ZOMBIE 40

8 0 0
                                    


Alis's


"Bakit hindi pa tayo humingi ng tulong sa daddy mo para makalabas dito? Nakita na natin si AC."


"May kailangan pa akong gawin dito, Cas."


"Ano?"


*Sigh* "Ang iayos ang Mandas para kay Dad."


"Paano?"


"Hindi ko pa alam."


AC's


Nakasilip lang ako silipan ng sniper rifle na nakapwesto dito sa isang kwarto sa seventh floor. Ang boring naman! Wala man lang dumadaan na zombie!


"AC, kumain ka muna."


"Tigilan mo nga ako sa kaplastikan mo, Iris!" Iritang sabi ko habang nakasilip pa rin sa sniper. Hulaan ko, nakanguso na naman to.


*Lingon sa gilid*


😗 -Iris.


"Fxta!!" Napaatras ako sa sobrang gulat. "Bakit ba ang lapit ng mukha mo! Gusto mo bang ipa-lips to lips ko sayo yung dulo ng sniper na to kung saan lumalabas ang bala ha, Iris!"


"Hindi nga kasi ako plastik." Nakanguso pa ring reklamo niya. Sinundan ko lang siya ng tingin na umupo sa kama. "Kaya nga ako sumama pabalik dito para makatulong sa paghahanap sayo."


"Ano naman ang mai-aambag mo sa paghahanap sakin bukod sa dagdag pabigat ka?" Tanong ko. Lumapit ako doon sa maliit na mesa na pinaglapagan niya ng pagkain.


"Eh di magluto. Tsaka hindi naman ako mabigat no. Ang gaan ko kaya."


"Magluto?" Tiningnan ko yung pagkain na niluto niya. "Bukod sa tutong na kanin at sunog na itlog, ano pang alam mong sunugin na pagkain?" Taas kilay kong tanong.


Napakamot siya ng ulo. "Ahh, hehe. Pasensya na, hindi kasi ako sinanay sa kusina eh."


"Kaya naman pala masungit yung isa dahil sa pinapakain mo eh!" Kahit nagdadalawang isip kung kakain o hindi ay wala na akong nagawa dahil nagugutom na ko. Alas sais na ng gabi at malapit nang lumubog ang araw. Buti nga hindi kami nasundan ng grupo ni Rette eh.


"Ano pala ang nangyari nung gabing nakipagkita ka kay Rette, AC? Anong nalaman mo?"


Napahinto ako sa pagkain. "Ano bang pakialam mo?"


"May sinabi sakin si Braxton bago ang gabing yon. Sinabi niy--"


"Naniwala ka naman?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa malaking bintana kung saan tanaw ang sunset. "Sa ganitong sitwasyon, Iris, kailangan mong matutong paniwalaan ang senses mo kaysa sa sinasabi ng ibang tao. Bata palang ako, tinatak na sakin ng papa ko na wag akong magtitiwala sa kung ano ang nakikitang ginagawa at sinasabi ng ibang tao. Ang dapat kong paniwalaan ay kung ano ang nararamdaman ko. Never akong pinuri ni papa at mama sa harap ko lalo na kapag nandyan ang ate ko. Naging pasaway ako dahil doon at iyon ang naging pagkakamali ko, hindi ako nagtiwala sa kanila. Kapag kaharap nila yung mga kaibigan nila, grabe pala sila kung ipagmalaki ako. Hindi lang nila pinapakita dahil ayaw nilang masaktan ang ate ko. They believed that I'm stong enough para hindi magpaapekto pero binigo ko sila. I disappointed them lalo na si papa pero alam kong nagtitiwala pa rin sila sakin. Hindi man nila ako tinutulungan makaalis dito, tiwala silang kakayanin ko."


Matagal na katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ni Iris bago siya nagsalita. "Anong plano mo?"


"Makaalis dito sa lalong madaling panahon." Nilingon ko si Iris. "Sa pagkakataong to, gusto kong magtiwala ka sakin at pagkakatiwalaan kita."


=Kinabukasan=


Third person


"Ang bigat ng dugong na to!!!"


Poinkkk


Tumama yung ulo ni Cassius sa pinto ng sasakyan nung ibagsak siya ni Iris at AC sa backseat ng kotse.


Sunod namang binuhat nila si Alis para isakay din sa kotse.


"Bilisan natin baka maabutan tayo dito."


"Natatakot ako, AC."


Tiningnan ng masama ni AC si Iris. "Ano ka ba! Bakit ka pa sumamang bumalik dito kung duwag ka!"


"Eh kasi naman dalawa lang tayo."


"Nung sumama ka sa kanila hindi ka natatakot eh mga wala namang alam tong dalawa sa pakikipaglaban sa mga zombie! Bilisan na lang natin kaysa kuda ka ng kuda dyan!"


Ibinagsak nila AC si Alis sa ibabaw ni Cassius. Napangiwi yung dalawa ng palihim. Walang alam sina AC at Iris na nagpapanggap lang silang tulog.


Nung maisara na nila ang pinto ng backseat ay sumakay na sila sa harap. Si AC ang nagmaneho at si Iris sa passenger's seat.


Ilang minuto simula nung makaalis sila AC ay dumating naman sila Rette. Bumaba sila sa kanya kanyang sasakyan at pumasok sa building.


"Wala namang tao?"


"Hindi kaya setup lang to?"


"Baka may nangyari?"


Sunud sunod na tanong nila pagkatapos libutin ang building pero si Rette ay tahimik lang na inilibot ang tingin sa loob ng lobby.


"Kailangan na nating umalis dito baka setup lang to." Lumapit si Niki kay Rette.


Tahimik pa rin si Rette na pinapasadahan ng tingin ang buong paligid. Lumapit siya sa may front desk at doon niya nakita ang isang note. "Babalik tayo mamayang gabi." Sabi niya pagkatapos mabasa yung note. Rette crumpled the note at saka nilagay sa bulsa ng jacket niya.


=Fast forward=


Pagbalik nila Rette sa building ay wala pa rin sila Alis.


"Niloloko lang yata tayo ng Alis na yan ah?" Bugnot na tanong ni Raim.


"Maghintay lang tayo ng ilang sandali, baka napa-aga lang tayo." Sagot ni Braxton.


"Oo nga naman, tol. Alas syete palang ng gabi, mainit agad ang ulo mo, kaya ka hindi nagkaka-lovelife eh. Pfft!"


"Gxgo!" Tinabig ni Raim ang kamay ni Gust na umakbay sa kanya.


Maya maya pa ay nakarinig na sila ng paparating na sasakyan kaya nagsilabasan sila sa daan.


Cassius's


Hininto ko ang sasakyan sa labas ng building kasabay ng paglabas nila Rette.


Bumaba kami ni Alis ng sasakyan.


"Nagkaproblema ba?" Bungad na tanong ni Rette.


"Nalaman kasi ni AC na makikipagkita si Alis sayo kaya sinubukan niya kaming pigilan." Natawa tuloy ako nung maalala ko yung plano ni AC. Nilagyan niya ng pampatulog yung inumin namin ni Alis para hindi kami matuloy sa pakikipagkita kila Rette. Alam niyo naman si AC, mahal na mahal tong alaga niya. Matalino si AC, napabilib na niya ko minsan nung malaman niya ang mga plano ni Rette. Kaya nga pinuntahan niya ko noon para kunin tong si Alis sa bahay niya. Pero mas matalino pa rin si Alis dahil na alter niya ang sitwasyon.


"Nasaan si AC?"


"She's safe. Nasa Maynila na sila." Sagot ni Alis.

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon