Chapter 21: Luna

293 33 0
                                    

Nathan's POV

Tumakbo kami papunta sa room pero nagulat ako sa nakita ko.

Magkalapat ang labi nilang dalawa.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa nakita ko.

Itinulak naman ni Lucky 'yung babae.

"Matapos mo akong..." Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang mapansin niya kami.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Oh, nakaistorbo ba kami? Sige, mag-usap lang kayo," sabi ko saka umalis.

Bakit ko ba nararamdaman ito?

Bakit?

Lucky's POV

Nandito ako ngayon sa apartment ko. Nakahiga, at hindi pa rin malimutan ang nangyari kanina.

(Flashback)

"Bakit ka nandito?" tanong ko agad sa kaniya matapos makapasok sa room.

"Gusto kong makipag-usap sa'yo."

I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay para sabihin kong "Nakikipag-usap na ako sa'yo, obviously."

"I mean... Arrrgghhh!!!" Huminga siya nang malalim saka tumingin ulit sa akin.

"Pwede bang bumalik tayo sa dati?" tanong niya na nakapagpakuyom ng aking kamao at nakapagpainit ng ulo ko.

(End Of Flashback)

Hindi ko talaga inaasahan iyon, tapos nang tanggihan ko siya...

(Flashback)

Nagwawala siyang tumingin sa akin.

Bakit niya ginagawa iyan? Hindi ba siya ang nagloko sa amin at sinabi pa niyang hindi na niya ako mahal, tapos...

Huminga ulit siya nang malalim.

Dali-dali siyang lumapit sa akin saka niya ako hinalikan na ikinagulat ko.

Itinulak ko agad siya at nagsalita.

"Matapos mo akong..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman kong may mga nakatingin sa akin kaya lumingon agad ako sa kanila at nanlaki ang mga mata nang makita ko sina Nathan at Christian.

"Oh? Nakaistorbo ba kami? Sige, mag-usap lang kayo," sabi ni Nathan saka siya umalis.

Susundan ko pa sana siya kaso meron pa akong problemang kakaharapin.

(End Of Flashback)

Tch. Kainis.

Naiyak na naman ako nang maalala ko iyon.

"This is the first time na nakita kitang umiyak."

Natakot akong bigla. Wala dito si Nathan at alam ko ang boses niya kaya alam ko ring hindi niya 'yan boses.

"Sino ka?" tanong ko.

Napaupo ako sa kama dahil sa takot ko.

May nakita akong violet at black na usok at umiikot. Pabilis ito nang pabilis hanggang sa sumabog at nang unti-unting mawala ang usok nakita ko ang isang lalaking nakamaskara. Black ang suot at hoody na parang si Kamatayan.

"Nice to meet you, Luna."

Luna?

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon