ZOMBIE 16

9 0 0
                                    


WARNING: May mga nakaka-uwaaahh na eksena dito sa chapter na to so alam na dis!


AC's


Lumundag ako pahiga ng kama kaya nagkaroon na naman ng smoke effects. Kahit madilim na ay alam kong meron.


Kkrrrruuuuuuuuuu


Manahimik ka dyang sikmura ka! Sisikmuraan kita!


Pinilit kong matulog kahit hindi pa ako dinadalawan ng antok. Baligtad ako ng baligtad sa kama dahil hindi pa ako makatulog.


Blaaaaagggggg


Arouch!


Tumayo ako mula sa pagkakahulog ko sa sahig at bumaba na lang muna.


"Rraaaahhhhh!"


"Buti gising ka pa, shokoy. Tara! Tagay muna tayo sa labas!" Kuniha ko yung isang bote ng rum na binili ko nung mag-grocery ako. Kumuha din ako ng dalawang plastic na baso at mga chicherya.


Kinalagan ko si bulol at hinila papunta sa may garden kung saan may mesa at upuan na medyo may mga sira na. Maliwanag na maliwanag ang buwan ngayon kaya hindi na kailangan ng flashlight.


Binuksan ko yung bote ng rum at sinalinan yung dalawang baso. "Tagay mo!" Utos ko dun sa bulol at ang fxtangra! Hindi ako sinusunod! "Bahala ka dyan!" Nilagok ko ang laman ng baso saka sinalinan ulit.


Sunud sunod yung ginawa kong pag-inom kaya hindi na gumuguhit sa lalamunan ko.


Third person


"Rraaaaaahhhh!"


Sinandal ni AC ang ulo sa balikat ni zombie at nagsimula na naman siyang umiyak. Hindi niya ininda ang baho ng amoy ni zombie.


Dugdug


Sa pangalawang pagkakataon ay tumibok na naman ang puso ni zombie. Nakatingin lang si zombie sa ulo ni AC na may mga lumilipad-lipad na mga kuto. Salaula!


Humihikbi na naman si AC habang inaalala yung mga nakaka-iyak na kdrama na napanood niya. Tumutulo na rin ang sipon niya hanggang baba niya. Pinunasan lang iyon ng dila niya. Yuck! Eeewww!


"Hoy, bulol! *Sob* Wag mo kong iwan at *Sob* sasaktan ha? Pangako, araw araw *Sob* kitang pasasalubungan ng hilaw na karne kaya mangako ka rin." Kausap ni AC kay zombie.


Dugdug


"Uy, shokoy! Sumagot ka naman dyan!" *Sob*


"Rraaaahhhhhh!"


Poinkk


"Naman eh!"


Tumahimik si zombie nung sapukin ni AC ang ulo nito.


Sabi mo kasing sumagot eh! Alam mo na ngang bulol tapos magrereklamo ka!


Tahimik na bumalik si AC sa pagtungga ng alak. Medyo nahihilo na siya dahil malapit na niyang maubos yung rum.


Dinampot ni AC ang bote ng rum at tinungga ang huling laman nito.


Sinandal ulit ni AC ang ulo sa balikat ni zombie saka ito pumikit.


Kahit nakapikit na at medyo lasing na ay nasa isip pa rin ni AC yung mga nakaka-iyak na wattpad stories na nabasa niya kaya tumulo na naman ang mga luha niya. Syempre kasama ang sipon. Alam niyo naman si AC!


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon