Chapter 2: Color

2.2K 114 0
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Arrrggghhh!!! Nakakasilaw!

Pinikit kong muli ang aking mata at minulat... Unti-unti nang nag-aadjust ang aking paningin.

Teka lang. Anong nangyari?

Bakit ako nakahiga sa rooftop?

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi.

Hmmm....

Ang naaalala ko lang ay tatalon ako sa building na ito, pero pagkatapos? Hindi ko na alam.

Hindi naman ito langit kasi ito pa rin ang building na tinitirhan ko ngayon.

*sigh*

Saka sino kaya 'yung nasa panaginip ko.

"Mag-iingat ka, aking kaibigan,"

Naalala ko pa na iyan ang sinabi niya bago pa dumilim ang paningin ko.

Napangiti ako. Kahit paano pala, merong tumuturing sa akin bilang kaibigan.

"Hoy, bakit ka nandito?!" sabi ng isang matanda sa likuran ko. Tumingin ako sa likod at nakita ko ang namamahala ng apartment na tinitirhan ko ngayon.

Siya si Manang Louise. Medyo may katandaan na pero malakas pa rin... Lalo na ang boses niya, mala-microphone ang dating! Haha

"Manang!" sabi ko saka lumapit sa kaniya.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko nang makalapit na ako.

Pumay-awang naman si Manang saka nagsalita.

"Aba, dapat ako ang nagtatanong niyan! Hinahanap kita sa kwarto mo pero wala ka!"

Napakamot naman ako sa ulo.

"Manang, wala pa po akong pera pang-renta sa inyo. Pwede po bang next month na lang?" tanong ko sabay ngiti.

"Hoy! 'Wag mo akong mangiti-ngiti diyan! Saka ganyan din ang sinabi mo no'ng nakaraang buwan!"

"Manang, wala pa po akong trabaho, kaya hindi pa po ako makakapagbayad sa inyo," sabi ko sa kaniya.

"*sigh* Sige na, sige na. 'Wag ka na munang magbayad... Pero siguraduhin mong makakapagrenta ka na sa susunod na buwan, ha?"

Dahil sa narinig ko, lumapad ang aking ngiti at yumakap kay Manang.

"Opo. Thank you, Manang."

Ginulo naman ni Manang ang buhok ko kaya napanguso ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

Para ko na ring ina si Manang.

"Oo nga pala, naalala ko." Humiwalay naman si Manang at tumingin sa akin.

"Meron, nga palang, ipinabibigay sa'yo. Nasa kwarto mo na."

Nagtaka naman ako. Sino naman ang magbibigay sa akin?

"Kanino po galing?"

"Ewan," sagot ni Manang. "Wala man lang pangalang nakalagay kung kanino galing. Pati address wala. Saka 'yung lalaki na nagpapabigay, hindi ko kilala."

Lalo akong nagtaka.

Sino naman ang magbibigay sa akin na hindi kilala ni Manang?

Sa dami ng naging customer ni Manang Louise dito, lahat yata na taga-dito ay kilala niya na. Plus, laging lumalabas si Manang para makipagkwentuhan...

Kaya nakapagtataka...

Ipinagsawalang bahala ko na lang saka ako pumunta sa aking kwarto.

Humiga agad ako.

Hayst.

Inalala ko ulit ang aking nakaraan.

Wala talagang nagmamahal sa akin. Mas marami ang ayaw sa akin.

Napatingin ako sa table na nasa kanan ko. May nakita akong isang yellow box.

Yellow? That's my favorite color!

Umupo ako sa kama at kinuha ang box.

How did someone knew my favorite color?

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon