Chapter 5: Bully

1.2K 87 0
                                    

Lucky's Point Of View

"Hey."

Napatingin ako sa nagsalita

At ang akala ko'y wala nang mambubully sa akin, ay akala lang pala.

Tatlo silang nakatingin sa akin nang masama.

Ang nasa gitna ay ang madalas na mambully sa akin dahil sya ang leader ng "gang" niya. Siya si Christian Layde. At hindi tulad ng pangalan niya, demonyo siya.

Makisig at may maipagmamalaki kaya tilian kapag siya ay dumadaan.

Pero wala naman akong pakialam doon kasi para saan pa? Wala rin namang nagmamahal sa akin.

Ang "gang" niya na nasa kanan ay si Demo. Tulad ng kaniyang pangalan at tulad din ng ugali ni Christian, DEMOnyo din yan.

Well, may maipagmamayabang din kaso bali-balita na babaero ang lalaki. Pero since, wala namang kinalaman sa buhay ko ay binalewala ko na lang ito.

At ang kaibigan ni Christian na nasa kaliwa ay si Hyacinth. Yup! A flower. Pero dahil sa ayaw niya sa name niya ay Cinth ang pinatatawag sa kaniya at iyon ang binansag sa kaniya.

Sabi ng mga "tsismosa", si Cinth ang nerdy type of person pero wala siyang glasses. Hindi man maayos ang kaniyang buhok pero bagay sa kaniyang makinis at maputing mukha.

Pero gaya ng mga sinasabi ko, wala akong pakialam sa kanila. Bakit ko pa sila papakialaman kung, katulad nito, ipapahiya na naman ako sa maraming tao?

"Hoy! Kinakausap kita!" Nagising ako sa reyalidad ng sumigaw si Christian sa aking mukha.

Yumuko na lang ako. Wala rin naman akong magagawa kung ibu-bully niya ako ngayon...

Nagulat na lang ako nang bigla siyang yumakap sa akin.

Miske, ang mga kaibigan niya at mga kamag-aral (especially, mga babae) ay napatigil at nagulat.

"'Wag kang sasama sa ibang lalaki, ah..."

Napakunot ako ng noo.

Anong sinasabi nito?

Tinulak ko siya para kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin at nagtagumpay naman.

Lalapit sana ulit siya pero tumakbo agad ako, palayo.

Pumunta ako sa Comfort Room. In-open ko ang faucet at naghilamos ako.

Tumingin ako sa salamin.

Anong nangyayari kay Christian?

Dati naman ay nangbu-bully siya sa akin. Mula pa nga no'ng nag-transfer ako dito at Grade 6 pa lang ako noon, ay binu-bully na ako nito.

Hindi kaya...

Christian's Point Of View

Napangisi ako.

Nakita naman nina Cinth at Demo ang pagngisi ko kaya napangiti sila.

Nagsialisan na naman ang audience namin kanina.

"Bro, balak mo talagang i-bully siya, 'no?" tanong ni Demo.

Ngumisi akong lalo.

"Anong sinasabi ninyo?" Kunwaring tanong ko.

"'Yang mga ngisi mong 'yan, alam ko na ang balak mo," sabi ni Demo.

Ngumisi siya at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Sa mga sinabi mo kanina, magagalit ang fans mo. At ang ibig sabihin no'n, ang mga fans mo ang bu-bully kay Lucky at hahayaan mo lang ito, tama ba ako?"

Lalo akong ngumisi kaya alam na nila ang kasagutan ko.

Umakbay namang bigla si Demo, kaya napayuko ako, saka niya ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talaga!"

"Oy, tama na!" sabi ko sa kaniya dahil patuloy pa rin niyang ginugulo ang buhok ko.

Tinanggal niya na ang mga kamay niya kaya inayos ko ang aking buhok.

"Punta tayong cafeteria... Gutom na ako," sabi ni Cinth. Pumayag naman si Demo at nagkakwentuhan na sila, habang paalis.

Nang mapansin nilang 'di ako sumusunod, lumingon sila sa akin at nagtanong si Demo.

"Sasama ka ba, Christian?"

"Aaah... May pupuntahan pa ako. Mauna na kayo!" sagot ko kaya nagpatuloy na silang umalis.

Nang matanaw kong nasa cafeteria na sila, unti-unting nawala ang ngisi ko at naging malungkot.

Sorry, mahal ko.

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon