Chapter 2

1.8K 51 6
                                    

CHAPTER 2




Kinaumagahan


Nagising ako dahil parang may kung anong kumikiliti sa ilong ko. Napadilat ako nang di oras at nakita ang balahibo na nasa ilong ko. Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita ko ang napakagandang babae na tulog na tulog. Naalala ko na sya nga pala ang guardian angel ko na si Angelica.

But wait.... Bakit nandito siya sa tabi ko? Ang alam ko sa sofa ko sya pinatulog...


Bumalikwas ako ng bangon at nahulog si Angelica sa sahig.

"Ouch!You hurt me again.Bakit ba???" tanong nito sa akin.

"Ako ang dapat magtanong...Paano kang nakapasok dito sa loob ng kwarto ko? Sa sofa sa sala kita iniwan kagabi di ba? Nakalock ang pinto ko paano kang nakapasok dito sa loob?"

"Hello? Angel ako di ba? Of course may special powers ako.Kaya lang minsan nawawala yung powers ko biglang sumusumpong."


"What? Paano naman ang privacy ko kung lagi kang nasa tabi ko?"

"Isipin mo na lang na wala ako sa paligid. Ganun naman kasi dati...Kahit saan ka magpunta ay nakikita kita. Alam ko lahat ng ginagawa mo.Yun nga lang dati hindi mo ko nakikita hindi gaya ngayon."

"Lahat ng ginagawa ko? As in LAHAT???"

"Oo! Lahat!"

"Pati pagshower ko?"


"Yup! Pati pagjebs, pag-ihi, pagpunta sa kung saan saan..."


"Pati yung ano..."

"Anong yung ano???"


"Yung ano...alam mo na..."

"Ha? Hindi kita maintindihan. Ganyan ba talaga makipag-usap ang mga tao?"


"Mahina lang kasi ang utak mo. Anghel ka pa naman!"

"Hoy! Ingat ka sa pagsasalita mo baka gawin kitang unggoy!"

"Subukan mo lang at siguradong hindi ka na makakabalik pa sa langit."


Biruin mo yun? Lahat daw ng ginagawa ko dati ay alam nya? As in lahat? Shit!

"Ssh! sabi ko sayo na wag magmura di ba?"


"Ha? Alam mo ang nasa isip ko?"

"Of course!"


"Wala pala kong maitatago pa sayo." Bigla akong naghubad ng shirt ko sa harap nya upang makapaligo na. Nakita ko syang namula. Natawa naman ako at nagbablush pala ang anghel.


"Bakit ka ba bigla naghuhubad sa harap ko? Pwede ka naman mag-excuse! Bastos ka talaga!"


"Bakit? Hindi ka pa ba sanay? Di ba sabi mo nakikita mo naman na dati lahat ng ginagawa ko?" Napapangiti ako sa guardian angel ko na ito. Mahiyain din naman pala. Hahaha!


"Hwag kang tumawa at aalisan kita ng ngipin dyan!"


"Pati pagtawa ko sa isip alam mo rin. Wala na talaga akong maililihim pa sa iyo. Sige, dyan ka muna at maliligo lang ako. Aalis tayo pagkaligo ko. Magpalit ka muna ng damit. Isuot mo muna yung tshirt ko at jogging pants na de-tali baka sakali kasya sa iyo."

"Aalis tayo? Saan tayo pupunta? Paano yung pakpak ko?"


"Hindi mo nabasa pala ang nasa utak ko kung saan tayo pupunta...Sablay ka pa rin talaga..."

"Kanina ka pa nang-aasar ha!Wala kasi akong mabasa kasi sa sobrang liit ng utak mo hindi ko na makita!"


"Hoy anghel na maldita! Hindi maliit ang utak ko!Bawiin mo yang sinabi mo!"

"No way! Bleeeh!" Nagbelat pa muna sa akin sabay takbo ng guardian angel kong maldita.

Sobrang pilya pala talaga nito kaya napaparusahan. Ang malas ko naman at siya pa ang naging guardian angel ko!


Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas ako sa sala para hanapin si Angel. Nakita ko sya na nagsasayaw habang nakalagay sa tenga ang headset ko. Music lover pa ata itong anghel ko. Nakakatawa talaga itong babaeng ito. Dahil sa kanya nakalimutan ko saglit ang problema ko.


Ang seksi ni Angel ah. Perfect curves at ang kinis ng balat. Suot niya ang tshirt kong white at black na jogging pants. Humarap sa akin si Angel at natulala ako sa kanya.

Paano naman kasi bakat na bakat ang nipples nya sa suot nyang tshirt. Hindi lang pala pakpak nito ang nakabakat. Agad akong kumuha ng jacket para ipasuot kay Angel. Mahirap na baka pagpyestahan ng mga tao ang guardian angel ko.



My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon