Chapter 19: Liam

338 34 0
                                    

Lucky's POV

Naiinis akong umalis sa mall.

Iniwan na lang niya ako dito nang mag-isa!

(Flashback)

Yes!

Ako ang may mas malaking puntos sa basketball kaysa kay George!

Natatawa talaga ako sa kaniya. Hahaha

Gustong maglaro pero hindi marunong maglaro! Hahaha!

Nandito kami ngayon sa arcade ng mall, naglalaro at meron pa kaming pinag-usapan!

Kung sino ang manalo, gagawin ng natalo ang kung anong gustong ipagawa ng nanalo.

Kaya hyper ako ngayon!

Hahaha

Tapos, nanalo pa ako! Yoohoo!

Napatingin ako kay George nang mag-ring ang cellphone niya.

Kinuha naman niya ito at sinagot.

Tumango-tango siya sa kaniyang katawagan saka ibinaba iyon.

"May emergency akong pupuntahan kaya aalis na ako. Bye!" sabi niya saka tatakbong umalis.

"Teka!"

Napanguso ako.

'Yung napag-usapan namin!

(End Of Flashback)

Kaya heto, nasa park na ako... Baka kasi merong dumating na mabait na taong magpapasakay sa akin.

Nagulat ako nang makita ko si Nathan na nakaupo sa bench.

Nathan's POV

Ang tahimik.

Nasa kotse kami ngayon. Ako, nagda-drive, si Lucky, nasa tabi ko.

"Uhmmm" halos sabay naming sabi kaya...

"Mauna ka na," sabi ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo doon?" tanong niya.

"Sinusundan ka," sabi ko agad. Napatahimik siya nang sabihin ko iyon.

Tiningnan ko siya nang saglit, at nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Ang totoo, hindi ko rin alam,"

"Huh?" Napangiti ako. Kahit na hindi ko siya nakikita (kasi nga sa kalsada na ako nakatingin), ramdam kong nagtataka siya.

"Hindi ko alam. Basta nakisabay lang ako sa aking nararamdaman saka ko lang namalayang nasa mall ka na at kausap mo si George."

'Hindi ko nga rin alam kung bakit naninikip ang dibdib ko kapag kasama mo siya. Ngayon ko lang ito naramdaman...'

Hindi ko na iyon sinabi. I'll just keep it to myself.

Ipinarada ko na ang aking kotse sa park saka kami lumabas nang sabay.

Pumasok na kami sa apartment building na tinutuluyan namin.

[Kinabukasan]

Papunta na akong faculty room ngayon.

At nabibigatan ako sa mga dala kong mga papel at libro!

Dahil sa dami ng papel at libro, hindi ko makita ang daan.

Biglang namang may dumaan kaya lahat ng papel at libro ay nalaglag.

*sigh*

Umupo ako at kinuha lahat ng papel at libro.

"Tulungan na kita," sabi niya saka niya ako tinulungan.

Nang matapos, inangat ko ang aking tingin sa kaniya at nagsalita.

"Salamat...?"

"Liam. Liam Defensor."

"Salamat, Liam," sabi ko sabay ngiti at lahad ng kamay.

"Walang anuman, Lucky," sabi niya at nakipagkamay din.

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon