ZOMBIE 4

11 0 0
                                    


"Ihatid mo na lang ako sa pinakamalapit na kainan o kaya tindahan."


"Hindi ka pa kumakain?"


"Nung isang araw pa simula nung dumating ako dito no! Nung kumain ako sa cafeteria sa iskwelahan niyo, yun palang sana ang pagkakataon kong makakain pero pinakaladkad mo naman ako sa mga shokoy mong alagad! Ikaw ba si dugong ha?"


"Patawad."


"Anong pata-patawad? Ilibre mo ko ngayon!"


"Sige."


Umayos ako ng upo dito sa passenger's seat. Si-- "Ano palang pangalan mo?" Hindi ko pa pala naitanong.


Otor: Ayan! Sakay ka ng sakay kahit hindi mo naman kilala!


Oh? Gising ka pala? Akala ko tulog ka na?


"Everette Beauregard, Rette na lang. Ikaw?" Tanong niya.


"Kathryn Bernardo, Kath for short." Tiningnan ko ang reaksyon niya pero hindi man lang natawa. Joke kaya yun! "Hindi ka man lang natawa?"


"Natawa saan?" Curious na tanong niya habang nagmamaneho.


"Basag naman yung joke sayo eh! Pangalan kaya ng artista yung sinabi ko!" Kainis ha? Napahiya ako!


"Eh ano ang totoong pangalan mo?"


"Tawagin mo na lang akong AC." Saktong pagkasagot ko nun ay huminto ang sasakyan sa tapat ng isang 24/7 na convenience store.


Umupo kami sa table na nasa labas nitong store. Mas presko kasi ang hangin dito sa labas.


"Anong gusto mong kainin?"


"Kahit anong nakakabusog at mainit sa tyan." Sagot ko.


Tumayo siya para pumasok sa loob.


Inilibot ko ang tingin ko sa palagid. Walang ibang bahay o tindahan dito. Ihip lang ng hangin, pagsitsit ng nga insekto at pagkokak ng mga palaka ang maririnig sa paligid sa sobrang tahimik.


Maya maya pa ay lumabas si Rette na may bitbit na mga pagkain at inumin.


Nag-umpisa kaming kumain nung magtanong siya. "Pano mo nagawa yun?"


"Ang alin?" Tanong ko bago isubo ang isang buong tinapay.


"Yung sa mga tauhan ko."


Tauhan niya? Yung mga shokoy? Si dugong nga siya!


"Wala kang balak sagutin?" Kunot-noong tanong niya.


Ano bang sinasabi nito? Hindi ba niya nakikitang hindi ako makapagsalita dahil puno pa ang bunganga ko?


"Hayaan mo na kung ayaw mong sagutin." Sabi niya saka nagpatuloy sa pagkain.


Arte! Hindi makapaghintay! Bahala ka dyan!


~~


"Sigurado ka bang dito ka nakatira?"


Nilingon ko siya na nakaupo sa driver's seat. "Oo. Bakit?" Tanong ko nang nakakunot ang noo. Bakit ba palagi na lang nilang tinatanong kung dito ako nakatira? Ano bang meron?


Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay bumaba siya ng sasakyan at tinanaw ang bahay pati ang paligid. Medyo kita naman ang paligid dahil bilog na bilog ang buwan.


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon