Chapter 12: Start

599 54 0
                                    

Lucky's POV

Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa rin siya.

Saan kaya siya nagpunta?

"Teka lang, ah!" sabi ko sa kanila saka umalis.

Tinawag pa nila ako pero umalis pa rin ako.

Pero bago ako pumunta kay Nathan, tiningnan ko muna ang kalangitan...

Madilim. Tila uulan.

Pumunta na nga ako kay Nathan, at 'di ko inaasahan ang makikita ko.

Someone's POV

Napangisi ako nang dumaan siya sa harap ko.

Magsisimula na ang plano ko sa'yo, Lucky.

*evil laugh*

Christian's POV

This wind feels weird.

Nang lumindol, hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako.

At ang nararamdaman ko pa ang hangin ngayon, tila dumagdag pa sa kaba na nararamdaman ko.

Tumalon ako upang makababa sa puno. Nandito kasi ako sa garden.

Tiningnan ko ang kalangitan.

Madilim. Mukhang uulan.

Bigla namang may pumasok sa utak ko.

Iyak. Dilim. Ulan. Anghel. Lucky.

Lucky.

Lucky?

Si Lucky!

Agad-agad akong tumakbo at tumungo sa cafeteria.

Demo's POV

Nagtataka ako.

Bakit bigla na lang umalis ang dalawang iyon?

Anong meron?

Ipinagsawalang bahala ko na lang at kumain.

Syempre, pampalakas ng muscle!

Napatigil ako sa aking pagkain nang dumating ang bestfriend ko na si Chris.

Kakamustahin ko sana siya nang...

"Nasaan si Lucky?" tanong niya agad at para siyang hindi mapakali.

Kumunot ang noo ko.

"Kaaalis lang, bakit?" tanong ko agad sa kaniya.

"Nasa delikado siyang kalagayan. Hanapin natin siya!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Kung si Chris na ang magsasalita nang ganyan... Sigurado na akong nasa delikadong lugar nga si Lucky!

Tumingin ako kay Cinth na nakatingin na rin pala sa akin.

Tumango kami sa isa't isa saka humarap kay Chris.

"Tutulungan ka naming hanapin si Lucky."

Ngumiti siya kaya napangiti na rin kami.

Nathan's POV

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakbay patungong kanluran, nang may maramdaman akong kakaiba.

Bumalik ako sa university at hindi inaasahang pangyayari ang nakita ko.

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon