Lucky's POV
Nandito ako sa sala nila. Naghihintay...
*sigh*
"Para 'di ka mainip... Mag-board game na lang tayo!" request ni Hmmm... Ano nga ang pangalan niya?
George!
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala...
(Flashback)
Nagulat ako sa bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto.
Hindi lang pala si Nathan ang nakatira dito.
Nagulat nga din siya nang malaman niyang may kasama ako... Pinalaki naman niya ang pagbukas ang pinto at pinapasok kami.
Ipinakilala naman kami ni Nathan sa kaniyang mga kasama (and vice versa).
Si George (na palatawa), Heather ('yung nag-iisang babae), at Yu ('yung bestfriend daw ni Nathan)
(End Of Flashback)
"Sige!"
"But I have one condition," sabi niya at biglang ngumisi.
Natakot ako. Natakot sa ngisi niya na parang may binabalak, at natatakot sa kondisyon na sasabihin niya.
Napalunok ako saka tumango sa kaniya para sabihing ipagpatuloy niya.
Nathan's POV
"Gusto mo raw akong makausap?"
Lumingon siya sa akin at seryosong mukha ang nakita ko sa kaniya.
"Anghel ka, hindi ba?"
Tama nga ako. Meron ngang taong nakatingin sa akin noong iniligtas ko si Lucky.
"Yes. Why?"
Nagkibit balikat siya, saka nagsalita. "I just want to confirm."
Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya... At ngayon ko lang na-realize na sala ang tanong ko.
"I mean, bakit mo ako nakita, noon? I was in angel form at iisa lang ang pwedeng makakita sa akin dahil I acknowledge that person but that person isn't you. Is there something I don't know?"
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
Tiningnan ko ang kaniyang mga mata, at mukha siyang nako-confused...
"If you don't know, answer it, yourself. Ikaw lang dapat ang nakakaalam sa mga bagay na iyan."
Umalis na ako sa garden at pumunta sa sala.
Nakita ko namang tuwang tuwa si George habang naglalaro sila ni Lucky ng chess.
Mukhang nanalo si George, ah!
"So it's settled! Date tayo bukas!"
Date tayo bukas!
Date tayo bukas!
Date tayo bukas!
"Ano?!"
Christian's POV
Kung iisa lang ang nakakikita sa kaniya at hindi ako iyon...
Sino ako?
Ano ako?
Huminga ako nang malalim saka pumasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Dark Angel (bxb) [Completed]
RomancePaalala: This story, as it said to the title, is a boy x boy, boys love, yaoi story. If you want to read, I'll be glad to. But if you're disgusted, don't read it. This is pure creation of the mind of author (which is me). If characters' name here ha...