ZOMBIE 35

7 0 0
                                    


Kanino ko kaya sasabihin tong mga nalaman ko? Parang ang hirap kasi kung mag-isa lang ako. Advise naman dyan, otor! Sinong pwede kong pagkatiwalaan?


Otor: Sino ba? Tawagin mo na lang kaya ang Sailor Moon o kaya ang Power Rangers o Power Puff Girls, si Doremon, Detective Connan, ang mga Sangre, si Cardo Dalisay, si Darna o kaya si Sir Tulfo!


Walangya!!!


=Kinabukasan=


"Rette, pwede ba kitang makausap?"


"Ngayon na ba? May klase pa kasi kami."


"Nag-aaral ka na talaga?" Natatawang tanong ko.


"Oo naman. Nakakahiya naman kasi dun sa matalinong babae na nililigawan ko."


Otor: Sus! Kinilig na naman ang bruha!


"Pfft! Sige. Mamayang gabi pa naman, magkita na lang tayo dito."


Otor: Hoy! Anong gagawin niyo ha?


Wag ka ngang green-minded!


"Sige."


Pagpasok ko ng room ay nakita ko si Iris kaya lumapit ako at tumabi sa kanya. "Iris, kailangan ko ng tulong mo."


=8pm=


"Anong gusto mong pag-usapan?" Salubong ni Rette nung makita ko siya sa labas ng gate.


"May ipapakita ako."


Pumasok kaming dalawa ni Rette sa Lagres building, doon sa silid kung saan ako na-lock.


"Anong gagawin natin dito?" Dinig kong tanong niya pero hindi ko muna sinagot.


Binuksan ko yung padlock gamit yung pin na dala ko. Medyo mahirap pala to, akala ko naman madali lang.


Otor: Kanino ka ba nagpaturo?


Napanood ko la--ayun! Pumasok kami agad ni Rette sa loob nung mabuksan ko yung lock.


"Ano bang gagawin natin dito, AC?"


Hinarap ko si Rette. "Alam kong may alam ka, Rette. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari noong nakaraang eleksyon. Gusto kong malaman ang totoo." Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin kung bakit ko to ginagawa. Kung tutuosin, wala akong pakialam kung anong nangyari noon o kung ano na naman ang mangyayari pero yung katawan ko, yung utak ko ang nagkukusang gawin ko to pero bakit? Para saan? Hindi ko alam. Si otor kasi ang may kasalanan eh!


Ilang segundo bago nagsalita si Rette. "Bakit mo to ginagawa?"


Kakatanong ko lang niyan sa utak ko di ba? "Hindi ko alam." Wala sa sariling sagot ko.


"Wag ka nang makialam dito, AC."


Ako lang ba o talagang iba ang Rette na kaharap ko ngayon? Hindi ganun kaliwanag dito sa silid na to pero kita ko ang blangkong mukha ni Rette lalung lalo na yung madilim niyang mga mata. Anong nangyayari?


Maya maya pa ay isa isang nagsulputan sila Braxton, Gust at Raim.


"I thought you're smart enough to figure it out all by yourself, AC. But I guess not." Dahan dahang lumapit sakin si Rette kaya napaatras ako. "Gusto mong malaman ang totoo? Eto ang totoo, ang papa ko ang dahilan kung bakit nagkaroon ng zombie dito sa Mandas. Hindi naman talaga iyon ang plano ng papa ko. Nakipagtulungan si papa kay Dimitris na gumawa ng gamot para ma-control ang utak ng mga taga Mandas para iboto si papa sa eleksyon. Pero hindi inaasahan na iba ang naging epekto ng gamot--"


"Sinadya iyon ni Dimitris, Rette. Nakikipagtulungan na siya sa magiging kalaban ng papa mo sa darating na eleksyon, tinraydor kayo ni Di--"


"Wala kaming pakialam. Kung ano man ang plano niya, nakahanda kami."


"Yung tungkol sa mama mo, ginawa siyang halimaw ni Dimitris. Yung mama mo ang nasa loob ng kulungan doon." Tumalikod ako para ituro yung pasilyo kung saan nakakulong yung mama ni Rette nung may bigla akong naramdamang bagay na tumusok sa leeg ko. Shxt! Bago ako mawalan ng malay ay nilingon ko yung taong gumawa non sakin. "R-Rette."


"Ayokong gawin sayo to pero alam kong si Alis ang papanigan mo. Wag kang mag-alala, makakasama mo siya mamaya dahil dadalhin siya dito ng inaakala mong kaibigan."


Txngna!


Iris's


=Flashback=


"Iris, kailangan ko ng tulong mo."


Nilingon ko si AC na kakaupo lang sa tabi ko. "Ano yon?"


"Pwede mo bang kunin yung alaga ko mamayang gabi sa bahay? Itago mo muna siya sa bahay niyo."


"Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko.


"Makikipagkita ako kay Rette mamayang gabi. Alam kong may alam siya sa mga nangyari noon at gusto kong malaman kung ano yon." Lumingon si AC sa paligid bago nagpatuloy. "Plano nilang kunin yung alaga ko para patayin. Niloloko lang nila tayo, Iris. Niloloko tayo ni Rette at ng mga kaibigan niya, may alam silang apat dito at plano nilang pagtakpan kung ano man yung tinatago nila."


"Sigurado ka ba dyan sa mga sinasabi mo, AC?" Gulat na tanong ko.


"Mukha bang hindi? Gusto mong makurot ng nail cutter ha?"


*Pout* "Ano bang plano mo?"


"Kakasabi lang na kunin mo si bulol mamayang gabi di ba?"😡


"Yun lang? Anong oras?"


"Alas otso y medya, alam kong babantayan nila ang bahay hanggang makaalis ako ng alas otso."


"Paano mo nalaman?"


"Wag ka ngang matanong pa! Sumunod ka na lang!"


"Okay."


=5pm=


"H-hello, R-Rette?"


"Anong balita? Anong sabi ni AC?"


"A-alam niya a-ang tungkol sa p-plano niyo. G-gusto niyang kunin ko s-si A-Alis sa bahay niya m-mamayang gabi."


"Sige. Sa lab mo siya dalhin."


"S-sige."


=End of flashback=


Ang totoo niyan, kaibigan talaga ang turing ko kay AC. Sinimulan akong bantaan nila Rette nung malaman nilang nadiskubre ni AC ang tungkol sa mga zombie na nakakulong sa Lagres building. Wala naman akong magawa dahil natatakot akong saktan nila kami ng pamilya ko. Kayang kaya nila iyon gawin simula nung makaupo ang papa niya bilang governor.


"Ihinto mo dyan sa tapat ng bahay, manong." Turo ko sa bahay nila AC sa driver namin.


Bumaba kami ni manong para pumasok sa loob. Nauna ako kay manong sa pagpasok.


Dumeretso ako sa kusina kung saan tinatali ni AC si Alis pero hindi ko siya nakita. "Mano--" Nasaan na yon? "Manong? Nasaan ka?" Tawag ko nung hindi ko siya makita na sumunod sakin. Hawak ko ang isang flashlight sa kanang kamay ko. Naglakad ako papunta sa sala. "Manong!" Tawag ko ulit.


"Dito yata nagpunta yung hinahanap mo."


Mabilis akong napalingon sa likod ko nung may magsalita. Nanlaki ang mga mata ko nung makilala ko kung sino siya. Yung bestfriend ni Alis.


Bago pa man ako makatakbo palabas ng bahay ay may panyo nang nakatakip sa bibig ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo at sobrang pagkaantok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon