ZOMBIE 2

12 0 0
                                    


"Ano kaya ang ginawa niya?"


"Kawawa naman, kabago-bago dito sa University."


"Nayabangan siguro si Rette ka kanya, tingnan mo naman kasi ang kilos."


"Ganyan talaga ang mga tiga-Maynila, akala mo kung sino!"


"Tama ka dyan!"


Dinig kong usapan nung chismoso't chismosa! Anak ng! Ano bang ginagawa ko sa mga gxgong to? At grabe ha? Isang babae tapos ganyan sila kadami kung sumugod? Mga bading ba mga to? Tsk!


Napangiwi ako nung pitpitin na parang slime ball nung lalakeng nakaabay sakin ang laman ng balikat ko. Masakit yan ha! Fxta ka! Pxkyu!


"Bakit mo tinulungan si Warren? Kaibigan ka ba niya? Kamag-anak? Kaya ka ba nandito ha?" Galit na tanong niya.


"Ano bang sinasabi mo? Wala akong kilalang Warren dahil wala akong kakilala dito." Sagot ko sabay tabig ng kamay niya. Hays! Nalukot pa yung damit ko sa lintek na to!


"Dalhin yan."


Pagkabigkas na pagkabigkas ng salitang yon nung lalakeng nasa likod ko ay may humila sa damit ko mula sa likod. Napatayo ako sa kinauupuan ko saka ako hinawakan ng dalawang lalake sa magkabilang braso.


Sinimulan nila akong kaladkarin palabas ng cafeteria. Ano? Wala man lang bang tutulong sakin? Nganga na lang? Bwisit! Kung nasa FA lang tayo baka baligtad tayo ng posisyon, mga hangal!


Hindi ko alam kung saan na kami nakarating pero alam kong nasa University pa rin kami dahil wala pa naman kaming bakod na nilalagpasan.


Nung makapasok na kami sa gubat ay patulak nila akong binitawan. Walangya!


"Siya yung tumulong kay Warren, boss." Sabi nung lalakeng umakbay sakin sa cafeteria kanina.


Nilingon ko ang kung sinong kausap nung lalakeng mukhang tuko.


Isang lalakeng naka-unipormeng istudyante, may hawak na baseball bat na nakapatong sa balikat niya ang nakatayo sa harap namin. Nakayuko siya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya.


Tumayo ako mula sa pagkaka-dive ko sa lupa nung itulak ako. "Kakalipat ko lang dito kaya hindi ko kilala yang Warren na tinutukoy niyo." Sabi ko. Sino ba kasi yung lintek na Warren na yan?


May biglang sumulpot sa kanan nung lalake sa harap na isa pang lalake habang hawak sa damit yung lalakeng lampa.


"Yan ba yung Warren? Wow ha? Tinulungan ko lang yan tumayo kasi nadapa no! Big deal ba? May patakaran ba dito sa school niyo na bawal tulungan yung mga nadadapa?" Anak naman talaga ng putek oh! Ang laki ng problema nila sa utak!


Otor: Gxga! Hindi naman kasi siya nadapa, girl! Binubugbog siya kanina kaya siya humandusay sa harap mo!


Mas gxga ka! Bakit hindi mo agad sinabi!


"Alamin niyo kung nagsasabi siya ng totoo." Maotoridad na utos nung lalake na nasa harap.


"Aray! Potek!" Daing ko nung hilain nila yung backpack ko.


Binuksan nila lahat ng zipper saka pinataob at pinagpag na parang bagong labang damit kaya nagkalat ang mga laman non. Abat talagang ginagalit ako ng mga to ah!


Dinampot nung isa yung papel na galing Registrar at tiningnan. "Kaka-enroll lang niya, boss." Sabi niya sabay pakita nung papel dun sa lalake.


Tiningnan ko yung lalake sa harap. Hindi ba siya nangangalay sa itsura niya o talagang ganyan na talaga siya?


"Kung ganon." Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya. "Bibigyan kita ng tsansang makalabas ng gubat na to ng buhay." Naglakad siya palapit sa harap ko. "Sa isang kondisyon." Sabi niya nang nakatingin ng deretso sakin.


Kumunot ang noo ko. "Bakit may kondisyon pa eh bago nga lang ako dito?" Gxgo rin to eh!


Inihagis niya ang bat sa harap ko. Lintek naman oh! Natamaan lang paa dun, ipapalunok ko sayo yang bat na yan! "Talunin mo sila."


"Pfftt. Sigurado ka ba dyan, bossing?"


"Oo nga, boss. Bakit hindi na lang sa kama? Eh isang hampas lang dito, tapos na ang laban."


"Kung sa kama yan, siguradong tayong lahat ang makikinabang dyan, boss."


"Uumpisahan ni boss."


Ang kakapal ng mga pagmumukha ng mga shokoy na to! Mas gugustohin ko pang mamatay sa bubog kaysa ma-gang rape no! Mga shokoy na manyak! Akala mo naman ang lalaki ng mga katawan ng mga to! Puro mga malnourished na shokoy naman!


Pinulot ko ang bat sa harap ko. "Laban na lang, mga shokoy!" Nakangising sabi ko. Hindi niyo pa kilala ang binabangga niyo, mga ulxl! Hindi ako itatapon ng mga magulang ko dito nang walang dahilan.😈


Sumeryoso ang mga shokoy ang pinalibutan ako. Tantsa ko nasa siyam o sampu sila.


Inihilig ko ang ulo ko from left to right. Hinigpitan ko ang hawak ko sa bat at humanda sa pagtira.


*Evil smirk*


Sabay na sumugod yung nasa magkabilang side ko.


Humakbang ako pakaliwa saka malakas na pinalo yung isa sabay ilag sa suntok nung isa na sumugod mula sa likod ko. Sinipa ko siya at hinampas ng bat sa ulo. Sapul!


Sunud sunod na silang sumugod papunta sakin.


*Ilag*


*Sipa*


*Palo ng bat*


*Sipa*


Limang minuto lang ang itinagal ay nakahandusay na silang lahat sa lupa.


Binitawan ko ang bat na puno ng dugo. Yan ang napapala ng mga manyak na shokoy!


~~


"Sigurado ka bang dito ka nakatira, ineng?" Takang tanong ng tricycle driver.


Bumaba ako ng tricycle saka inabot ang bayad. "Oo."


Tumalikod ako nung makaalis na yung tricycle. Ngayon ko lang napagmasdan ang labas ng village. Walang tao sa guard house at halatang matagal na itong nilisan. Sira sira rin ang pinto nito gaya ng mga pinto sa bahay at iba pang mga bahay dito.


Alas tres palang ng hapon kaya mataas pa ang araw.


Nagsimula akong maglakad papasok ng village. Medyo may kalayuan yung bahay na tinutuluyan ko sa gate, ayaw naman akong ihatid nung tricycle sa loob. Ewan ko ba kung anu anong dahilan nung mamang driver na yon! Kesyo natatakot daw siya. Ano namang nakakatakot dito? Ang tahimik nga kasi wala ni isang tao maliban sakin.


Nice view! Very clean roads! Fresh air! Nice houses! Fancy cars!


A/N: Kabaligtaran po ng mga sinasabi ni AC yung totoong view. Comedy po kasi hahahaha.😂


May nadaanan akong playground kaya lumapit ako at umupo sa kinakalawang na swing. "Ano ba yan! Nakalimutan ko pang dumaan sa grocery store!" Napapadyak pa ako sa sobrang inis! Kainis tong otor na to! Ano? Itutulog ko na naman yung gutom ko?


"Rrraaaaaaahhhh! Rrraaaahhhhhh!"

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon