Lucky's POV
*phew*
Ang hirap ding magpanggap na walang alam kahit may alam ka na...
Kararating ko lang dito sa bahay.
Kinuha ko ang aking cellphone saka tiningnan ang oras.
9pm.
*sigh*
Nakakapagod!
Galing lang kasi akong trabaho. Tapos, napagod ako sa pagpapanggap sa harap ng mga kaibigan ko.
Yeah. Hangga't maaari, hindi ko ipapaalam sa kahit na sino ang mga mangyayari.
Pumunta na ako sa kwarto, matapos kong magbihis.
Napatingin ako sa bintana.
Ang ganda ng buwan!
Medyo malaki ito sa usual, at napakaliwanag!
Naalala kong bigla ang sinabi ni Nathan, kagabi.
(Flashback)
"Teka, sa darating na bilog na buwan?" pagtatanong ko kay Nathan.
Baka kasi mali ang narinig ko.
Tumango siya kaya pumunta agad ako sa pinto kung saan nakasabit ang kalendaryo.
At nanlaki ang mga mata ko.
2 days from now, magsisimula na ang gyera.
At ang balita ko...
Napatingin ako kay Nathan.
Tumango siya na para bang alam ang aking sinasabi.
"Oo, pulang buwan o ang tinatawag ninyong 'lunar eclipse' ang mangyayari, sa darating na ikalawang gabi. At malalakas ang mga demonyo kapag pulang buwan."
Lalong lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Kaya ba magkakaroon ng gyera?"
Tumango siya.
"Kaya ba gusto akong makuha ng lalaking iyon?"
Tumango ulit siya.
"Kaya ba... Kaya ba ang tawag niya akong Luna dahil ako 'yung itinakda?"
[Author's Trivia: Luna means moon.]
Tumango na naman siya.
(End Of Flashback)
Hanggang ngayon nga, ay hindi ako makapaniwala, eh.
Pero...
Napag-isipan ko na ang aking magiging desisyon.
At 'yon ay...
Napalingon ako nang may maramdamang presensya sa kanan ko.
Si Lucifer.
Umupo siya sa kama ko kaya umupo na rin ako.
Ngumisi siya.
"Anong magiging desisyon mo? Ang mabuhay sa mundong ito na puro sakit ang dulo o maghari na kasama ako?"
Ibinuka ko ang aking bibig at sinabi sa kaniya ang desisyon ko.
BINABASA MO ANG
Dark Angel (bxb) [Completed]
RomantizmPaalala: This story, as it said to the title, is a boy x boy, boys love, yaoi story. If you want to read, I'll be glad to. But if you're disgusted, don't read it. This is pure creation of the mind of author (which is me). If characters' name here ha...