ZOMBIE 24

8 0 0
                                    


AC's


"AC!!!!!"


"Waaahhh!!"


"Bilisan niyo!!"


"Aaahhh!!"


"AC!!!!"


"AC!!! Nasan ka!!!"


Lumabas ako ng banyo nung may marinig akong sigawan sa labas.


"Packing tape!" Tumakbo ako palabas ng bahay nung hindi ko makita si bulol sa kusina. Fxta! Nakalimutan ko palang igapos!


Paglabas ko ng tarangkahan ay tanaw ko na sa di kalayuan ang apat na lalake at isang babae na naghahabulan.


~~


"Hindi mo ba nakikita? Isa siyang you-know-what?"


"Anong you-know-what?" Ano ba tong pinagsasabi ng mga to?


"You-know-what!"


"Paano mo ba nasabi na I-know-what eh hindi ko nga alam!" Batukan ko kaya sa gall bladder ang isang to!


"Pfft! Oo nga naman, pre. Bago lang kaya si AC dito sa Mandas." Inakbayan pa ng tumatawang si Gust si Raim.


Nandito kami sa salas ng bahay. Magkatabi si Braxton at Iris sa mahabang sofa. Si Gust at Raim ay tig isang single sofa at ako sa isang single sofa na katapat nila.


"Isa siyang zombie." Nilingon ko ang nagsalitang si Braxton.


"Oo nga, AC. Isang zombie si Hans! Hindi mo ba nakikita?" May bakas ng takot at pag-aalalang sabi naman ni Iris.


Sabay sabay kaming lumingon sa kusina kung saan nakatali si bulol. Tahimik lang siyang kumakain ng mansanas. "Paano naman naging zombie yan? Lulong lang yan sa masamang katol no!" Sabi ko saka binalik ang tingin sa kanila. "Kayo talagang mga taga probinsya, kung anu anong pinaniniwalaan niyo! Hindi lang mga masamang espirito at mga lamang lupa ang pinaniniwalaan niyo! Pati ba naman zombie! Psh!"


"Nagsasabi kami ng totoo, AC! At itong village, magdadalawang taon na simula nung tanggalin ito sa mapa ng Mandas. Hindi mo ba nakikitang abandunado na to?" -Iris.


"2018 nung umatake ang mga zombie dito sa Mandas, walang nakakaalam kung saan iyon nanggaling. Itong village ang pinakanapuruhan kaya sinarado ito hanggang sa mawala na lang mga zombie." Kwento ni Gust.


"Hindi nga kami makapaniwala nung sinabi ng kaibigan mo na dito ka nakatira eh." Sabi naman ni Raim.


"Saan mo ba nakita yang si Hans? Buti hindi ka niyan kinakain o kinakagat?" Tanong ni Braxton.


Nilingon ko si shokoy dahil hindi ma-digest ng utak ko ang mga pinagkukwento ng mga to. Hindi naman siya mukhang zombie? Mas mukha pa nga siyang shokoy na bulol eh! May mga sapak ba tong mga to? "Tigilan niyo nga ako sa pang gu-good time niyo! Mas mga may sapak pa kayo sa utak kaysa sa isang to eh!" Sabi ko habang nakatingin dun kay shokoy.


"Ano ka ba, AC! Hindi ka namin ginu-good time! Nagsasabi kami ng totoo!"


"Aray ko naman, Iris! Kapag natanggalan ako ng braso sa kahihila mo, ipapakain kita kay Hans!" Kung makahila naman kasi ng braso eh!


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon