Chapter 34: Prophecy

192 22 0
                                    

Lucky's POV

Ang lalaking nakaitim!

"Malapit na ang itinakda. Sa araw na iyon, mapapasaakin kita. Paghaharian ang mundo, kasama ka. Ibibigay sa'yo ang lahat, basta't ika'y sumama," sabi niya at inilahad ang kaniyang kamay.

Itinakda? Anong ibig niyang sabihin?

Saka bakit naman ako sasama?

"Pagharian natin ang mundo. Sakupin natin ang isipan ng tao. Sumama ka sa akin, ngayon din. At makikita natin ang mundo na atin."

"Hindi ka na malulumbay, hindi ka na magagalit. Sa mundong mapaglaro, at mapanakit. Saya, ang iyong mararamdaman, sapagkat kapiling ako, magpakailan pa man."

Saya... Walang sakit?

Naalala ko si Nathan...

Napangiti ako nang mapait...

Ngumiti ulit siya.

Unti-unti ko nang kukunin ang kamay niya nang...

"Ngunit sakit na ating nadarama, kapalit ay ligaya. Kaya't lumayas ka! Ako ang gagabay sa kaniya!" Napalingon sa kagigising lang na si Nathan.

Kanina pa ba siyang nakikinig?!

"Ito ay desisyon ng mahal kong reyna. Kung siya ba ay mananatili sa kaniyang problema o palalayain ang sarili upang ang bigat na loob na dinadala ay mawalang bisa na?"

Napatingin ang dalawa sa akin kaya napaturo ako sa sarili ko.

Tumango sila.

"P-pag-iisipan ko," sagot ko sa kanila kaya napangiti ang lalaking nakaitim.

Hindi masama ang deal sa akin ng lalaking iyon kasi...

Sino ba ang taong ayaw mapalaya sa kaniyang problema?

But...

Napatingin ako kay Nathan na nakatingin rin sa akin.

Alam ko... Maiiwan ko siya.

Umiling ako. Hindi ko dapat iniisip iyan!

"Maghihintay ako, Luna. Hanggang ating muling pagkikita!"

At naglahong muli siya.

Tumahimik ang paligid.

May gusto akong itanong sa kaniya pero hindi ko magawa.

"Kung gusto mong magtanong, magtanong ka. I will answer it honestly," sabi ni Nathan kaya tumingin ako sa kaniya.

Kahit nakayuko siya, alam kong nakikinig pa rin siya.

"Bakit kilala mo ang taong iyon?"

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon