ZOMBIE 18

9 0 0
                                    


Sinubo ko ang lollipop na binili ko saka nag-umpisang magluto ng tanghalian kahit ala una y medya na.


"Asdfghjklqwertyuiop."


Nilingon ko si bulol na enjoy na enjoy sa pagkain nung hilaw na karne.


Iris's


"Tattoo ito ng isang fraternity group at isang tao lang ang nagta-tattoo nun sa buong Mandas." Sabi ng isang creepy na lalake. Sabi nila wag daw i-judge yung mga taong ma-tattoo pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot sa taong kausap namin. 95% yata ng balat niya ay may tattoo, malaking mama, madaming piercing sa iba't ibang parte ng katawan lalo na sa mukha. Ang pinakanakaka-agaw ng pansin ay yung hikaw niya sa tenga, pwede ko nang ipasok yung daliri ko sa laki nung butas. Paano kaya nila ginawa yun? "May problema ka ba itsura ko, Miss?"


Sobra akong nagulat nung lingunin ako nung mama.


"Wag mo siyang pansinin. Saan namin makikita yung taong yon?" Singit ni Braxton. "Wag kang matakot." Nakangiting bulong niya sakin. Tumango na lang ako at nagtago sa likod niya.


May inabot siyang papel. "Delikado ang lugar na yan dahil dyan ang kuta ng grupong yon. Sigurado ba kayong kaya niyong pumunta don?"


"Tsk! Kahit ilang grupo pa yan!" Confident na sagot ni Raim. Kapag you-know-what takot na takot pero sa fraternity group hindi eh. Pero sa totoo lang, wala naman talaga silang kinakatakutang grupo dahil grupo nila ang pinakamalakas na fraternity group sa buong Mandas. Madaming grupo ang takot sa kanila pero meron din namang hindi.


"Ihahatid ka na lang muna namin, delikado kung sasama ka pa doon." Sabi ni Braxton sakin. Palabas na kami ng lugar na iyon.


"Pero--"


"Kaya na namin to. Baka mapahamak ka pa kapag sumama ka." Pigil niya sa sasabihin ko.


Wala na akong nagawa kaya tumango na lang ako.


Third person


Si Braxton ay ang Co-founder ng Black Fraternity Group. Si Gust at Raim ang sumunod sa kanya. Sila Rette, Braxton, Gust at Raim ang tumatayong leader ng grupo nila. Ang Black Fraternity Group ang pinakasikat na fraternity group sa buong probinsya ng Mandas. Sa apat palang na leader na pinakamayayaman sa buong Mandas, isa na iyon sa asset ng grupo nila.


Si Zeus Everette Beauregard ay anak ng gobernador ng Mandas at presidente ng Mandas University. Si Braxton Pavlos Moreau ay anak ng bise-gobernador ng Mandas. Si Augustus Ferrell ay anak ng businessman. Si Ephraim Simmons ay anak ng hasyendero. Kung inaakala niyo na mas mayaman si Raim? Hindi, kasi magkasosyo ang tatay ni Rette at tatay ni Raim.


Hindi lang dahil sa yaman nila kaya sila kinakatakutan dahil magaling sila sa lahat ng klase ng laban at magaling humawak ng iba't ibang klase ng armas.


Pagdating nung tatlo sa lugar na tinuro nung tattoo artist ay sinalubong na agad sila ng nasa kinse katao. Isang abandunadong building iyon na may limang palapag, puno ng mga vandal ang dingding ng building at may mga sira na.


"Mukhang may naliligaw dito ah?" Nakangising sabi ng lalakeng puno ng tattoo ang katawan at may kagat kagat pang mahabang toothpick. Isa siya mga leader ng grupo nila.


"May itatanong lang kami sa tattoo artist na nagngangalang Kostas." Kalmadong ani Braxton. Walang mababakas na takot mga mukha nilang tatlo dahil hindi naman talaga sila natatakot kahit gaano pa kadami ang kalaban nila at tatlo lang sila.


"Pfft! Nagpapatawa ka ba, bata? Mukha bang tanungan ng bayan tong lugar na to? Kung ako sa inyo, lumayas-layas na kayo rito hangga't napapag--"


"Pagalit ka palang, nagngingitngit na kami." Putol ni Raim dito.


"Kung hahayaan niyo kaming makausap ang taong sadya namin, walang gulong magaganap." Dagdag ni Gust.


"Mukhang masahe sa katawan ang hanap ng mga to, boss."


"Oo nga, boss! Pagbigyan na natin!" Tawanan nung mga lalake.


"Kung yan ang kahilingan nila, bakit hindi."😈


Pinalibutan nung mga lalake na kanya kanyang may mga hawak na pamalo sila Braxton.


Napangisi si Raim dahil sa excitement. Si Braxton at Gust naman ay prente lang na nag-unat-unat ng katawan.


Halos magkakasabay sa pag-ilag yung tatlo dahil sa mga lalakeng sabay sabay na sumugod sa kanila.


Umikot si Raim para sipain sa ulo yung isang lalake. Sinuntok at tinuhod naman niya yung isa.


Si Gust naman ay inagaw ang pamalo nung isa saka inihampas ito dun sa tatlo. Sinangga niya gamit ang pamalo yung umatake sa kanya saka sinikmuraan.


Ilag, sipa, suntok at tadyak ang ginawa ni Braxton sa limang lalake na umatake sa kanya. Sinangga niya ng isang kamay yung kamay ng isa saka sinikmuraan at tinwist ang braso nito. Tumakbo si Braxton at sinipa ang pader para mas mataas ang pagtalon niya saka ibinagsak ang kamao sa mukha nung leader nila. Ayun! Sumalampak sa sahig.


Nung tumumba na ang lahat ay papasok na sana sila sa loob pero may mga nakaabang pang lalake sa daan nila.


~~


Lumipas ang trenta minutos ay napatumba na nila lahat. Walang kahit isang galos maliban sa mga kamao nilang nagkasugat dahil sa pagsuntok.


Umakyat sila sa taas ng building kung saan nandoon ang tattoo shop nung Kostas.


Pagbukas nila ng pinto ay tinutukan agad sila ng dalawang lalake ng baril.


Hindi mababakasan ng takot o pagkagulat yung tatlo kahit may nakatutuk na baril sa kanila.


"May kailangan lang kaming tanungin sa artist." Wika ni Braxton.


Hindi umimik yung dalawa at hindi binababa ang hawak na baril.


"Tss!" Pagsinghal ni Raim nun ay agad niyang sinipa pataas yung kamay ng isa kaya tumilapon ang baril nito.


Mabilis namang naagaw ni Braxton ang baril nung isa saka tinutok dun sa lalake. "Step aside." Ma-otoridad na wika nito. Napa-atras naman yung dalawa.


"Gusto naming maka-usap si Kostas." Sabi ni Gust.


Tumalikod yung lalakeng sinipa ni Raim at pumasok sa isang pinto na nasa loob nitong shop. Madilim sa loob ng shop at kulay pula ang dim na ilaw. Puno ng vandal at mga pictures ang dingding hanggang kisame.


Maya maya pa ay lumabas ulit yung lalake kasunod ang isang malaking mama na puno ng tattoo at piercing.


"Anong kailangan niyo?" Tanong nung malaking mama na kakalabas lang.


Lumapit si Gust at inabot ang litratong hawak niya. "Kilala mo ba kung sinong nagmamay-ari nitong tattoo?"


Pinasadahan muna ng tingin nung mama yung tatlo saka kinuha ang litrato at tiningnan. "Kilala ko nga."

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon