ZOMBIE 11

8 0 0
                                    


"Ikaw si Amethyst Clementine Abernathy hindi ba?"

"Ikaw? Ikaw ba si Amethyst Clementine Abernathy?" Tanong ko pabalik dun sa babaeng nakaupo sa mahabang sofa. Kuhang kuha talaga niya ang karakter na kontra-bida. "Hindi naman ikaw si Amethyst Clementine Abernathy eh di malamang ako yon!" Napa-rolled eyes ako.

"Nililigawan ka daw ni Rette?"

"Bakit ba ang daming niyong tanong? Dinala niyo ba ko dito para i-question and answer portion?" Nakakainis na ha? Ang dami nilang tanong! Kami nga ng gang namin sa FA, wala nang tanong tanong bugbog agad! Hindi naman namin dadakipin nang hindi pa namin alam lahat ng dapat namin malaman.

"Naniwala ka naman?" Nilapag niya ang wine glass na hawak niya sa lamesita sa harap niya matapos humigop. "Alam mo bang hindi lang ikaw ang babaeng pinaniwala, ginamit at niloko ni Rette?" Nakangising pugita na tanong niya.

"Isa ako sa mga babaeng niligawan noon ni Rette, pero ang totoo, ginamit lang niya ko para pagselosin si Niki." Singit ng babaeng kakapasok lang.

"Ako din, maging yung bestfriend ko ay ginamit rin niya."

"At ako ang pinakahuli bago ikaw." Sabi naman nung nasa likod ko.

"Oh? Eh anong pinaglalaban niyo? Bumuo pa talaga kayo ng grupo! Ano? Balak niyo kong i-recruit? Pasensya na ha? Hindi kasi ako open-minded!" Tumalikod ako para sana lumabas na pero nagsalita ulit yung babaeng pugita.

"Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong sumali samin, pero ito ang sasabihin ko sayo. Niloloko ka lang ni Rette, kahit yung mga kaibigan niya, wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi nila."

Hindi na ako nag-abalang lingunin siya at lumabas na ng tuluyan.

~~

Nag-stop over ako dito sa isang convenience store. Bumili ako ng limang lata ng canned beer at umupo dito sa labas.

Hinagis ko sa daan ang unang lata na inubos ko.

Otor: Ay! Broken hearted ka, te? Nahulog ka talaga kay Rette nang ganun ka bilis?

Txng xna mo! Ikaw nagpapatakbo ng buhay at feelings ko tapos tatanungin mo ko! Pxkyu ka mga singkwenta!

Otor: Marupokpxk ka kasi!

Ini-straight ko ang isang lata ng beer nang walang hintuan at walang hingahan! Buwisit naman tong beer na to! Ang tabang! Kulang sa guhit ng lalamunan!

Ibinato ko ulit yung lata sa malayo.

Screeeeeccchhhhhh

Boooogggssss

Boom wasak!

Bumaba yung sakay ng sasakyan. Nagkakamot siya ng ulo habang parang pinagsakluban ng langit at lupa na nakatingin sa wasak niyang sasakyan. Umupo siya sa semento at naglupasay na parang bata.

Nagpatuloy ako sa paglagok ng beer. Straight at walang hinto hinto.

Ibinato ko sa daan ang huling lata ng beer na ininom ko. Medyo nahihilo na ko pero hindi pa ako lasing.

May biglang naglahad sa harap ko ng beer. Kinuha ko iyon nang walang lingon lingon kung sino ang nag-abot. Gaya ng ginawa ko ay straight ulit ang pag-inom. Nung maubos ay binato ko ulit sa daan.

May naglahad na naman sa harap ko. Kinuha ko at ininom saka tinapon ang lata sa daan.

Ilang ulit pa na may naglahad sa harap ko ng beer bago ko nilingon kung sino yon. "Gina*hik*gxgo mo ba *hik* ko ha! *hik*" Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil papikit na yung mata ko at nahihilo na ko.

=End of flashback=

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama kaya nagkaroon na naman ng smoke effects. Ano ba kasi yung pinaggagawa ko!!! Wala talaga akong maalala! Basta na lang akong nagising sa isang kwarto na hindi ko naman alam kung saan!

Pumikit na lang ako at pinilit matulog dahil maggagabi na. Buset! Alas kwatro ng hapon na kasi akong nakaalis sa bahay na iyon tapos eto, alas otso na ng gabi at kakarating ko palang. Muntik pa akong mawala dahil hindi ko naman kabisado ang lugar! Ano ba kasing nangyari, otor!

=Kinabukasan=

Alas kwatro palang ng umaga ay palabas na ako ng bahay para pumasok ng school. Alas nuebe pa ang klase ko pero pinili kong pumasok ng ganito kaaga dahil ayokong makita si Rette. Baka kasi sunduin na naman ako eh.

Otor: Iba ang fighting spirit, bhe! Ang strong!

Magtigil ka nga dyan! I-POV mo na lang kaya si Rette tapos ikwento mo sakin!

=6am=

Tiningala ko ang orasan na nakapako sa dingding ng guard house. Nandito na kasi ako sa gate. Alas sais palang ng umaga, tatlong oras pa akong maghihintay. Tsk! Ayos na rin to at least walang makakakita sakin.

Pagpasok ko ng room ay wala pang tao syempre. Umupo ako at ibinaon ang ulo sa mga braso ko na nakapatong sa kamay ng upuan. Matutulog na lang muna ako kaysa baliwin ang sarili ko kakaisip sa nangyari kagabi. Itong naman na to! Ayaw pang ikwento! Tsk!

Iris's

Papasok palang ako ng gate ay napahinto na ako dahil sa mga taong nakaharang sa dadaanan ko. Inayos ko ang salamin ko sa mata dahil sa kaba, ang sama kasi ng mga tingin nila.

"Nasaan si AC?"

"P-po? H-hindi ko po a-alam." Nauutal na sagot ko. Nakakatakot naman kasi talaga sila.

"Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong masaktan!"

Napalunok ako bago sumagot. "N-nagsasabi p-po ako ng t-totoo."

"Saan siya nagpunta nung gabi ng party?"

"H-hindi ko rin p-po alam. H-hindi ko pa po s-siya nakikita."

"Tss!"

Sunud sunod yung paghinga ko ng malalalim nung makaalis na sila. Napahawak pa ko sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Muntik na ko dun!

Naglakad na ako papasok ng gate nung medyo mahimasmasan ako.

Pagpasok ko ng room ay nakita ko yung nakatungo sa pinakalikod na upuan. Si AC.

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon