ZOMBIE 39

8 0 0
                                    


AC's


Nandito kaming apat nila Iris, Cassius at bulol sa pamilihan para kumuha ng mga makakain.


"AC, doon tayo sa loob ng mall para kumuha ng mga damit."


"Bakit hindi ka pumunta mag-isa? Wala akong gana mag-shopping ngayon, Iris!" Iritang sagot ko. Wala na nga kaming makain, pagsha-shopping pa inuuna!


"Dadaan na lang tayo mamaya." Dinig kong sabi ni Cassius kay Iris pero hindi ko na pinansin. Pagkatapos ni Braxton, si Cassius naman? Malandi din!


Palakad lakad kami nung may makita akong shop ng mga baril. Ayos! Mabilis akong lumapit doon at pumasok. May mga baril na naka-display sa loob. Lumapit ako sa mga cabinet at binuksan. "Nice!" Dinampot SIG SG550-1 Sniper. Grabe! Pangarap ko talagang makahawak ng ganito!


"Ibaba mo nga yan!"


Nilingon ko ang pumasok na si bulol. "Ano bang pakialam mo?" Bugnot na tanong ko.


Lumapit siya sakin at mabilis na inagaw yung baril sakin. "Ano bang ginagawa mo?" Galit niyang tanong.


"Ano ba sa tingin mo? Eh di kumukuha ng armas!" Inis na sagot ko. "Amin na nga yan!" Aagawin ko na sana sa kanya yung baril pero itinaas niya ito. "Ano bang problema mo, bulol? Akin na sabi yan!" Nakakainis naman tong shokoy na to eh!


"Ano bang gagawin mo dito ha?"


"Anong anong gagawin? Sira ka ba? Nasa gyera tayo, alangan na sandok o sabong bareta ang hawak natin!" Nakahithit na naman yata ng katol tong shokoy na to! Konti na lang masisipa ko na to sa fallopian tube eh!


"Rraahhhhhh!"


Sabay kaming lumingon ni bulol dun sa zombie na sumulpot mula sa pinto na nandito sa loob. "Yan na nga ang sinasabi ko eh!" Mabilis kong sinipa yung kahon na salamin at kinuha ang naka-display na 9mm Browning Hi-Power na handgun. Binaril ko ng dalawang beses yung ulo nung zombie.


"AAAHHHH!!!"


Packing tape! Mabilis akong lumabas para puntahan yung pinanggagalingan ng sigaw na yon.


Napahinto ako nung makita kong nakikipagbuno si Cassius sa isang higanteng zombie. Nakasungalngal yung batt na hawak ni Cassius sa bunganga nung zombie para pigilan sa paglapit yung zombie. Nasa likod naman ni Cassius si Iris na nakatakip ang dalawang palad sa magkabilang tenga. Di ba dapat sa mata? Tanga rin nitong Iris na to eh!


Tumalikod ako pa--


"Oh."


"Nice!" Mabilis kong kinuha yung inabot ni bulol na dalawang shotgun, yung shotgun na para ginamit ni Mila sa Resident Evil.

"Nice!" Mabilis kong kinuha yung inabot ni bulol na dalawang shotgun, yung shotgun na para ginamit ni Mila sa Resident Evil

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon