Prologue

44 4 0
                                    


Ako si CELINE GONZALEZ isa sa pinakamayaman ang pamilya ko dito sa siyudad namin kaya wala ni isa kaya akong kalabanin dahil sa sobrang yaman ng pamilya ko. Para lang silang basura na nakakalat sa paningin ko na kaya kong itapon kahit saan.

Masaya na sana ang buhay ko kung hindi lang laging busy sila mommy at daddy. Lahat kasi ng atensyon nila nakatuon lang sa kompanya namin kaya lumaki akong wala sila sa tabi ko, lumaki ako ng palaaway at spoiled hindi ko na din minsan nagagalang at narerespeto ang mga magulang ko dahil sa galit ko.

Hanggang dumating ang araw na hindi ko kailanman inasahan. Namatay sa aksidente ang mga magulang ko dahil dun nalugi ang kompanya. Ang sabi sa akin ni tita mary tumulong daw ako para umangat ulit ang kompanya namin pero dahil 18 pa lang ako at nag-aaral pa lang, hindi ko ito sinunod hanggang sa tuluyan ng malugi ang kompanya na pinaghirapan nila mama at papa.

Dahil sa sobrang lugi na non binenta na lang ito sa isang pinakamayaman din dito sa siyudad ang pamilyang WILLSON. Pagkatapos bilhin 'yon ng pamilyang willson, dahil ako ang panganay at kaisa-isang anak ng gonzalez sa akin ibinigay ang pera. Nakuha ko ang pera pero hindi sapat ito para mabili ko lahat ng kailangan ko.

Dahil wala na akong pangsweldo sa mga yaya at mga bodyguards ko ay umalis na lang sila kaya ako na lang mag-isa sa mansion hanggang sa may tumawag sa may tumawag sa telepono na agad ko namang sinagot.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Si tita mary mo ito. Tumawag ako sayo dahil nabalitaan kong umalis na lahat diyan ng mga katulong mo pati bodyguards mo kaya mas mabuti kung dito ka na lang muna tumira sa amin pa------"

"Hindi na po thank you na lang tita. This time gusto kong maranasan na tumayo sa sarili kong mga paa para makaahon sa kahirapan. Maghahanap po ako ng trabaho para magastusan ko lahat ng pangangailangan ko." Sinabi ko habang pinupunasan ang mga tumutulong luha sa mga mata ko.

"Kung gusto mo din pa lang magtrabaho dun ka na lang sa dati niyong kompanya. Wag ka mag-alala dahil naghahanap sila ng bagong sekretarya ng boss nila na sa tingin ko ay kaya mo naman yun." Sinabi ni tita mary kaya agad akong napangiti.

"Thank you po tita. Bukas po pupunta ako."

"Sige,sige text ko na lang sayo kung saang floor ang office ng magiging boss mo." Sabi niya bago patayin ang linya.

Maya-maya dumating na ang text ni tita mary kaya agad ko itong binuksan para basahin.

From: tita mary
5th floor

Pumunta agad ako sa kwarto ko para matulog na upang maaga akong makapunta doon dahil tiyak kong mahaba-haba ang magiging pila bukas. Buong gabi kong iniisip kung anong itsura ng boss ko kung gwapo ba siya o kaya mistiso or pangit pero sana naman hindi siya masyadong seryoso o magalitin dahil baka dumating sa puntong masuntok ko siya sa mukha katulad ng ginagawa ko sa mga kaklase kong lalaki dati.

See you my future boss!

END OF PROLOGUE.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now