Chapter 35

885 20 4
                                    


CHAPTER 35



***Angelica's POV


Mukhang may something kina Hannah at Migs eh! I can feel it...Alice Dixon lang ang peg! Haaay! Kaya ako nakakagalitan ni master dahil nahahawa na ko sa ugali ng mga tao. Na-addopt ko na rin ang paraan ng pananalita nila.

Kailangan ko nang makaalis dito sa unit ni Migs dahil parating na parents niya bukas. I think kailangan kong lumabas at makakuha ng mga damit sa unit ni Lucas. Puro tshirt ni Migs na isinusuot ko.

Nakakahiya.

Di bale lalabhan ko na lang mga damit na ginamit ko. Marunong naman na kong maglaba dahil halos gawin akong katulong dati ni ate Jack. Natatandaan ko nang minsan nasira ko yung favorite shirt niya halos isumpa na niya ko. Hindi naman kasi ako marunong maglaba noon. Sobrang sama ng loob ko sa kaniya dati pero mabuti na lang kahit paano mabait sa akin si kuya Jay. Feeling ko talaga dati  hindi nila ko kapatid dahil sa treatment nila sa akin. Si kuya Jay naman kasi parang may malisya kung tumingin sa akin kaya natatakot ako.

I-tsek ko nga muna sa kung nasa unit niya si Lucas at malanding Rachel! Kailangang makakuha ng tiyempo...


Lumabas ako ng unit ni Migs at iniwan ko muna siya sa kwarto niya habang natutulog. Sumilip ako sa labas ng pinto para tiyakin kung wala si Lucas sa labas. Ang alam ko kasi nasa office na siya pag ganitong oras.

Dalawang araw na rin akong di nakakapasok sa work...

Narinig kong bumukas ang pinto ng unit ni Lucas kaya dagli akong nagtago sa fire exit na malapit sa unit ni Migs.


Si malanding Rachel pala ang lumabas at may mga kasama? Dalawang may edad na lalake na nasa forties at isang babae na nasa late thirties...Sinu-sino kaya ang mga yun?

 
Bago sila masakay ng elevator ay narinig ko pa ang mga pinag-uusapan nila.



"Daddy, Lucas hates me so much! I know he really doesn't want to marry me.He looked terrible when her girlfriend left him. I know it's really all my fault. There's nothing really going on between us."narinig kong sabi ng malanding Rachel.

"Then what's with the mms you sent?" tanong nung isang may edad na lalake kay Rachel.

Medyo nanginginig na ko sa pakikinig sa kanila...Mukhang nagkamali ako ng inisip kay Lucas...


"I just wanted to get even to her girlfriend. I really hate that bitch that's why I took a picture with Lucas naked. He's not aware of it because I just took advantaged that moment he got drunk. Sorry uncle and aunt..."sabi pa uli ni Rachel habang umiiyak.

Nagalit ako lalo kay Rachel sa narinig ko. Sobrang sama naman niya! Kawawa naman ang Lucas ko...kailangang mag-usap kami...

"How about your wedding? I think we need to inform Lucas about this!" sabi naman nung may edad na babaeng kasama nila na katulad ng mata ni Lucas.

"Should we call off the wedding then?" tanong nung isang may edad na lalake na hawig ni Lucas pero biglang sumagot si Rachel.

"No! I love Lucas so much...Call me crazy but I still want to pursue the wedding. I don't care whatever it takes. I just want Lucas to be mine." sagot ni Rachel kaya lalo nagpanting ang tenga ko sa kaniya.

Parents ni Lucas kaya ang mga iyon? Ibig sabihin kaya sila nandito ay nagpa-plano na silang ipakasal si Lucas sa babaeng malanding sinungaling na Rachel na yan? Hindi ako papayag! Lalo at nalaman kong kagagawan lang nitong Rachel na walanghiya. Hindi niya makukuha si Lucas sa akin over my sexy and beautiful body!


Ting!

Nang makita kong pasara na ang elevator ay sinamantala ko ang pagpunta sa unit ni Lucas. Alam ko naman ang passcode kaya madali akong nakapasok sa loob.


Tumuloy ako sa kwarto ni Lucas at naligo para makapaglit na rin ng damit. I smell the scent of Lucas.

Sobrang namimiss ko na siya... Makalipas ang kinse minutos ay naisipan ko nang lumabas ng banyo. Kailangang magmadali ako. Kailangang magkita kami ni Lucas para makapag-usap. Hindi ako papayag na makasal siya sa malanding Rachel na iyon!



"Hey!" nagulat ako nang biglang may yamakap sa akin paglabas ko ng banyo. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.



"Sino ka? Pakiusap exclusive po ako para kay Lucas lang...whoever you are, hwag mo nang ituloy ang binabalak mo!" natatakot kong sabi dun sa nakayakap sa akin. Sobrang kinikilabutan ako sa pagdampi ng labi niya sa batok ko.



"Sobrang namiss kita my Angel! Akala ko hindi ka na babalik sa akin...Mabuti pala at umuwi muna ako dito.." sabi ni Lucas sabay halik sa akin nang iharap niya ako. Kaya pala sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil siya pala ang nakayakap sa akin mula sa likod ko.



Naramdaman ko na lang nang dalhin ako ni Lucas sa kama. Hindi niya pa rin binibitiwan ang labi ko. Para kaming mga nanggaling sa malayong lugar na sobrang uhaw na uhaw sa isa't isa.





My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon