Prologue

4.6K 71 13
                                    

MY SWEET NAUGHTY ANGEL

by:songmengrui

ALL RIGHTS RESERVED

******All the characters of this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly  inspired by any individual known or unknown by the author, and all the incidents are merely invention.******

PROLOGUE


"You are so naughty Angelica! Magagalit na naman sa iyo si master." sabi ni Hannah ang kasama kong anghel dito sa langit. Lima kaming naka-assign dito sa part ng heaven kung saan binabantayan namin ang mga taong nalulungkot. Ako si Angelica ang pinakamakulit at sweet na anghel dito sa langit.Kami ang mga anghel na naaatasan upang aliwin ang mga taga-lupa na nalulungkot at nabibigo sa buhay.

"Sshh! Ang ingay mo... kaasar kasi yung guy na nagpa-iyak doon sa girl. Kawawa naman masyado. Tinuruan ko lang naman ng leksyon yung guy eh!" sagot ko.

"Kahit na Angel, hindi mo pa rin dapat ginawa yun. Paano kung namatay yung lalaki dun sa ginawa mo? Lagot ka kay master nyan!" sabi pa uli ni Hannah. Si Hannah kasi ang bestfriend ko dito sa  langit. Kami ang laging magkasama. Lahat ng mga ginagawa kong kalokohan ay hindi naman nalilingid kay master. Agad din nyang nalalaman. Pero siguro dahil makulit talaga ako kaya paulit-ulit akong nakakagawa ng kalokohan.

Tinuruan ko kasi ng leksyon ang lalaking nanloko doon sa babae na binabantayan ko. Muntik ko lang naman syang ipasagasa sa truck na dumaan. Pero hindi naman sya namatay. Nagkaroon lang siguro ng konting sugat.

"Angelica pinapatawag ka ni master. Mukhang galit na galit sya. May ginawa ka na naman sigurong kalokohan." tawag sa akin ng isa sa mga anghel na malapit sa kanang kamay ni master.

Nakadama ako ng sobrang takot ng oras na ito. Mukhang hindi na mapapalampas ni master ang ginawa ko. Lagot na ko! Baka maparusahan ako...

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon