ZOMBIE 32

8 0 0
                                    


"Oras na malaman ni Leander ang nangyari, siguradong hahanapin ka niya. Kailangan niyo nang lumipat ng lab bago mag-umaga."


"Masusunod po."


"Who's that coconut?" Bulong ko. Nandito kami ngayon sa isang kwarto nitong lumang mansyon na pinasukan nung doktor na si Dimitris.


"Felix Marchand."


"Yun lang? Wala man lang description? Pangalan lang talaga binigay mo no?" Grabe naman kasi sumagot! Naka-tipid tips! "Pwede paki-expound?"


"Isa siyang businessman nung si Hermes Davenport pa ang nakaupo bilang governor." Yung papa ni bulol. "Ang alam ko tatakbo siya bilang governor sa darating na eleksyon."


Eleksyon nga talaga ang dahilan ng mga nangyari noon. Ang tanong na hindi ko pa nahahanapan ng sagot, paano sumulpot ang mga zombie?


Nung makalabas yung Dimitris ay lumabas na rin kami para sundan ulit sila kung saan sila lilipat ng lab. Ano bang meron sa lab na yan? Nakaka-intriga ha?


Sumakay ako sa sasakyan ni Rette, dito kasi ako sumakay papunta dito. Buti na lang tago yung pinagparadahan ko nung big bike ko, hindi ko rin naman pinaalam kahit kanino ang pagbili ko nun dahil ayoko pang ipaalam yung tungkol sa plano ko.


Nilingon ko si Rette na nagmamaneho. Kapag tinanong ko siya, alam kong may maisasagot siyang mahalagang impormasyon dahil alam kong may alam siya. Pero hindi ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko siya kasi involved ang papa niya dito. Dating vice governor ang papa niya at matalik na kaibigan niya ang dating governor na papa ni bulol. Trinaydor ng papa niya ang papa ni bulol para manalo bilang governor. Ang tanong, anong ginagawa nila? Bakit may zombie? Ang alam ko lang ay may kinalaman dito yung Dimitris, baka nga siya pa ang lumikha sa mga yon dahil nga chemist/biologist siya, siya pa may gawa dun sa mama ni Rette di ba? Ang malinaw lang ay tinatraydor naman nitong Dimitris na to ang papa ni Rette. Pero bakit? Dahil dun sa Felix Marchand? Tama! Gusto niyang tumakbo bilang governor di ba? Tsk! Ano bang meron sa pagtakbo bilang governor at nagtatrayduran tong mga to?


"AC? Wuy!"


Napabalik ako sa ulirat nung tawagin ako ni Rette. Ba yan! Nakatulala pala ako sa kanya!😓


"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman sumasagot." May bahid ng pag-aalalang tanong niya. Kanina pa niya ko kinakausap pero wala man lang akong narinig!


Otor: Kung saan saang planeta kasi naglalakbay yang isip mo eh!


"Ayos lang ako. May iniisip lang kasi ako." Sagot ko habang nakatingin sa daan. Alangan naman na lingunin ko na naman siya, namimihasa na siya no!


Otor: Siya ba ang namimihasa o ikaw?


"Tungkol ba sa mga nangyari noon?"


Sasagutin ko ba siya ng katotohanan? Pero kasi baka pumalpak yung plano ko. Ba yan! Nakakaloka na to ha! Bumuntong-hininga ako saka nagsalita. "Nasaan pala ang mama mo?" Tanong ko.


Hindi umimik si Rette pero kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Ibinalik ko na lang ang tingin sa daan.


Maya maya pa ay nagsalita si Rette. "Matindi noon ang naging labanan nung huling eleksyon dito sa Mandas. Magkaibigan ang papa ko at ang dating gobernador pero tumakbo si papa bilang givernor at kinalaban ang kaibigan niya." Sabi na eh. "Umabot sa patayan ang eleksyon. In-ambush ang sasakyang lulan ang aking mama. Pinagbabaril, sinunog saka hinulog sa bangin. Wala namang ibang sisisihin kundi ang kabilang panig." Kita ko ang pagngitngit ni Rette sa galit.


Pero sino kaya ang nagsabi ng kwentong yan sa kanya? Hindi naman yata ganun ang totoong nangyari kasi naging zombie yung mama niya eh? Baka naman may alam na to pero nagsisinungaling lang para may pagtakpan? Tsk! Ang hirap naman ng ganito!


Otor: Basta ituloy mo lang yung pag-iimbestiga para mahanap mo yung katangahan mo!


Namo!


=Kinabukasan=


"Class, hindi ako makakapag-discuss ngayon dahil may meeting kami pero mag-iiwan ako ng seat work niyo." Our prof instructed. "Miss Abernathy, collect all the papers afterwards and leave it to my table in staff room."


"Bakit ako?" Angal ko. 45 kaming istudyante niya tapos sakin pa inutos? Wow ha! Paano nagagawa ng mga to na maging invisible?


"Because you're my favourite student." Mataray at masungit siya pero para siyang robot kumilos at magsalita dahil walang emosyon ang mukha niya.


"Ikaw naman ang pinaka-hate ko!" Sigaw ko. Gigil mo ko thunder!


Hindi na niya ko pinansin. "You." Turo niya sa babaeng nasa harap. "Distribute these." Turo niya doon sa kumpol ng papel sa table niya.


Sumunod naman yung babae tsaka umalis si thunder bird!


Nung mai-distribute na yung mga papel ay biglang pumasok yung isang prof namin sa College Algebra. "Miss Abernathy, pagkatapos ng seat work niyo pumunta ka sa kabilang room, paki-bantayan ang mga students ko at pakidala na rin sa staff--"


"Anak ng! Istudyante ako dito hindi utusan! Gusto mong masipa sa spinal cord!"😠


"W-wala kasi akong t-tiwala sa mga i-istudyante ko, b-baka magkopyahan sila ng s-sagot. P-paki-bantayan na lang mamaya." Mabilis niyang sabi saka kumaripas ng takbo.


"Takot na takot si prof Martin, kawawa naman." Sabi ni Iris na nakatingin pa rin doon sa pinto.


"Sa kanya ka talaga naawa, Iris? Ako nga tong kawawa sa mga utos ng mga lintek na yon! Anong akala nila sakin? Collector ng basura? Gwardya ng mga preso?"


"Hayaan mo na, tutulungan naman kita eh."


=After 1 hour=


"Ano? Hindi pa ba kayo tapos?" Ano ba naman tong mga fxtrages na to! Ang babagal sumagot! Wala na nga silang maisulat, pinipilit pa nilang pigain yung mga utak nila kahit mala-disiyerto na sa sobrang tuyo! "Ipasa niyo na nga yang mga papel niyo! Bilis!"


Nagsitayuan naman sila saka walang imik na pinasa yung mga papel nila. Dito ako nakaupo sa upuan ng prof namin habang prenteng nakasandal ang likod sa sandalan ng upuan at nakapatong ang naka-cross na mga paa ko sa table.


"Grabe ka naman, AC! Hindi pa nga ako tapos eh." Ayan na naman yung nguso ng pato! Inilapag ni Iris yung papel niya sa table.


"Wala na ngang nagsusulat sa inyo eh! Puro kayo isip ng isip, sayang yung oras! Pinapahirapan niyo lang mga sarili niyo! Pupunta pa tayo dun sa kabila!" Tumayo na ako at dinampot ang bag ko na nasa mesa. "Dalhin mo yang mga papel." Utos ko kay Iris. Lumabas na kami ng room namin para pumunta sa kabilang klase.


Limang hakbang pa ang layo namin sa pinto, dinig na dinig na ang ingay sa loob. Hindi ko pinangarap maging guro pero ganito gagawin ko! Masisiraan yata ako ng lalamunan nito!

Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon