Author's POV
Unti-unting nawala ang liwanag at nang ang liwanag na lang ay nanggagaling sa liwanag ng buwan, wala silang nakita.
Unti-unting nawalan ng pag-asa ang mga tao.
Nathan's POV
Matapos ang liwanag na iyon, doon kami dumating.
Actually, hindi kami nakikita ng mga tao ngayon dahil nasa angel form kami.
Samantalang sina Demo at Cinth ay hindi rin makikita kahit sila'y tao. Ginamitan ng kapangyarihan ni Heather ang dalawa upang ang magiging laban ay hindi sa mga tao kundi sa mga anghel at demonyo lang.
Bagama't mararamdaman nila, lalo't sa pagtatapos nito ngunit hindi nila pa rin kami makikita.
Anyway, nandito kami sa gitna ng lahat ng demonyo.
Oo, pagkatapos ng liwanag, pumunta agad sila rito kaya napangisi ako.
"Protect them!" utos ko nang tumingin ako kina Chris at Yu.
Tumango sila at pumunta sa likod nina Cinth at Demo, respectively. Napailing ako nang may maalala ako.
(Flashback)
"Our beloved angel?" tanong nila kaya tumango ako sa kanila.
Sinabi sa akin ni George ito kaya napangiti ako.
There's someone na nakamove on na. 'Yung isa naman, nagpapanggap pa.
Tsk, tsk, tsk.
"Maiwan ko muna kayo," sabi ko sa kanila na meron pa ring confusion sa kanilang mga mata.
"Tara na, Heather. Hayaan mo na muna natin sila." At lumabas kami ni Heather.
(End Of Flashback)
Tsk, tsk, tsk.
Christian's POV
Natawa ako nang maalala ko ang mga ginagawa ko noon.
(Flashback)
Noong nasa canteen kami, nakatingin ako kay Heather.
Pero nararamdaman kong may nakatingin sa akin. Hindi si Lucky, kundi si...
Cinth.
He is my friend kaya dapat hindi ko siya pinapatulan, at saka baka isipin niya na panakip-butas ko lang siya.
And also, alam kong iba siya sa lahat, at ngayon ko lang iyon napansin.
Though, napakatahimik, maaalalahanin iyan 'pag dating sa tropa.
He's not the typical type of nerd na makikilala mo, he's one heck of a nerd!
I mean, meron bang nerd na magaling manuntok at manipa? Na kayang ipagtanggol ang sarili?
And also, he's the type of nerd na hindi nagsasalamin.
Wait lang, bakit ko ba siya iniisip?
Umiling-iling ako saka pinagpatuloy ang pagtingin kay Heather.
(End of Flashback)
Napangisi ako.
Anyway, hindi ko muna iisipin iyan. Iisipin ko muna sina Lucky at Demo, na mga kaibigan ko, at si Cinth na minamahal ko.
BINABASA MO ANG
Dark Angel (bxb) [Completed]
Storie d'amorePaalala: This story, as it said to the title, is a boy x boy, boys love, yaoi story. If you want to read, I'll be glad to. But if you're disgusted, don't read it. This is pure creation of the mind of author (which is me). If characters' name here ha...