chapter 13

9 0 0
                                    

Chapter 13: Mrs.willson

Tatayo na sana si mateo para tignan kung sino ang bumusina sa labas pero agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng pag hawak ko sa kanya ng braso. Nginitian ko lang siya ng magtaka siya sa kinilos ko. Tumayo agad ako at nagmadaling naglakad palabas sa loob ng bahay nila mateo hanggang sa madatnan ko sa labas ng gate si adrian na kakalabas lang sa loob ng kotse.

Nakasuot lang siya ng white long sleeve habang ang kulay itim niyang necktie ay hindi na nakasuot ng maayos sa kanya. Lihim akong napalunok ng magtama ang mga mata namin sa isa't isa. Mukhang wala talaga sa mood itong boss ko kaya bago pa siya mag iskandalo dito ay lumabas na ako sa gate para pauwiin na siya.

"Adrian, umuwi ka na." Sabi ko sa kanya bago siya hinawakan sa braso at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse niya para ipasok siya doon pero hindi pa rin siya sumunod sa akin dahil nagmatigas siyang tumayo sa labas.

"Can i get a hug?" Sabi niya bago ngumiti ng pilit. Nagtaka man ako pero niyakap ko na lang din siya kung iyon din ang paraan para makaalis na siya dito dahil natatakot ako na baka may makakita pa sa aming dalawa.

"I miss you, baby." Malamig ang tono ng boses niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit.

Kumalas siya sa pagkakayakap para tignan ako ng seryoso. "Sino yung kasama mo kanina? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Hindi ba ang sabi doon sa rule no.3 ay---"

"Your attention should be on me." Inunahan ko na siya.

"Bakit nasa iba?" Nanigas ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero parang ramdam ko kung gaano kasakit sa kanya ang ginawa kong pagsama sa iba dahil sa labi niyang nakasibangot na.

"Hugot ba 'yan sir? May bumiyak ba sa puso mo?" Sabi ko na parang naiiyak kaya napakunot na lang ang noo niya habang takang nakatingin sa akin. Ang bilis magbago ng mood pero hindi mabilis makahula, psh! Barbie talaga.

"Actually, I'm worried about you. Paano kung may gumahasa sayo dahil sa kakapunta mo saan-saan tapos gabi ka pa uuwi?" Concern was evident on his face and in the tone of his voice so I secretly smiled. See? Ang bilis talaga magbago ng mood niya kanina nagtataka tapos ngayon nag-aalala.

"Ako? Gagahasain? Sino namang maswerteng rapist 'yon?"

"Scarlet?" Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang pag tawag sa akin ni liam.

"Siya." Sabi ni adrian habang nakaturo kay liam kaya agad kong ibinaba ang kamay niya dahil sa gulat. Tinignan ko agad siya ng masama ng sinubukan niyang lapitan si liam kaya ginulo na lang niya ang buhok niya sa inis.

"He's a pervert." Bulong niya pa sa akin kaya buong lakas ko siyang siniko sa tagiliran niya.

"Bakit 'yan nandito?" Tanong ni liam sa akin habang seryosong nakatingin kay adrian. Gusto kong tumawa ng makita ko ang mata ni adrian na tumataas at bumababa kay liam na para bang nanunukso dahil wala siya ngayong suot na pang-itaas dahil siguro sa paglalaro niya kanina ng basketball.

Love My Job Hate My Boss [On-going]Where stories live. Discover now