Chapter 42: Guardian

179 16 0
                                    

Lucky's POV

Nasa apartment ako ngayon. I am on the corner of my room para hindi ako makita.

"Wala siya dito," naririnig kong sabi ng isa.

"Sigurado kayo?" tanong ng isang babae.

Nang marinig ko ang boses na iyon, hindi ko maiwasang hindi ikuyom ang aking mga kamay.

Why?

Why does she gave herself to the demons,...

Tricia?

Nathan's POV

"Kayo na ang bahala dito!" sabi ko sa kanila.

"Oo!" sigaw nila. Napangiti ako.

Habang sila nga'y lumalaban na sa ibang kampon ng kadiliman, umalis ako.

Pupunta ako ngayon sa apartment.

Nasabihan ko na si Manang Louis na may magaganap na gulo kaya umalis na siya roon.

Meron namang tinutuluyan si Manang Louis, kaso malayo dito.

Mas okay na rin iyon kaysa mapahamak siya dito.

Anyway, pupuntahan ko na nga ang apartment upang iligtas...

...iligtas ang minamahal ko.

Demo's POV

Naghanap ako ng upuan at ibinagsak ko sa mga demonyo na akmang susugurin ako.

Matapos, hinihingal akong tumingin sa aking anghel.

Hindi ko talaga aakalain na mahal ako ng taong mahal ko.

(Flashback)

"Salamat," sagot ni Yu nang umalis na sina George, Heather at Nathan.

Nagtaka naman ako.

"A-Anong sasabihin ninyo, Yu, at Chris?"

"'Yung sinabi ni Nathan kanina,"

Oo, that we will be protected by our... beloved...angel.

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi pala. Nanlaki ang mga mata namin nang ma-realize namin ang ibig iparating ni Nathan.

"See? Hindi ka b*b*!" sabi ni Yu sabay batok sa akin at tumawa.

Wait. Tumawa?

Napangiti ako dahil dito.

Am I dreaming?

Can someone slaps...

[Author: Oh! *pak*]

Patapusin mo naman ako, Author!

[Author: Yeah, I miss you, too. --__--]

Tsk. Masakit 'yun, ah. Pero teka nga, anong sabi mo?

[Author: Nevermind. Baka lumaki ang ulo mo.]

Ayst! Si Author talaga, oh!

"Hoy!" Nagising ako sa reyalidad nang may magsalita.

Tiningnan ko kung sino iyon at napalunok ako.

Ang lapit ng mukha ni Yu!

Nakaramdam ako ng init sa mukha dahil sa hiya. He is...

He is too close!

Lumapit pa siyang lalo kaya napapikit ako.

"I love you," bulong niya sa tenga na nagpamulat sa akin.

"I'll protect you, no matter what happens," dagdag pa niya.

(End Of Flashback)

"Sa likod mo!" sigaw ni Yu kaya napatingin ako sa likod at nakita kong may papalapit sa aking demon at handa na akong atakihin kaya napapikit na lang ako.

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon