Chapter 26: Kaaway

244 28 0
                                    

Nathan's POV

Hindi ako makatulog.

Iniisip ko pa rin ang encounter namin ni Liam.

Umiling ako nang maalala ko ang mga sinabi niya.

I will definitely protect you, Lucky.

[Kinabukasan]

Nandito na ako sa classroom at ngayon lang pumasok.

Tanghali at marami nang estudyante sa cafeteria.

Dumiretso ako sa cafeteria at hinanap si Lucky.

Pumunta agad ako sa kanila nang hindi tumitingin sa iba kaya...

"Buti at pumasok ka pa," sabi ni Yu na ikinagulat ko.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko agad sa kanila.

Napairap naman si Yu, pero ang sumagot ay si George.

George's POV

"Ganito kasi iyon...

(Flashback)

"Tulog pa rin si Nathan," announce ni Yu kaya napabuntong hininga na lang ako.

Ano bang ginawa niya at hanggang ngayon, tulog pa rin?

Ready na kami, oh! Sya na lang ang hindi...

Hmmm....

Baka naman...

May ginawa kagabi. Hahaha!

May bigla akong naramdamang paparating kaya lumuhod kami agad na parang knight dahil kilala namin ang nararamdaman naming presensya.

"Magandang umaga," sabi ni arkanghel Michael.

"Magandang umaga, arkanghel," sabay sabay na bati namin.

"Tumayo kayo at nang makapag-usap tayo nang maayos."

Nagkatinginan muna kaming tatlo bago kami sumunod.

"Ipinatawag ako ng Diyos upang sabihin ang ipinapasabi niya,"

"Pasenya sa pagpuputol ng iyong sasabihin, arkanghel ngunit ang aming kaibigan ay hindi pa nagigising. Hintayin po natin siya upang masabi ninyo sa amin kung ano man po ang sinabi ng Diyos sa inyo," mungkahi ni Uriel.

"Ang sasabihin ko sa inyo ay hindi para sa kaniya. Para lang ito sa inyo," sabi ni arkanghel Michael kaya nagtaka ako.

"Nakikita ng Diyos ang inyong ginagawa kaya may ipinasabi Siya sa akin upang ipabatid sa inyo," dagdag pa niya.

"Una, kay Uriel.

Magtiwala ka sa mga taong nasa paligid mo. Huwag kang mag-alala, gagabayan ka ng Panginoon."

Tumango naman si Uriel.

"Pangalawa at huling huli,

Kayo nina George at Heather. Patuloy ninyong gabayan si Nathan at ang kaniyang misyon. Huwag ninyong hayaang mapunta siya sa kaaway."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng arkanghel.

'Huwag ninyong hayaang mapunta siya sa kaaway'?

Anong ibig sabihin n'on?

(End Of Flashback)

...Kaya nandito kami," sabi ko.

Tumingin ako ulit kay Nathan at nakita ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Nararamdaman ko rin ang bigat ng aura na inilalabas niya.

Mukhang hindi maganda ito!

Dark Angel (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon