ZOMBIE 36

9 0 0
                                    


AC's


"A-aray!" Iminulat ko ang mga mata ko. Fxta! Ang sakit ng ulo ko!


Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Puro puti at sobrang liwanag. Napahawak ako sa sentido ko nung kumirot iyon nung subukan kong tumayo. Ang sakit!


Nung medyo matanggal na yung pagkirot ng sentido ko ay sinubukan ko ulit bumangon. Bakit parang nangangalas yung mga buto ko? At bakit ako naka-dextrose? Parang hindi naman ito hospital ah? Anong nangyari?


Nung makaupo ako sa kama ay tinanggal ko yung pagkakatusok ng dextrose sa kanang kamay ko. Grabe! May nana na yung sugat! Fxta! Ilang oras ba kong nakahiga dito?


Bumaba ako ng kama saka lumapit sa--teka? Bakit walang pinto? Nasaan ang pinto? Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid hanggang kisame pero wala talaga akong makitang bakas ng pinto. Paano ako lalabas nito?


Bumalik na lang muna sa pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit ng ulo. Grabe! Uhaw na uhaw at gutom na gutom ako!


Nakatulala ako sa kisame nung biglang mapadapo ang tingin ko sa dextrose. Paubos na ang laman non. May nana na yung sugat sa kamay ko, ibig sabihin matagal nang nakatusok yon sa kamay ko. Yung dextrose paubos palang ang laman, tingin ko nasa apat hanggang limang oras palang iyon.


Inabot ko yung hose ng dextrose at dinikit ulit sa kamay ko pero hindi ko binalik sa pagkakatusok ha? Ang sakit na kaya!


*Door open*


As I thought. Nakapikit lang ako kaya hindi ko makita kung sino ang taong pumasok.


Dinig ko ang mga yabag niya palapit sakin. May kinakalikot siyang hindi ko alam sa bandang gilid ko.


Binuksan ko ng kaunti yung mga mata ko para silipin kung anong ginagawa niya. Kinakalikot niya yung dextrose na nakasabit sa taas. Nakatalikod siya sakin kaya binuksan ko ng tuluyan yung mga mata ko. Sinilip ko yung pintong pinasukan niya, nakabukas pa rin iyon. Hinila ko yung hose na nasa kamay ko saka mabilis na pinulupot sa leeg nung babae. Ibinalibag ko siya sa sahig kaya napadapa siya at ako ay nakapatong sa likod niya.


Hirap na hirap na siyang umubo at huminga pero mas hinigpitan ko ang paghila sa hose hanggang sa hindi na siya gumalaw.


Kahit medyo masakit yung katawan at ulo ko ay mabilis akong lumabas ng silid na yon.


Kung saan saang pasilyo na ako lumiko pero hindi ko alam kung saan ang labasan. Bakit ba kasi hindi nagsasalita tong otor na to? Wuy! Buhay ka pa ba, otor?


Ilang pasilyo pa ang pinasukan ko at ilang hagdan na rin ang binabaan ko wala pa rin akong makitang labasan, kahit bintana wala talaga. Hindi kaya underground tong building gaya nung sa Resident Evil? Tama!


Mabilis akong umakyat ng hagdan kahit nakakahilo dahil paikot yung hagdan. Wala man lang bang elevator? Otor naman! Bakit hindi ka na nagpaparamdam?


Malapit na ako sa pinakataas ng building nung mapahinto ako dahil may narinig akong mga yabag ng paa galing sa taas. Mabilis akong nagtago nung pababa sila ng hagdan.


Nakasilip ako sa pinagtataguan ko at inaabangan kung sino ang mga iyon.


Dalawang armadong lalake ang nakita kong pababa.


Naghintay ako hanggang sa hindi ko na madinig yung mga yabag nila. Lumabas ako ng tinataguan ko at umakyat sa pinakataas. Lumapit ako sa nakasaradong pinto para buksan pero fxta! Naka-lock! Sinubukan ko pa ulit hilain at itulak pero ayaw talagang mabuksan.


Aalis na sana ako para maghanap ng pwedeng ihampas sa pinto nung may marinig akong parang nagbubukas ng pinto.


Bago pa man iyon bumukas ay mabilis akong sumandal sa dingding katabi ng pinto. Nung bumukas iyon at pumasok yung lalakeng armado ay agad ko siyang hinila at tinuhod. Nung mapayuko siya sa pagkakatuhod ko ay tumalon ako sabay bagsak ng siko ko sa batok niya.


Paglabas ko ng pinto. "Anong lugar to? Nasan ako?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa buong lugar. Hindi ko alam kung anong oras na pero tingin ko ay madaling araw na dahil medyo malamig yung hangin at parang maya maya lang sisikat na ang araw.


Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin kung saan ang labasan ng gubat na to. Puro matataas na puno lang ang nakikita ko.


Naglalakad ako nung may madinig akong kaluskos kaya agad akong nagtago sa nakatumbang kahoy. Sinilip ko kung sino iyon. Isang lalakeng armado din ng baril. Sino ba ang mga yan? Tauhan ba yan nila Rette? Ano ba naman yan! Ang dami kong tanong pero tong otor patay na yata! Hindi ko pa alam kung successful ba yung plano ko o palpak! Kasama naman sa plano ko ang magpahuli kay Rette para mapasok ko ang kuta nila at malaman ang mga plano nila pero hindi ko alam kung ano nang nangyayari. Hindi alam kung anu anong mga pangyayari na ang nalaktawan ko dahil sa pagkakulong ko.


Nagsimula ulit akong maglakad lakad baka sakaling may makita akong labasan. Anong lugar ba kasi to? Nasa probinsya pa rin kaya ako ng Mandas? Baka naman ibang planeta na to ah?


Krrrrruuuuuuuuuu


Umupo muna ako sa isang nakatumbang puno nung makaramdam ako ng pagod. Uhaw na uhaw na talaga ako at gutom na gutom. Masakit pa rin yung katawan ko dahil siguro sa haba ng tinulog ko at masakit pa din ang ulo ko.


Pagkalipas ng ilang minutong pahinga ay tumayo na ulit ako para maghanap ng labasan. Kapag talaga itong otor nagsalita! Who you sakin tong bruhildang to!


Otor: May butas dyan sa nilalakaran mo.


Who yo--waaahhhh!! Aray ko!! Pxtrages kang otor ka!! Huhuhuhu!😭😭


Otor: Pa-who you who you pa kasi eh!


Ang sakit na nga ng katawan ko tapos dumagdag pa to!


Tumayo ako saka umalis sa butas na hinulugan ko, buti na lang hindi malalim yung butas. Pero wala pa ring mabuti sa pagkahulog ko no!


Sumisilip na yung reynang araw, tanaw ko na yung labasan ng gubat dahil may natatanaw na akong mga building di kalayuan.


Teka? Mandas University ba to? Bakit parang lumevel up?


View---> Madaming kalat, may mga parte ng building na wasak at sunog, may mga nakakalat na mga patay na zombie.


Naglakad ako palabas ng University at ganun din ang itsura ng labas. Ano bang nangyari?

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon