ZOMBIE 25

9 0 0
                                    


"Wala ka man lang bang balak linisin tong bahay mo, AC?"


Nilingon ko kasi Iris na nagtanong. "Bat di ka mag-volunteer tutal ikaw naman itong naka-isip? Hindi ko yan tatanggihan!"


"Waaahhh!!"


Sabay kaming lumingon ni Iris sa sumigaw na si Raim. Ginagawa nilang bata si bulol. Ilalapit ni Raim ang daliri niya sa bibig ni bulol tapos kapag nganganga si bulol para kagatin siya ay mabilis niya itong inilalayo sabay tili na parang babae. Si Braxton at Gust naman ay tatawa sa itsura ni Raim na takot na takot. Psh! Mga baliw!


"Anong balak mo kay Hans?" Question and answer portion na naman ako sa Iris na to!


"Balak kong ipakasal sayo! Bagay naman kayo eh!"


Napanguso lang si Iris at hindi nagsalita. Ibinalik na lang niya ang tingin dun sa sira sirang magazine na hawak niya.


"Tigilan niyo na nga yan!" Saway ko dun sa tatlo. Nilalayo kasi nila kay shokoy yung mansanas na kinakain nito tuwing aabutin niya tapos ililipat sa likod, sa kaliwa tapos sa kanan. Ito namang bulol! Napaka-uto-uto!


"Hindi mo man lang ba kami pakakainin, AC?" Naglalakad palapit samin si Raim saka umupo sa katapat kong sofa.


"Ano naman ang ipapakain ko sa inyo? Mukha bang may kuryente dito para may stock ako?"


"Kumain na lang tayo sa labas."


"Kasama yung zombie?" Tanong ni Raim kay Braxton.


"Pwede rin." -Gust.


=Restaurant=


"Ang gwapo nung nakaputi dun sa table na yun oh!"


"Kyaa! Para siyang kpop idol!"


"Parang oppa!"


"Siya na yata ang pinakagwapong nakita ko sa buong Mandas!"


Mga inggitera't chismosa! Hindi man lang ba sila aware na dinig na dinig ang pinag-uusapan nila?


"Tingin niyo ba girlfriend niya yung katabi niya?"


"Hindi naman sana!"


"Mukha namang hindi. Tingnan niyo? Mukhang magkakaibigan lang sila."


"Oo nga no?"


Binitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor saka ko hinarap si bulol at hinalikan sa pisngi.


Otor: Chansing ka na masyado, AC ha!


"Eeelllllll!!!"😲 Ngiwi na nakalabas ang dila ni Raim. "Mangilabot ka naman, AC!" Bulong niya.


"OMG! Hinalikan niya! Girlfriend nga niya yon!"


"Nakaka-inggit naman!"


"Sayang!"


Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na nag-abalang magsalita.


"Oh, Rette, Niki!"


Napa-angat ako ng tingin kung saan nakatingin si Braxton. Nagtama ang mga mata namin ni Rette, blangko ang expression ng mukha niya bago mabilis na nilipat ang tingin kay Braxton. Arouch!


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon