ZOMBIE 13

8 0 0
                                    


"Wuy, AC! Tawag ka ni prof!" Bulong ni Iris.


Napabalik ako sa ulirat ko nung sikuhin ako ni Iris.


"Miss Abernathy? Are you with us?"


Nilingon ko ang prof namin ng nakakunot-noo. "Ano ba sa tingin mo? Mukha ba kong nasa outer space?"


Hindi na sumagot yung prof namin at bumalik na lang sa pagtuturo dun sa harap.


=5pm=


"AC? May problema ka ba? Kanina ka pa tulala dyan!"


Tinapunan ko nga ng masamang tingin tong bruhang nasa tabi ko! "Wag ka ngang matanong, Iris! Konting konti na lang, papalit ka na sa trono ni Boy Abunda!" Nakakainit ng ulo ang kakakuda niya!


"Gusto ko lang kasi sabihin sayo yung pinapasabi ni Rette."


"Na ano na naman?" Inis kong tanong.


"Pinapasabi niya na hindi naman daw sila nagkabalikan ni Niki nung party."


"Talaga?"


Otor: Ngiting aso ka na naman dyan! Marupokpxk ka talaga!


"Oo at itutuloy pa rin daw niya ang panliligaw sayo. Susunduin ka daw niya mamayang gabi sa bahay niyo, magde-date daw kayo."


Nag-init naman ang mga pisngi ko sa narinig ko. Napangiti ako pero mabilis din naglaho.


"May problema ba?"


Hinarap ko si Iris nang natataranta. "Wala akong isusuot!" Mabilis sagot ko. Ano ba naman yan! Puro pantalon pa naman ang damit ko sa bahay!


"Walang problema. Daan muna tayo sa mall."


=Mall=


Pinagmamasdan ko mall sa harap ko. Maganda ang pagkakadisenyo ng istruktura, mukhang matibay ang mga materyales na ginamit, mataas at malawak.


View---> May mga kisame at dingding na gumuho na, madaming basag na salamin, kalat kalat na mga gamit at may mga parte pa na parang nasunog.


"Hindi dyan! Dito tayo." Hinila ako ni Iris papasok sa katabing mall. Akala ko naman doon kami sa kabila. Mukha pa naman ang saya sa loob nun.


Pumasok kami sa isang boutique ng damit at namili.


"Bilisan natin, baka abutin tayo ng pagsundo sayo ni Rette." Sabi ni Iris na dukot ng dukot ng mga naka-hanger na dress tapos tinatapat sakin tapos ibabalik ulit tapos dudukot na naman at itatapat sa harap ko.


"Doon kaya tayo sa kabilang mall. Mukhang wala namang maganda dito eh. Kokonti pa ang boutique." Suggest ko. Mas maganda at mas malaki naman kasi dun sa kabila eh. Siguradong mas madami pang pagpipilian.


"Sira ka ba? Kita mo na ngang abandunado na yung mall!"


"Abandunado? Bakit? Sayang naman yun? Ang ganda ganda tapos aabandunahin lang? Mas gusto pa nila dito sa maliit na mall na to?"


"May nangyari kasi dito sa Mandas nung nakaraang dalawang taon. May isang village pa nga na tinanggal na mapa ng Mandas eh."


"Ganun?"


~~


Nung matapos kami sa pamimili ng damit ay lumabas na kami agad ng mall.


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon