Chapter 38: Gone

168 16 0
                                    

Author's Note:

Hi, guys! Sorry dahil ngayon lang ulit ako nakapag-update. There's something came up kaya sana naiintindihan ninyo.

Anyway, let's keep going!

Enjoy reading!

Liam's POV

Ibubuka na niya sana ang kaniyang bibig, nang magsalita ako.

"Bago mo sabihin ang desisyon mo,..." Tinikom naman niya ang kaniyang bibig kaya napangisi ako.

"May munti akong regalo para sa'yo," pagpapatuloy ko.

Gumawa ako usokna gaya no'ng ako ay pumupunta rito through teleportation. Hinugis ko ito at pinakita sa kaniya kung sino ito at kung ano ang kalagayan niya.

"Tricia!" Woah...

"Matagal ko na rin iyang hindi naririnig sa iyo," nakangisi kong sabi sa kaniya.

Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka pero hindi ko binigyang linaw ang kaniyang pagtataka. Sa halip, nagtanong ako sa kaniya.

"Ano ang desisyon mo, Luna?"

Huminga siya nang malalim saka sumagot.

"Sasama ako."

Napangisi ako. That's my boy!

Tumingin siyang bigla sa kwarto niya, kaya napatingin rin ako and oh...

"Look who's here!" sabi ko nang makita ko ang anghel na may misyong protektahan si Lucky but sad to say, he's mine now...

Tumingin muna siya kay Lucky bago tumingin sa akin.

Hindi nagbago ang hitsura niya gayong alam na niya na sa akin sasama si Lucky.

An expressionless face.

No matter. Ang mahalaga sa akin, nasa piling ko na ang taong mahal ko at wala na siyang magagawa doon!

*evil laugh*

"Tara na, reyna ko," sabi ko at akmang aalis na nang...

"Sandali." Huminto kami at tumingin kay Nathan.

Tumingin siya kay Luna at nagsalita.

"Sana maging masaya ka sa kaniya."

Ngumisi ako saka ako naglabas ng usok at nag-teleport.

Third Person's POV

Nang makaalis na ang demonyo, pumunta si Nathan sa kaniyang kwarto at naglabas ng jacket.

Isinuot niya iyon at umalis sa apartment building.

Samantala, sa isang bahay, nandoon ang mga anghel na nagpupulong para sa gagawin.

"Tapos na ang plano! Isa na lang ang kulang," sabi ng isang anghel.

Bigla namang bumukas ang pinto at nagpakita ang isa pang anghel.

"Wala na siya," sabi niya na may malungkot ang boses.

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon