Bubuksan ko na sana ang yellow box nang may biglang kumatok.
Nagtaka akong bigla... Sino naman ang pupunta sa akin?
Baka naman si Manang Louise.
Nagkibit balikat na lang ako saka tumayo para pagbuksan ang tao.
Ay oo nga pala... Pinakilala ko na si Manang pero hindi ko pa napapakilala ang sarili ko.
Hehe... Pasensya naman...
I am Lucky delos Reyes. Nakatira sa isang apartment, 18 years old at walang kwentang tao.
As I said, I am not famous. I have no family, no friends, nothing!
Pero nagtatrabaho ako. 'Yung nga lang, nagkaroon ng commotion (issue) sa huling trabaho ko kaya ako natanggal.
Binuksan ko ang pinto at
Tama ang hinala ko... Si Manang nga.
Inabot naman niya sa akin ang isang envelop.
Kumunot ang aking noo, habang inaabot ko ang envelop.
"Anong laman nito, Manang?" tanong ko.
"Ewan. Kasama rin 'yan ng box na nasa table mo. Same guy ang nagpadala niyan."
Guy?
"Lalaki ang nagbigay niyan sa akin?" tanong ko na obvious naman ang sagot.
Nakita ko naman ang mapanuksong tingin ni Manang.
Napairap ako.
Heto na naman tayo...
"Bakit? Akala mo, babae? Yiiieee..." I rolled my eyes.
Nagpasalamat na lang ako sa kaniya saka sinarhan ang pinto.
Pumunta ulit ako sa higaan ko at umupo. Kinuha ko ulit ang yellow box saka binuksan.
A note?
"Kaibigan, hindi mo man ako nakita
Pero ako ang sumagip sa'yo sa kamatayan
Poprotektahan kita sa masama
Kahit pa malayo, lagi kitang pagmamasdan."Medyo naging creepy ang feeling ko sa kaniya nang mabasa ko ang huli niyang sinulat, pero napangiti ako.
Ewan kung bakit ako ngumiti pero feeling ko kasi iba ang pakiramdam ko sa kaniya...
... Kahit hindi ko pa siya nakikita.
Binuksan ko naman ang envelop, at...
Nathaniel's Point Of View
Nandito ako sa library ng mga tao upang magbasa.
Wala ng tao dito, miske ang librarian kaya madilim dito.
Yup! Sarado na ang library.
Pero pumunta agad ako dito upang makapagbasa.
Gusto kong alamin ang lahat ng narito sa mundo liban sa lengwahe kasi bago pa ako pumunta rito, nakapag-aral pa ako ng mga lengwahe nila.
Yeah, lahat ng lengwahe. Pati nga "conyo" language, alam ko na rin.
Para makasabay naman ako sa kanila...
Napangiti ako nang maalala ang mga binigay ko sa aking misyon.
Yes, ako ang nagbigay ng box at envelop, at ang envelop na 'yun ay kailangan niya ngayon.
Naramdaman ko namang bigla ang isang anghel sa aking likuran.
"Anong kailangan mo?"
"Pinapatawag ka ng mga arkanghel," sabi ni Amitiel.
"Pupunta na ako. Mauna ka na."
Tinapos ko muna ang aking binabasa bago ako pumuntang muli sa langit.
BINABASA MO ANG
Dark Angel (bxb) [Completed]
RomancePaalala: This story, as it said to the title, is a boy x boy, boys love, yaoi story. If you want to read, I'll be glad to. But if you're disgusted, don't read it. This is pure creation of the mind of author (which is me). If characters' name here ha...