Chapter 27: Mood

231 27 0
                                    

George's POV

"Relax ka lang, Nathan. Remember, your mission?" paalala ko sa kaniya at unti-unting gumagaan ang aura niya. That means, nakakapagrelax na siya.

"Mission?" tanong ni Lucky kaya napatingin kami sa kaniya.

"Its a private activity na kailangan naming gawin," sabi ko agad sa kaniya.

"Oh, is that so?" Tumango ako sa kaniya.

Napangisi ako nang maramdaman ulit ang aura na iyon.

Tumingin ako sa kaibigan ni Lucky at nagtanong.

"What's your name?"

Demo's POV

Napabalik ako sa ulirat nang may magtanong sa akin.

"Demo. Devin Demo Demandante," sagot ko.

"How about you?" tanong niya sa katabi ko sa kaliwa.

"Cinth," sagot niya lang kaya ako na ang nagpakilala sa kaniya

"He's Hyacinth Flora."

"And him?" Napatingin ako sa tinuro niya at napangiti.

"Nandito ka na pala, Chris!" sabi ko kaya napatingin din sila dito.

"He's Christian Layde," pagpapakilala ko.

Umupo si Chris at teka...

Parang iba si Chris, ngayon, ah!

"Good mood tayo, ah!" Napansin ko kasi ang mga ngiti nya.

"Syempre, nakita ko ang mahal ko, eh,"

Napailing ako at tumingin kay Lucky na nakayuko.

Hindi ko alam kung alam niya na ang nararamdaman ni Chris sa kaniya pero tingin ko, wala pa.

"Teka, parang hindi lang ako ang good mood, ah!" sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya na nakatingin na rin pala sa akin.

Napangiti ako at tumingin sa lalaking iyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya kilala pero...

(Flashback)

"Hi!" sabi ko nang pumunta ako sa harap nila.

Nanlaki ang mga mata ko nang may humila sa akin pabalik sa pwesto ko kanina.

Nang makabalik sa pwesto, tinanong ko agad siya.

"Oy, Cinth... Bakit mo ako hinila?!"

Ngunit walang sagot akong nakuha. Umupo lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa.

Napanguso ako.

(End Of Flashback)

At least, nagkita kami. Hahaha

"Nga pala, sila ang mga kaibigan ko." Napatingin ako kay Nathan nang magsalita siya.

"Si George Mansalay," pagpapakilala niya sa taong nagtanong sa amin nang mga pangalan namin.

"Si Heather dela Cruz," pagpapakilala niya sa nag-iisang babae sa kanila.

"At si Yu. Yu Nakamura," pagpapakilala niya sa taong tinititigan ko.

Oh... Yu pala ang pangalan niya.

Well, bagay sa kaniya.

Nathan's POV

"Sa apartment ako uuwi ngayon, kaya sabay na tayo," sabi ko kay Lucky.

"Okay,"

Habang inaayos niya ang kaniyang mga gamit, nagtanong siya agad sa akin.

"Speaking of, bakit ka nag-a-apartment? Meron ka namang bahay at malapit naman iyon sa university. Saka ano 'yung mission na sinabi nila kanina?"

Humarap siya sa akin sa huli niyang tanong.

Sasabihin ko na ba?

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon