Chapter 7: Apartment

986 84 0
                                    

Lucky's POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula no'ng unang araw ko sa trabaho at napapansin ko ang lalaki na laging nandoon. 'Yung lalaking baligtad ang pagbasa ng menu noon.

Napapansin ko rin na parang laging may nakamasid sa akin pero 'pag tinitingnan ko naman ay wala...

At isang linggo na ring mambully ang mga schoolmates ko.

Yup. Pagkatapos ng "himalang" araw na hindi sila nambully ay bumalik na ulit sila.

Specially, girls... Dahil iyon sa pagyakap sa akin ng kilalang tao dito. Si Christian.

Bumalik ako sa reyalidad nang may kumatok sa pintuan ng apartment.

Binuksan ko nang bahagya ang pinto at sumilip.

Kumunot ang aking noo nang makita ko si Manang Louis at isang lalaki na kilalang kilala ko.

Medyo nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at nagtanong kay Manang.

"Bakit po?"

Nathaniel's POV

Napatango ako.

Ito pala ang apartment ni Lucky...

Maliit na space. 2 beds, and wala halos gamit.

May mini-refrigerator naman at flat-screened television kaya pwede na...

Hey, I'm not saying na I'm being judgmental or I was born rich to say those things but I know, meron pang ii-improve ang tinitirhan niyang ito.

Oo nga pala... Nalaman ko ang pangalan niya no'ng ibinigay sa akin ang aking pangalawang misyon...

(Flashback)

"Magbabalat-kayo ka bilang tao."

Nagtaka naman ako sa sinabing misyong ni arkanghel Uriel.

"Itong desisyon at misyon ay ginawa ng ating Panginoon. Ito ay upang mas mabantayan mo siya at ma-protektahan." Tumango ako sa sinabi ni arkanghel Raphael.

"Nahanap ko na!"

Napatingin ako kay arkanghel Michael nang magsalita siya.

Pumunta sa aking harapan ang arkanghel at nagsalita.

"Ito ang mga papel upang makilala mo ang taong poprotektahan mo."

Tinanggap ko ang papel na nasa kanan niya at binasa ito.

Lucky.

Pero sa nakikita ko, kabaligtaran ng kaniyang pangalan ang nangyayari sa kabiya.

Binasa ko ang lahat ng nakalagay doon pero bago pa ako matapos (Actually, nasa kalahati pa lang ako nang binabasa), nang magsalitang muli si arkanghel Michael.

"At ito naman ay ang mga papel na kakailanganin mo para sa iyong misyon."

Tinanggap ko ang mga papel sa kaliwa niya saka ako nagpasalamat.

"Tapos na ang pagpupulong na ito. Maaari ka nang bumalik sa iyong misyon," sabi ni arkanghel Raphael.

Nagpasalamat ulit ako at umalis na sa langit upang gawin ang aking misyon.

(End Of Flashback)

"Kailangan ko na po bang magbayad ng renta kaya kayo nandito?" tanong ni Lucky na nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan.

"Hindi iyon ang ipinunta ko... Ang ipinunta ko rito ay para makilala ang magiging roommate mo."

Ipapakilala na sana ako ni Manang nang may dumating.

"Bakit ka nandito?" sabay na tanong ng dalawa na nakapagpakunot ng noo sa akin.

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon