ZOMBIE 38

10 0 0
                                    


"Ano bang nangyari sayo, AC? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Cassius.


*Cough**Cough*


"Oh!" Inabutan ako ni bulol ng tubig. "Parang baboy kasi kumain eh!"


Tinapunan ko nga ng masamang tingin tong bulol na akala mo naman ke-gwapo! Uminom muna ako ng tubig para pakalmahin yung sarili ko. "Nakakahiya naman sa shokoy na katulad mo no! Parang hindi ka kumakain ng hilaw na karne nung lulong ka pa sa masamang katol at baygon! Saan ka ba nagpa-rehab at tumino ka na ngayon ha?"


Otor: Gxga! Hindi naman yan lulong sa katol noon! zombie yan dati no!


Wala akong pakialam!


"Paano ka ba gumaling?" Tanong ko ulit. Sinubo ko yung isang buong itlog dahil parang isang dekada akong hindi kumain sa sobrang gutom.


"Hindi namin alam eh. Nung makuha ko siya sa bahay niyo, hindi pa naman siya normal. Mag-iisang buwan na simula nung bumalik siya sa dati." Sagot ni Cassius nung hindi sumagot yung bulol. "May ginawa ka ba sa kanya? May pinainom or pinakain kaya siya gumaling?"


"Ano bang malay ko? Hilaw na karne lang kinakain niya noon eh! Kadiri nga eh! Napakasalaula! Yuck!"😲


"Pwede bang tigilan mo na yang kwento mo! Wala akong matandaan sa mga pinagsasabi mo!"


"Pano mo matatandaan eh lulong ka nga sa katol non!"


"Tss!"


"So, ano nga ang nangyari sayo sa loob ng dalawang buwan?" Pag-iiba ni Cassius.


Napayuko ako sa kinakain ko. "Wala akong ideya. Ang huling natatandaan ko lang ay nung magkita kami ni Rette sa MU at may tinurok siya sakin na pampatulog. Wala na akong ibang matandaan, nagising na lang ako kaninang madaling araw sa isang kwarto, tumakas lang ako." Kwento ko.


"Kanina ka lang nagising sa loob ng dalawang buwan?"


"Kakasabi ko lang, Iris, di ba?"


😗 -Iris.


"Nasaan sila Rette ngayon?" Tanong ni Cassius.


Umiling ako. "Hindi ko alam, wala akong nakita sa kanila." Sagot ko. "Dito sa labas ba? Anong nangyari sa loob ng dalawang buwan?" Tanong ko. Kinagatan ko yung hawak kong hita ng manok.


"Gaya ng nangyari dalawang taon na ang nakakalipas, walang nakakaalam kung saan galing ang mga zombie. Masyadong malaki ang populasyon nila nung sumulpot sila kaya hindi na nakontrol ng militar, nagkalat sila sa iba't ibang parte ng probinsya." Kwento ni Cassius.


"Hindi man lang ba tumulong ang gobyerno? Ang presidente?" Takang tanong ko. Di ba dapat tumulong sila sa pag-aayos ng gulong to?


"Pina-lock down ang buong probinsya."


"Ano? Eh bakit pa kayo nandito? Wala bang nag-rescue?"


"Na-lock ang buong Mandas kasama lahat ng residente, wala silang pakialam kung may buhay. Hindi ka rin basta makakalabas ng Mandas dahil mahigpit ang reguridad sa lahat ng pwedeng labasan."


Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Cassius. Hinayaan nila ang mga taong mamatay dito sa probinsya? Bakit? Dahil sa zombie?


Binitawan ko ang kinakain ko. "May telepono ba dito o kaya cellphone?" Mabilis na tanong ko.


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon