Chater 3: First kiss
Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko na agad kong pinatay. Tumayo ako ng pilit kahit kinakain pa ako ng antok agad akong nagtungo sa closet ko para kumuha ng damit at nagtungo sa banyo para maligo.
Nandito na ako ngayon nakaupo mag-isa sa isa restaurant na malapit lang sa mansiyon. Habang kumakain ng pancake ginigilid ko naman ang tingin ko sa mga tao dito. Nalungkot na lang ako ng bigla kong nakita yung bata na sinusubuan ng mama niya habang ang papa naman niya ay pinupunasan ang dumi sa pisngi niya.
Bago pa tumulo ang luha ko minabuti ko na lang ituon sa pagkain na kinakain ko at mabilis na tapusin para hindi magalit ang boss ko.
"It's already 6:30 but your still here enjoying eating pancake while your boss is waiting for you"
Mabilis kong nilingon ito at laking gulat ko na nandito na sa harapan ko ang boss kong masungit. Nakatayo siya ngayon habang nakapamulsa ang iss niyang kamay at nakatingin lang ang mata niyang seryoso sa akin.
Tumayo agad ako, "S-sorry akala ko kasi mga----"
"That's what i'm saying. Did you not read my rules?"
Natahimik na lang ako dahil naalala ko na nakalimutan ko pa lang basahin yun sa sobrang dami ng iniisip ko nakakalimot na ako. Kinuha ko agad ang papel kung saan nakasulat ang mga rules umupo ako at binasa ito.
Rule no.1- When i call you, you should be there immediately
Rule no.2- Call me SIR ADRIAN only
Rule no.3- Your attention should be on me
Rule no.4- You are forbidden to do anything while working
Rule no.5- You need to do EVERYTHING i say
Rule no.6- PROFANITY
Rule no.7- Don't hide things.
Rule no.8- Be honest
Rule no.9- Don't get mad at me
Rule no.10- We have to do everything togetherPagkabasa ko pa lang ng unang rule nalabag ko na agad. Napaawang na lang ang bibig ko sa mga rules na ginawa ni Sir adrian.Tinignan ko siya na nakaupo na pala sa tapat ko habang suot suot pa rin niya yung shades niya. Gusto ko siyang pagtawanan sa suot niyang shades pero wag na baka kasi tanggalin niya ako bilang secretary niya.
"Grabe ka naman gumawa ng rules, pang relationship. Psh!" Sabi ko at sinandal ang likod ko sa upuan at nagcross arm.
"Sabihin mong oa ka lang kaya ka ganyan. Tsk!" Sabi niya sa akin at tumayo na.
Tumingin muna siya sa relong suot niya bago tumingin ulit sa akin.
"Tapos na ang oras mo para kumain kaya tumayo ka na diyan kung ayaw mong iwanan niya." Sabi niya bago tumalikod sa akin.
"W-wait, sir adrian!" Sigaw ko na ikinatigil niya sa paglalakad.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at naglakad papalapit sa kanya.
Tinignan niya ako na para bang naiinis, "B-bakit?" Tanong ko sa kanya bago ako yumuko ny makaramdam ako ng hiya.
"Pwede bang wag mo kong sinisigawan o tinatawag sa pangalan ko pag nasa public place tayo?! Tsk!"
"Okay, sorry na." Sabi ko at sinundan na siya ng nagsimula na ulit siyang maglakad.
Nasa parking lot na kami ng sumakay na sa loob ng itim na kotse si sir adrian habang kot naman ay hinihintay na tawagin niya ako baka kasi wala siyang balak na pasakayin ako.
YOU ARE READING
Love My Job Hate My Boss [On-going]
RomanceCeline Gonzalez is a kind of a beautiful and hot lady her family is one of the most prosperous in their city but one day they will lose all their resources. So she had to work to restore the wealth. She entered a company that was the richest of them...