Nathan's POV
"Fine. I am on a mission. It's a private mission and it involves you," sabi ko kay Lucky na nanlaki ang mga mata sa huling sinabi ko.
"Me?"
"Yeah, kaya sa apartment ako tumitira,"
"Anong mission?" Nagtatakang tanong niya.
"As I said, it's private. Malalaman mo rin iyon sa tamang panahon."
Malalaman mo rin. Basta plano ng Panginoon.
Nandito na kami sa tapat ng apartment nang makasalunong namin si Manang Louis.
Tumigil muna siya sa harapan namin saka nagsalita.
"Kamusta kayo ni Chris? Nagkakamabutihan na ba kayo?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Manang.
Lucky's POV
Yeah, si Manang Louis, 'yung pumasok na lang bigla habang nag-uusap pa kami ni Christian.
"Manang, we're just talking! Nothing happened..." sabi ko sa kaniya.
"Okay, sabi mo, eh," sabi niya at nagkibit balikat na lang saka umalis.
"Tara!"
[Kinabukasan]
"You have new classmate today, class!"
Nasa klase kami ngayon, obviously at as usual, katabi ko si Nathan.
'Yung iba niya kasing kaibigan ay nasa ibang section kaya lilima lang kami dito...
Si Demo na tulala, si Cinth na nagbabasa (kahit na may guro na), si Chris na nakatingin sa akin (ramdam ko kasi), ako na nakaharap sa blackboard, at si Nathan na hindi ko alam kung anong ginagawa.
Bigla na lang tumayo si Nathan kaya napatingin ako, I mean, ang lahat sa kaniya.
Nathan's POV
Napatayo ako nang maramdaman ang presensyang iyon...
Hindi ako maaaring magkamali...
"Is there a problem, Mr. Park?" Tumingin ako sa guro namin saka umiling bilang sagot.
"Then, sit."
Sumunod na lang ako.
Christian's POV
May nararamdaman akong kakaiba. Sobrang bigat ng presensya...
Napatingin ako kay Nathan nang tumayo siya.
Siguro, nararamdaman niya rin ang nararamdaman kong presensya.
Pero bakit ko ito nararamdaman?
Lucky's POV
"Introduce yourself, please," sabi ng teacher kaya pumasok ang lalaki.
He seems familiar...
At nang humarap siya,...
"Liam?!"
BINABASA MO ANG
Dark Angel (bxb) [Completed]
RomancePaalala: This story, as it said to the title, is a boy x boy, boys love, yaoi story. If you want to read, I'll be glad to. But if you're disgusted, don't read it. This is pure creation of the mind of author (which is me). If characters' name here ha...