ZOMBIE 20

10 0 0
                                    


WARNING: Matitinding mga words na nakaka-eeerrrr ang meron sa chapter na to so skip na lang para safe kung sensitive kayo.

"Ano naman ang nangyari sayo't nagbago yang isip mo? Akala ko ba ayaw mong mag-attend?" Tanong Iris na patingin-tingin ng gown dun sa mga naka-hanger. Nandito kami ngayon sa mall para mamili ng isusuot mamayang gabi. Wala kasi kaming pasok buong araw. Engrande daw yung ball kaya dapat naka-gown.

"Wala. Masama ba magbago ang isip?" Tanong ko habang nagtitingin ng formal suit.

"Bakit pang lalake yang tinitingnan mo? Yan ba gusto mong suotin?"

Nalingon ko si Iris na nasa tabi ko na. "Para to sa ka-date ko!"

"Sino naman ang ka-date mo?"

"Sarili ko! Magdodoble-cara ako!"

😕 -Iris.

Bumalik ako sa pagpili ng suit para sa lalake. "Mauna ka na mamaya kung nakapili ka na, may dadaanan pa ko eh." Sabi ko.

~~

Nung makaalis si Iris ay bumili na ako ng mga gagamitin ko mamaya.

Bumili ako ng simple but elegant and sexy na Gold gown at Black na 7 inches na heels. Black and Red ang motif ng ball pero bet ko mag-out of the blue na kulay para center of attraction ang peg. Black ang kinuha kong suit para kay bulol, isasama ko siya bilang date ko para makapuslit kami dun sa Lagres building. Pwede naman daw magsama ng outsider kaya sinama ko na siya.

Bumili rin ako ng hair wax, Black contact lenses, perfume for men, Black shoes, pang gupit ng buhok, pang linis ng kuko, malalaking toothpaste, limang toothbrush, tatlong malalaking bote ng mouthwash, isang bote ng shampoo na pinakamabango, deodorant ng lalake, body perfume, tatlong bote ng liquid soap na napakabango, malaking lotion na mabango, mga pang beauty treatments, mga pang make up, tatlong bote ng concealer at syempre hindi mawawala ang limang kilo ng hilaw na karne. Mas mabuti kasing busog si shokoy kapag dinala ko sa ball.

~~

Pagdating ko ng bahay ay pinakain ko na muna si shokoy saka ako nagluto ng pagkain ko.

=1pm=

Ilang minuto na akong nakatulala sa harap ni shokoy na nakaupo dito sa likod-bahay, papaliguan ko na kasi siya pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

Kinuha ko yung tatlong surgical mask na binili ko kanina saka sinuot.

Lumapit ako kay bulol para hubarin yung suot niyang damit. "Ano ba yan! Amoy putok!!!!" Para akong mahihimatay sa sobrang baho!! Para akong nagsisi sa pinaggagawa ko!

Otor: Hoy, bruha! Wag mong gahasain yan ah?

Ikaw kaya ipagahasa ko sa shokoy na to! Kahit yata baliw aayawan to eh!

A/N: Wag na kayong mag-imagine about dun sa Rated X ha? Bad yan! Si AC nga hindi na yun papansinin eh. Isipin niyo na lang walang ganun, okay?

Nung matanggal ko na lahat ng damit niya ay lumapit ako dun sa balde ng tubig. Kinuha ko yung isang bote ng liquid soap at binuhos lahat sa tubig at hinalo. Sinimulan kong buhusan ng tubig na may sabon si bulol.

"Raaahhhhh!"

"Manahimik ka dyan!" Binuhusan ko rin ng shampoo yung ulo niya saka iyon pinabula ng husto. Binabad ko muna at pinagpatuloy ang pagbuhos sa katawan niya ng sabon. Kinuha ko pang kuskos ng balat at sinimulang kuskusin na parang labada yung katawan ni bulol.

Otor: Chansing ka, AC ha? Gusto mo ako na lang dun sa bandang abs?😍

Manahimik ka dyang malandi ka!

=After 2 hours=

Tinanggal ko na ang mask ko dahil umayos naman na yung amoy ni shokoy, ang bango na nga niya dahil sa mabangong sabon at shampoo. Pero grabe! Sampung beses ko yata siyang inulit na pinaliguan bago ma-achieve yung amoy niya! Muntik ko pang ibabad sa muriatic acid para lang matanggal yung libag at amoy. Malinis na siya pero yung kulay itim na mga ugat niya, iyon na lang ang panira.

Pinasuot ko muna si bulol ng short at t-shirt na binili ko para sa kanya dahil lilinisan ko muna siya ng kuko.

Pinaupo ko siya sa upuan dito sa labas ng bahay. Kinuha ko ang kamay niya at--blag! I'm dead.

A/N: Nahimatay si AC sa amoy ng kuko ni zombie.

After ng 5 minutes ng pag-pass out ko ay bumangon ako. Pumasok muna ako sa bahay para kunin yung mask.

Sinimulan kong gupitan at linisan ng kuko si bulol. Nai-stress ako sa lalakeng to! Napakasalaula! Napakabaho ng kuko! Amoy patay na daga! Pinamamahayan pa ng mga uod! Mega yuck!

Nung matapos kong linisan ang mga daliri niya sa kamay ay sinunod ko naman ang paa niya at-waaahhh! I'm so dead!

=Pass out for 10 minutes=

Pagmulat ko ng mata ko ay uod sa kuko ng paa ni bulol ang bumungad sakin. Walangya!! Ang bahoooo!!!!

Kadiri!

Wengya!

Ayoko na!

Mamamatay ako sa baho!

Fxta!

Salaula!

Ang baboy!

Yuck!

Anak ng uod!

Packing tapeee!!!

After 100 years, natapos ko ding linisan ang bulok na paa ng lintek na bulol na to!

Pumasok kami sa bahay para sa beauty treatments ni shokoy. Facial wash, face mask at face cream. Ginupitan ko din ang mahabang buhok niya. Konti na lang magmumukha na siyang tao.

Pagpatak ng alas kwatro ng hapon ay pinakain ko muna ulit siya para makasigurado na hindi siya gugutumin sa ball. Hindi pa naman to kumakain ng mga luto. Nagluto na rin ako ng kakainin ko dahil nagutom ako sa sobrang pagod.

~~

Daig ko pa ang doktor na nakasuot ng PPE sa itsura ko ngayon. Eto na kasi yung last step ng paglilinis ko kay bulol, ang paglilinis ng bunganga niya. Iniisip ko palang na ibubuka niya ang bigbig niya, parang hindi ko na kakayanin!

"Raahhhhhh!"

=Pass out for 30 minutes=

Nilagyan ko ng kalso ang bunganga niya para hindi niya isara. Anong klaseng bunganga to! Dito na yata ako babawian ng buhay!

Ilang poso negra at kanal ba ang hinigop nito gamit ang bunganga at ganito kabaho ang bunganga nito? Never yata nitong naranasan mag-toothbrush sa buong buhay niya!

Halos mapuno yung lalagyan ng stick-O sa dami ng uod na tinanggal ko mula sa bunganga ni bulol. Gumamit na rin ako ng steel brush para paputiin yung nga ngipin niya dahil hindi kinaya nung limang toothbrush na binili ko. Pati bibig niya ay kinuskos ko na rin ng toothbrush para matanggal ang dead skin na kulay itim. Inubos ko rin yung tatlong bote ng mouthwash para matanggal ang nakamamatay na amoy.

Pagkatapos ng paglilinis ng ngipin ni bulol ay pinaliguan ko ulit si bulol saka ako naligo.

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon