ZOMBIE 19

9 0 0
                                    


AC's


=Monday=


Nakatungo akong naglalakad sa hallway pero ramdam ko ang matatalim na mga tingin ng mga istudyante sakin. Sa sobrang talim ay duguan na ako ngayong naglalakad.


"AC!" Biglang may unggoy na lumambitin sa braso ko. Ang bigat, te ha?😒


Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad.


"May good news nga pala ako sayo, AC! Kilala na daw nila Braxton kung sino yung lalakeng guma--"


"Pwede change topic, Iris? Nai-IRIS ako sa topic mo!" Paulit ulit naman kasi tong bruhang to! Sinabi ko na nga na hayaan na lang yun eh!


"Sige ito na lang. Bukas ng gabi na ang University Ball na gaganapin sa field."


"So?" Bored na tanong ko. Ano naman ang kinalaman ko sa bola ng unibersidad na yan?


Otor: Anong bola? Sayawan! Gxga!


"Anong so? Mandatory yon sa ating mga freshmen no! Pa-welcome party iyon ng University para satin."


"Wala akong pakialam sa mga ganyan, Iris! Alam mo naman kung anong nangyari nung huling mag-attend ako ng party di ba?" Baka mamaya maulit na naman yon tapos ma-kick out na ko dito sa University! Eh di sira yung plano ko!


"Pero hindi pwedeng hindi ka mag-attend. Attendance is a must no!"


Hindi ko na lang pinansin si Iris dahil nakapasok na kami sa room.


Discuss


Discuss


Quiz


Dismissed


=Next subject=


Discuss


Discuss


Discuss


Dismissed


=Break=


"Wuy, AC! Ayaw mo ba talagang mag-attend? Plus points daw yun sa final grade."


"Tigilan mo nga ako, Iris! Preliminary palang at hindi ko naman kailangan ng plus points dahil matalino ako!"


Otor: Ay! Chana ol matalino!


"Kung sabagay. Pero kasi, sayang yun no! Isang beses lang yun kada isang taon!"


"Hindi nga ako interesado! Hindi ko nga naranasang mag-JS Prom eh!" Irita kong sabi saka naunang pumasok ng cafeteria.


Nung maka-upo ako ay nilapag ni Iris ang librong hawak niya sa mesa. "Pero, AC--"


"Kapag hindi ka pa tumigil, gagawin kong cereal yang libro mo't ipapakain ko sayo!" Banta ko. Ang kulit ng dila ng bruhang to! "Um-order ka na nga lang don!"


Nakanguso siyang parang pato na naglakad papunta dun sa pila para um-order ng pagkain.


=2pm=


Pagpasok palang ng prof namin ay masama na agad ang tingin sakin. Problema nito? Wala na ngang ganda, wala pang height! Nasa 4'8 lang yata ang height niya plus 7 inches na heels tapos yung kilay niyang one line!


Ang alaga kong ZOMBIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon