ZOMBIE 28

7 0 0
                                    


=2 weeks past=


Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nung magpunta ako sa bahay nila bulol. Preliminary exams na next week kaya kailangan ko munang mag-focus sa pag-aaral.


Otor: Kina-career mo na talaga maging good student ah? Pinaglalaban mo, te?


Pinaglalaban ko yung karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea!


Otor: Ay go! Suffort kita dyan! Ifaglavan ang karafatan ng Filifinas! No hmff?


Ate Glow, ikaw ba yan?


"AC! Hindi ka na naman ba sasabay sa cafeteria?" Tanong ni Iris na kasabay kong naglalakad palabas ng building.


"Hindi na, kailangan kong mag-review." Casual na sagot ko. Isa na din kasi sa iniiwasan ko si Rette. Sa loob ng dalawang linggo ay palagi silang nakikisabay samin ni Iris kumain.


"Hoy, AC!! Tigilan mo na ang panlalandi sa boyfriend ko!"


Yan! Yan ang dahilan kung bakit ko iniiwasan si Rette. Mali kasi na inamin kong hindi ko boyfriend si bulol eh! Nakipaghiwalay kasi si Rette kay Niki dahil itutuloy daw ni Rette ang panliligaw sakin. Isa pa kasi yung tatlong palaka eh! Hinanap pala nila yung lalakeng nakasama ko nung gabi ng debut ni Niki at walang iba kung hindi si Warren Goodwin! Fxtang xnang lalakeng yon! Walang utang na loob! Inutusan pala ni Niki!


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin si Niki at mga kasama niya.


Pagdating ko ng library ay kumuha agad ako ng mga libro na babasahin. Pagkadukot ko ng huling libro na gagamitin ko ay babalik na sana ako sa table ko, laking gulat ko nung makita ko si Rette. "Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ko.


"Hindi ka kakain?"


"KAKAIN. Kaya nga ako nandito sa library kasi KAKAIN ako. Ito?" Turo ko sa mga librong hawak ko. "Ito ang KAKAININ ko. Gugupit-gupitin ko, ilalagay sa bowl at lalagyan ng gatas. Gusto mo?"😊


"Tss!"😒


"Hmp!"😠 Sumunod ako sa kanya nung mauna siyang maglakad papunta sa table. "Alam kong hindi ka pumunta dito para mag-aral dahil hindi ka naman nag-aaral. So, ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko nung makaupo ako sa tapat niya.


"Bakit mo ba ko iniiwasan?"


"Hindi kita iniiwasan, nandito ako para mag-aral dahil start na ng exams next week. Gusto kong pumasa dahil iyon naman talaga ang plano ko para maka-alis sa lugar na to."


"Aalis ka?" Gulat na tanong niya.


"Oo. Hindi naman ako taga dito eh. Pinatapon lang ako dito para magtino." Binuklat ko ang isang libro at sinimulang basahin.


Napahinto ako nung hindi ko marinig na sumagot si Rette. Nag-angat ako ng tingin. Seryoso lang siyang nakatingin sakin.


"Bakit?" Tanong ko. Hindi kasi siya nagsasalita.


Napabuntong-hininga siya. "Bakit mo kailangang umalis?"


Napatitig rin ako sa kanya ng ilang segundo habang inaalala ang dahilan kung bakit ako nandito.


=Flashback=


"Wala ka nang ginawang matino! Hindi ka ba talaga magtatanda ha, AC? Kababae mong tao nakikipagbasag-ulo ka!"


Nakaupo ako sa sofa, nakasandal ang likod sa sandalan at may hawak na ice pouch na nakadikit sa ilalim ng mata habang nakikinig sa sermon.


"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao! Hindi ako marunong mandisiplina ng anak!"


Blah! Blah! Blah! Puro na lang image! Pxtang xnang image yan!


"Pupunta ka sa probinsya ng mama mo, doon ka na mag-aaral ng college! Gawin mo na kung anong gusto mong gawin doon! Bahala ka sa buhay mo!"


=End of flashback=


Napayuko ako nung maramdaman kong babagsak na ang mga luha ko.


Kita ko kung paano mabasa yung libro na nasa mesa dahil sa mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa mata ko. "Gusto ko nang umuwi." *Sob*


Third person


Tahimik lang si Rette na pinapanood si AC na humihikbi. Nasa isip niya na mas makakatulong iyon para gumaan ang pakiramdam niya.


Ilang minuto ang lumipas ay huminto si AC sa pag-iyak. Pinunasan niya ang luha pati sipon niya na tumulo dahil sa pag-iyak. "Iwan mo na ko dito. Hindi ka naman mag-aaral di ba?" Tanong niya.


"Sasamahan kita."


"Bahala ka." Walang ganang sagot ni AC saka nagpatuloy sa pagbabasa.


Tahimik lang si AC na nagbabasa at nagsusulat habang si Rette ay pinapanood lang siya.


"Gusto mo bang umuwi sa Maynila sa weekend bago mag-start ang exam?"


Tumingil si AC sa pagsusulat pero agad naman itong nagpatuloy. "Kahit gusto ko, maling ideya yun. Gusto kong umuwi don nang may hawak na magandang grado." Ani AC habang nagsusulat. "Hindi ka man lang ba mag-aaral?" Tanong ni AC habang naglilipat ng pahina ng libro.


Hindi nakasagot si Rette dahil wala talaga siyang interes mag-aral. Mayaman kasi eh.


Huminto si AC sa paglipat pahina ng libro at sinarado iyon. "Ano? Wala talagang balak? Anong mangyayari sa buhay mo? Aasa ka na lang sa pera ng pamilya niyo pagka-graduate mo? Aasa sa ipapamana sayo?"


"Kapag nag-aral ba ako, sasagutin mo na ko?"


"Hindi." Mabilis na sagot ni AC.


"Tsk!"


"Pero mas malaki ang chance na sagutin kita kapag nag-aral ka kaysa ganyan ka."


"Okay." Tumayo si Rette at kumuha ng mga libro para mag-aral.


AC's


Pag-uwi ko ng bahay ay nagulat ako nung pagpasok ko ay may naririnig akong naghihilik.


Mabilis kong hinanap kung saan nanggagaling yung naghihilik na yon. "Fxta!!" Nagulat ako nung makita ko si bulol sa kusina. Kalat kalat yung mga buto ng mansanas sa sahig, may hawak pang isang mansanas na may kagat si bulol na kanang kamay niya at nakatungo habang himbing na himbing na natutulog. Tulo-laway pa ang shokoy! Ngayon ko lang siya nakitang matulog ah?


Umakyat na muna ako sa kwarto para magbihis.


Pagbaba ko ay pumunta ako sa kusina para magluto. Tulog pa rin yung shokoy kaya hinayaan ko na lang.


~~


"Gusto mo?" Alok ko ng kinakain kong fried chicken kay shokoy.


Tinitigan lang niya iyon at hindi sumagot.


"Aaahhhh." Inilapit ko kay buyoy yung hita ng manok na hawak ko.


Dahan dahan niyang binuka yung bibig niya.


Nung sakto na ang buka ng bibig niya para magkasya yung hita ng manok ay sinungalngal ko na sa bunganga niya. "Ang bagal!" Binitawan ko yung hita ng manok kaya naiwan iyon sa bunganga niya.


Otor: Ang harsh talaga kay veve zombie AKA Hans! Gusto mo bang hanggang chapter 28 na lang ang buhay mo ha?


Di gawin mo!

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon