ZOMBIE 30

8 0 0
                                    


AC's


=Monday=


"Anong gusto mong kainin?"


"Kahit ano."


Nilingon nina Rette, Braxton at Gust si Raim. "Hayss!" Nagkamot ng ulo si Raim at bugnot na tumayo para umorder ng pagkain.


Kasama ko ngayon sa cafeteria sina Rette, Iris, Braxton, Gust at Raim. Ilang linggo na rin kaming magkakasabay lagi kumain tuwing lunch.


"Matalino ka pala, AC? Nakita namin yung results ng lahat ng exams mo."


Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gust.


"Pinakuha lahat ni Rette ang papel mo sa exam." Natatawang sabi naman ni Braxton.


Tumaas ang kilay ko na bumaling kay Rette na nasa tabi ko.


"Gusto ko lang makita." Sagot niya kahit hindi ko pa naman tinatanong.


Pinasingkit ko ang mata ko at hindi inaalis ang tingin sa kanya.


"Tsk!"😒


"Gusto mong makita, eh di na-inggit ka nung nakita mo! Psh!"


"Matalino naman talaga si AC. May mga prof nga kaming natatameme na lang kapag kino-correct sila ni AC tapos yung masungit na si prof Charpentier takot sa kanya."


"Gusto mo bang tanggalin ko yang bangs mo't gawing pansit canton para may tanghalian ka, Iris?"


Ayan na naman yung ngusong pato ng bruha.


Dumating na si Raim kaya nag-umpisa na kaming kumain.


=4pm=


"Gusto mo ba munang pumasok?" Tanong ko kay Rette nung makahinto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay.


"Sa susunod na lang, nagyaya kasing maglaro yung tatlo." Sagot niya.


Mabuti naman. "Ge. Salamat sa paghatid." Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok ng bahay.


Ayoko naman talaga siyang papasukin dito sa bahay dahil baka makita niya si bulol. Mabuti nga at napakiusapan ko yung tatlo na wag nilang sasabihin ang tungkol kay bulol kahit na kaibigan nila si Rette.


Umakyat ako ng kwarto, inilapag ko sa harap ni bulol yung binili kong pizza tsaka burger. "Kumain ka na, paliliguan kita mamaya." Inilipat ko kasi si bulol dito sa isang kwarto, baka mamaya may makakita sa kanya kung sakaling may unexpected na bisita.


Pumunta ako ng kusina para magluto ng hapunan. Hawak ko sa kaliwang kamay ang isang slice ng pizza habang nagpiprito ng langgunisa.


=Kinabukasan=


=10pm=


Anak ng! Binaba ko ang hawak kong binoculars at dinukot ko ang isang papel sa bulsa ng hooded jacket ko. "Siya nga!" Kinuha ko ulit yung binoculars at sumilip. 'Fxta! Ikaw pala ang kontra-bida ha?' Wika ko sa isip ko habang nakatingin sa doktor na kasama nung papa ni Rette na palabas ng MU.


Maya maya pa ay nakita ko si Rette palabas ng MU nung makaalis ang papa niya.


Inilagay ko ang binoculars sa bulsa ng jacket ko at sinuot ang hood. Bumaba na ako ng building na tinataguan ko.


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon