tanggap ka na. Bukas pwede ka nang magsimula bilang personal secretary ko." sabi ko kay Angel  sabay abot ng kamay para makipag-shakehands.

"Thank you sir." sabi niya na nakangiti pero halatang nagtataka sabay abot ng kamay sa akin para tanggapin ang pakikipagkamay ko.

Muli ko na namang naramdaman ang kuryente sa pagkakadikit ng palad namin. Nakita kong nabigla rin si Angel kaya biglang binawi ang kamay.

Alam kong naramdaman niya rin ang kuryenteng naramdaman ko kanina. Nagpaalam na si Angel pero bago siya makalabas ng office ko ay tinawag ko siya.

"Wait Angel..." sabi ko kaya napalingon siya sa akin na nagtataka.

"Ihahatid na kita sa inyo tutal pauwi na rin ako. Sumaglit lang ako dito para sa interview mo." sabi ko sabay tayo para makalapit kay Angel na nagtataka.

"Pero sir nakakahiya po. H'wag niyo na po akong ihatid. "sabi niya sa akin pero nagpilit pa rin ako.

"I insist. Ihahatid kita. Saka ikaw na personal secretary ko kaya dapat alam ko kung saan ka nakatira. Halika na..." sabi ko sabay hawak sa siko niya para hindi na makatanggi sa akin.

Nakita kami ni uncle paglabas namin ng office ko kaya agad siyang lumapit.

"Uncle siya na ang personal secretary ko. Yung ibang applicant po para sa position na iyon ay paki-inform na lang na may nakuha na po. Aalis na po muna ako para makauwi. Sige uncle maiwan ko na muna kayo."sabi ko sabay alis kasama si Angel.

Naiwan ko si uncle na sobrang takang-taka sa kinikilos ko.

Nasa loob na kami ng sasakyan ko para ihatid si Angel sa bahay nila. Napapansin ko na parang naiilang siya sa akin kaya nginitian ko lang siya.

Ano kaya ang nangyari sa Angel ko at nagka-amnesia siya?

Hindi kaya parusa sa kaniya iyon? Pero ang alam ko ay napatawad na siya sa mga kasalanan niya kaya siya nakabalik na sa langit. Napatawad siya dahil natupad niya ang mission niya para sa akin. Isa na pala yung iligtas ako mula sa binabalak ni Marcus sa akin.

Napatingin ako sa gawi ni Angel at nakita ko siyang nakatingin sa side ng bintana niya. Tinignan ko siya mula sa side mirror at nakita ko na iba't ibang emosyon ang lumalabas sa mukha niya. Mukhang naguguluhan si Angel ko sa mga nangyayari sa kaniya.

Dumaan muna ako sa drive-thru ng isang fastfood bago tuluyang ihatid si Angel. Medyo malayo pala ang lugar na napuntahan niya. Tingin ko mukhang squatter's area ang lugar na ito. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang maliit at lumang bahay.

"Ito na po ang sa amin.Salamat po sa paghatid sir." mahinang sabi ni Angel sa akin sabay bukas ng pinto ng kotse.

Lumabas din ako ng kotse at sinundan siya papasok sa loob ng bahay. Nagulat sa akin si Angel dahil hindi niya inaasahan na susundan ko siya hanggang sa loob ng bahay nila.

"Angge sino yang poging kasama mo??? Akala ko ba mag-aapply ka ng trabaho? Anong trabaho ba iyan? Pokpok? Kaya may kasama ka nang customer dinala mo pa dito sa bahay!" mahabang sabi nung babaeng sumalubong sa amin na nakagusot ang buhok mukhang kagagaling lang sa higaan.

"A-ate Jack si sir Lucas po. Siya yung nag-interview sa akin kanina...yung nakausap mo sa phone."sabi ni Angel na nahihiya sa mga pinagsasabi ng ate niya. Sigurado na akong hindi sila magkapatid dahil malayo masyado ang itsura nila sa isa't isa.

"Ah ganun ba? Pasensya na ser akala ko e wala nang makuhang trabaho itong si Angge kaya nagpokpok na lang. Upo ho muna kayo ser!" sabi nung ate niya na nakangisi kaya bigla akong nainis sa mga sinabi niya.

Hindi ako makakapayag na magbenta ng katawan ang Angel ko! Isipin pa lang na may ibang lalaking hahawak sa kaniya ay gusto ko nang magwala. Mabuti na lang pala at tinanggap ko siya agad sa trabaho dahil baka ganun nga ang mangyari sa kaniya.

Nilagay ko sa center table ang binili kong pagkain kanina sa fastfood. Nakita ko naman si Angel na parang hiyang-hiya sa akin.

"Uy may tsibog! Oh Angge bebe ko nandyan ka na pala sino yang kasama mo???" tanong nung bagong dating na lalaki na sa palagay ko ay kaedaran ko lang. May itsura pero kahawig nung ate nila.

Nainis ako nang biglang tabihan si Angel sa pagkakaupo at akbayan. Gusto kong magmura pero naalala ko ang bilin sa akin ni Angel.

"Si sir Lucas kuya Jay. Siya ang boss ko ngayon sa bago kong work." sabi ni Angel na nakangiti doon sa kuya niya. Gusto ko nang hatakin si Angel sa tabi ko para hindi siya maakbayan nung Jay.

Alam ko namang hindi sila tunay na magkapatid dahil si Angel ay ang guardian angel ko. Kailangang ibalik ko ang alaala niya para makilala niya ko at ganun din ay maalala niya ang mga pinagsamahan namin.

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon