Chapter 4: Misyon

1.4K 102 0
                                    

Nathaniel's Point Of View

Nasa kalangitan na ako, at kararating lang. Pumunta agad ako sa silid ng pagpupulungan at binuksan ang pinto.

Naalala kong bigla noong binigyan nila ako ng misyon. Hindi ko inakala na iyon ang magiging misyon ko.

---Flashback---

"Ang misyon mo ay...

...protektahan ang isang taong nagngangalang Lucky delos Reyes," sabi ni arkanghel Michael.

Nagtaka ako. Ang kinasayan kong laging ibinibigay sa akin ay pakikipaglaban sa isang grupo ng mga demonyo, ngunit bakit ito ang aking magiging misyon?

"Huwag kang magreklamo." Napatingin ako kay arkanghel Raphael nang siya ang magsalita.

"Nakikita ko sa iyong mukha," pagpapatuloy niya. Sumagot naman ako.

"Hindi po ako nagrereklamo. Nagtataka lang po ako," sabi ko sa kanila.

"Ang Panginoon mismo ang nagbigay ng misyong iyan sa iyo, Nathaniel. Siya ang nakakaalam kung bakit ibinigay niya ito sa iyo."

Tumango ako, at yumuko.

"Kung gano'n ikinalulugod ko pong tanggapin ang misyong ibinigay sa akin ng Panginoon," sabi ko habang nakayuko.

"Kung gayon, humayo ka at gawin ang ipinagkaloob na misyon at maging matagumpay ka sa ngalan ng Panginoon."

Itinaas kong muli ang aking ulo at tumalikod upang umalis.

Pero bago pa ako makapunta sa pintuan, tinawag akong muli ng mga arkanghel.

"Nathaniel."

Humarap ako sa kanila.

"Magmadali ka. Ang iyong misyon ay hindi maisasakatuparan kung hindi ka magmamadali. Nagbabalak na magpakamatay ang iyong misyon," sabi ni arkanghel Miachael.

Kaya yumuko akong muli sa kanila at binuksan ang pinto.

Lumipad agad ako at pinuntahan ang aking misyon.

---End Of Flashback---

"Nandito na ako, mga arkanghel," sabi ko.

Sinarhan nang muli ang pinto at kinausap ako.

"Dahil sa misyon mo ngayon, may kakailanganin ka sa mundong iyon at ito ay ibibigay namin sa'yo," sabi ni arkanghel Uriel.

(A/N: Magkaiba ang anghel na nagpadala ng mensahe kay Nathaniel sa unang kabanata at ang arkanghel. Ito ang sinasabi ni Nathaniel na may parehong pangalan sa kanila kaya binibigyan nila ng kakaiba o kadugsong na pangalan ang mga pangalan nila. [e.g. Nathan, short for Nathaniel])

Magpapasalamat na sana ako nang magsalitang muli ang arkanghel.

"At may bago kang misyon upang magampanan mo nang maayos ang una mong misyon,"

Nanlaki ang mga mata ko. Dalawang misyon ang aking gagawin?

*Lucky's Point Of View*

Nasa eskwelahan ako ngayon.

At nakapagtataka...

Bakit hindi na sila nambubully sa akin?

At dahil masaya ako. Ikinibit balikat ko na lang iyon.

Yeah! Masaya ako, dahil...

May trabaho na ako!

---Flashback---

Hindi ako makapaniwala sa laman ng envelop.

Isa itong resumè. Naka-fill in na at meron nang picture.

At least, gwapo ako sa litratong iyon, ah! Haha

Pero seryoso, sino ang maglalagay ng ganito? Lahat ng nasa resumè na tanong ay alam niya na parang kilala niya ako mula pa pagkabata...

May nakita na naman akong note sa loob ng envelop.

"Lahat ng kailangan mo ay nandito na. Ikaw na ang bahala sa lahat," basa ko sa note.

Bahala sa lahat? Anong ibig niyang sabihin?

Wait lang. Resumè? Ibig sabihin,...

Ngumiti ako dahil sa tuwang nararamdaman. Nagtatalon-talon pa ako dahil sa nalaman ko.

So, kailangan ko na lang ay mag-apply!

Dahil sa naisip kong ito, nagbihis agad ako, kinuha ang dapat na kailangan at umalis sa apartment.

---End Of Flashback---

Tapos, natanggap ako sa trabaho!

Though, ang daming rejects pero ayos lang...

Ang mahalaga, makakapagtrabaho na ako!

"Hey." Napatigil akong nang may magsalita.

Tiningnan ko kung sino ang kaharap ako, at...

Ang akala kong wala nang mabubully sa akin, ay akala lang pala.

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon